Kinaumagahan ay nagising si Julia dahil sa mga malalakas na pagyugyug sakanyang katawan gamit ang dalawang paa na nasa kanyang may paahan ngayon
" Tita walang pasok ngayoooon" inaatok na sabi ni Julia
" kababaeng tao nag lalaway"
Tila napa dilat naman si Julia ng marinig niya ang boses na iyon. Nilingon niya ang taong kanina pa niyuyugyug ang kaniyang katawan
"AAAH! labas! labaaaaas!" sabi ni Julia sabay pag tadyak sa lalakeng nasa harapan niya ngayon
" Aray. aray. .. oo na. sandali lang naman..aray oo eto na lalabas na" sabi ng lalake at tuluyan ng lumabas sa kwarto
Maya maya pa lumabas na si Julia sakniyang kwarto at nag tungo na sa sala
" ANONG GINAGAWA MO DITO HA?" sabi ni Julia sabay tapon ng malaking unan sa nakaupong si SANDRO
"Goodmorning!" naka ngiting sabi ni Sandro sabay napatayo
" Good? ang aga aga pagmumuka mo kagad nakikita ko. good yon?" pamimilosopo ni Julia na ngayon ay naka tayo sa harapan ni Sandro
" Oo, ikaw pa nga may sabi na mahal mo ako eh." panunukso ni sandro
Napa kunot naman ang noo ni Julia sa narinig niya sa binata. sasagot na sana ito ng biglang lumakad palapit ang kaniyang tita
" Anak Julia tawagin mo na yang kaibigan mo. mag breakfast na kayo dito. di pa daw kumakain yan eh." sabi ng tita ni Julia
Tumango na lang si Julia at tinitigan ng masama si Sandro
Julia's POV
Hindi ko inaasahan ang asungot nato ngayong araw. Di ko man maamin amin pero nasiyahan ako ng makita ko muli ang muka ng dagul nato. Namiss ko yung mga mayayabang niyang ngiti. tapos yung pagiging confident sa kagwapuhan niya.
"Tara kumain na daw tayo sabi ni tita." sabi niya saaken habang nagpapacute nanaman
"Wala na ba kayong pagkain sa bahay niyo at nakikibreakfast ka sa ibang bahay" mataray na sagot ko
" ikaw ang gusto kong kasama kumain eh" sabi niya saken
" tigil tigilan moko ha. umuwi ka na lang kaya. hinahanap ka na ni Anj." sabi ko
" Julia hali na kayo ready na ang breakfast" sabi ni tita
Lumakad na kami papunta sa hapagkainan. umupo ako sa tabi ni tita dahil ayokong makatabi ang asungot na yon. Kahit naman masaya akong nandirito siya dapat hindi ko pa rin ipahalata. Baka umasa tapos pareho lang kaming masasaktan
" Iho, ano nga ulit pangalan mo?" tanong ni tita
" Sandro po. Sandro Miguel Cruz" sagot niya
"Girlfriend mo ba itong si Julia?" tanong ni tita
" UHM! UHUM UHUUM" kunwareng umuubo ako
tumingin naman siya sa kinaroroonan ko at pinandilatan ko siya ng mata
" Ay hindi po tita, magiging girlfriend pa lang." nang aasar niyang sagot sabay tingin saaken
Aba! sinusubukan talaga ako nitong dagul nato ah. humanda ka saken mamaya.
" Ah nanliliggaw pa pala. oh sige kumain na kayo ng marami diyan" sabi ni tita
Maya maya pa ay natapos na akong kumain kaya naligo na ako at nag bihis. Aalis sana ako ngayon papunta sa bahay nila Vince upang tapusin ang presentation na ginagawa namin. Pag baba ko sa sala akala ko umalis na si dagul dahil wala na siya doon. Kaya naman kahit medyo malungkot ay patuloy akong naglakad patungo sa pinto para lumabas