Lumipas ang dalawang linggo at mas naging malapit sa isat isat sina Julia at Sandro. Madalas na silang mag ka text at nag aasaran.
Kasalukuyang kumakain sina Julia at ang kaniyang bestfriend na si Dani. Nasa isang sikat na fastfood chain sila ang Jubilee. Busy naman sa pagkain si Dani habang si Julia ay panay tawa habang hawak ang kaniyang telepono.
" Hoy! Julia! kanina ka pa diyan ah. kumain ka na nga. nakakatatlong rice nako dito oh" sabi ni Dani habang kumakain
Tila wala namang narinig si Julia at patuloy parin ito sa pag pindot ng kaniyang telepono habang nag pipigil tumawa ng malakas.
" hay nako! hulaan ko. si Sandro Miguel Cruz nanaman yang ka text mo noh?" sabi ni Dani
Napahinto naman si Julia at tumingin kay Dani. Tila natatawa pa rin ang dalaga.
"Hindi ah. kumain ka na diyan" sabi ni Julia
"Weh? bumagsak ka man sa final examination this Fri?" naghahamong sabi ni Dani
" Huy wag naman sana. Oo na, ito kaseng isa inenjoy ang pagiging tanga. nasawsaw daw yung sapatos niya sa malalim na putik. tapos pumasok siya ng mall" natatwang sabi ni Julia
" Ay! ayon naman pala. Sweet niyo. inuupdate niyo ang isat isa. yhiee" panunukso ni Dani
"Ewan ko sayo. " natatawang sabi ni Julia
" Ma iba ako Jul. Narinig ko sa mga groupmates mo na pupunta daw kayo sa Davao?" tanong ni Dani
"Yup. Wed flight namin and sa Friday ang balik namin. Yung proctor kase namin pinili niya yung Davao kase marami daw successful small business doon." sabi ni Julia
"An layo naman. kaya mo ikaw lang mag isa?. hindi kita masasamahan." sabi ni Dani
"Marami naman kaming pupunta doon and 3 days lang yon noh. kakayanin ko" sabi ni Julia
" Okay. o mag ready ka na ah. bukas makalawa na pala byahe mo. Update me always ah" sabi ni Dani
" Yep"
Naging mas abala naman si Julia sa mga sumunod na araw dahil marami siyang kailanagan asikasuhin para sa kanilang interview sa Davao.
Hindi na gaanong nakakpag usap at nagkikita si Sandro at Julia sa kadahilanang busy silang dalawa. Lalo na ng dumating ang araw ng flight ni Julia papuntang Davao.
Pag dating sa Davao ay mas naging busy ang dalaga dahil naatasan silang mag hanap ng magagandang imodelo na Small time business kaya lagi itong wala sa hotel at nasa down town upang mag hanap ng restaurant
Samantala nasa bahay naman si Sandro at ang kaniyang ama upang hintayin ang pagdating ni Anj.
" On the way na daw siya. nag text siya saakin." sabi ng kaniyang Ama
Maya maya pa ay dumating na ang taong kanilang inaasahan. Pumasok ang isang babaeng naka red dress na off shoulders at may dalang magandang bag
Lumapit naman ito sa Ama ni Sandro at bumeso. Pagkatapos ay lumapit ito sa binata upang bumeso rin
"Anj! iha! how are you. Welcome back" bati ng ama ni Sandro
Nanatiling tulala si Sandro habang tinititigan ang dalaga na ngayon ay nag sasalita
" Where's Kiara po?" tanong ni Anj ng biglang may batang sumisigaw palapit sakanya
" Ate AAAAAAAANJJJJJJJ! " sigaw ni Kiara habang kinarga siya ni Anj at niyakap