the chubby

209 8 1
                                    

Maaga ako gumising ngayon, first day ko kasi sa St. Bridgette Academy, 3rd year highschool na ko but I transfer school, kasi nalipat si papa ng trabaho, ganun naman kami,no permanent residence, palipat lipat ng bahay, kasi naman si papa, kung saan-saan ina-asign.

Naligo na ko at nag-ayos for school, kahit na 5:30 pa lang, eh 7:00 pa yung klase ko, gusto ko kasi mauna ako, nagbihis at kumain na ko ng almusal, at nagpa-alam kina mommy at papa na papasok na ko.

Walking distance lang mula sa bahay namin yung bago kong school, kaya nagsimula na ko maglakad, exercise na rin ito tuwing umaga. Pagpasok ko ng campus, wala pang katao tao, naku! Ang aga ko kasi! Kinuha ko yung class schedule ko Room 203 Building 2, saan kaya yung building 2 dito? Naglakad lakad lang ako, tinitingnan ko yung map, na kasama ng class schedule ko habang patuloy ako sa paglalakad.

****BLAAAAAAGGGGSSSHHHHHH****

Aray ko, natumba ako sa semento, sino ba naman itong nakabangga ko, bakit ang lakas ng impact sakin? Tapos siya parang ang tibay tibay, hindi man lang natinag.

“miss okay ka lng?” sabay abot ng kamay.

Kinuha ko yung kamay niya, hindi ko kasi talaga kayang tumayo , pagkatayong- pagkatayo ko pinagpagan ko muna yung sarili ko, nung nakita ko yung itsura niya, nainis ako! Ang laki-laking tao, kaya naman pala sakin lang yung impact eh,damulag pala yung nakabangga.

“sa tingin mo okay ako?,  eh ang laki-laki mo tapos babanggain ko eh halos buto’t balat na ko”

“eh kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, nagbabasa ka kasi”

Aba nakakainis na ang lalaking ito, kasalanan ko pa ngayon, pwede naman nya akong iwasan.

“kasalanan ko pa ngayon, hindi mo ba ako naki—“

“look, I’m sorry miss”

Aba, bastusan ?! grabe , nakakainit ng dugo ang lalaking yun!, hindi ako pinatapos magsalita tapos, sorry lang? pano kung may nabali pala akong buto! Grabe nakakainis siya!. Ang saya-saya ko pa ngayong araw , wala na bad mood na ako, at kasalanan yun ng biik na yun, walanjo! Kaysa isipin ko yung nangyari at lalo ako mabadtrip, hinanap ko na lang yung classroom ko, siguro naman mababait yung magiging classmates ko. Naglakad lakad ulit ako, tiningnan ko ulit sa map yung building 2 tapos yun nakita ko na sya! Sa wakas, umakyat ako ng stairs papaunta sa secondfloor, pagka-akyat ko hinanap ko kagad yung room 203, mabilis ko naman syang nakita kasi, na sa may bukana lang sya, pumasok ako sa loob ng room, nagulat ako at may tao na, ang aga naman ni classmate.

“hi, I’m therese” bati ko sa kanya

“I’m Clarisse, bago ka dito?”

“yup, transferee ako,kalilipat lang ng family naming sa place na to dahil sa work ni papa”

“aah, bago ka lang pala, kailangan mo ng makakasama dahil malaki ang campus na to , I’ll tour you around mamayang break natin”

“talaga, I’m maraming salamat!”

Umupo ako dun sa chair na nasa likod, pangalawa sa dulo yung inupuan ko, katabi si Clarisse  ayoko nga dun sa dulo at magmukmok sa dingding, sana lang gwapo yung makatabi ko, o kaya mabait din kung babae man siya. Kinukwento ko kay Clarisse yung lalaking nakabanggaan ko kanina, at hagalpak na siya sa katatawa. Siguro daw ay nabawasan na ng taba yung lalaking yun sa pagbounce ko sa fats nya. Hay luka-luka itong babaeng ito at mukhang magkakasundo kami. Mejo dumadami na rin yung mga taong pumapasok sa room, mag-aalasyete na kasi, as usual lahat sila nakatingin sa kin, bagong mukha kasi, nagiismile lang naman ako kapag tinitingnan ako.

Nagring na yung bell, at pumasok na rin yung teacher naming

“Goodmorning class! At welcome back sa St. Bridgette Academy, ako si Mr. Torres ang  magiging advser ng section 3 for the whole school year”

My Mr. Chubby VarsityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon