Chapter: 2

16 2 3
                                    

D A M O N

It is a good day, sila siguro yung bagong lipat sa Village namin. She's quite pretty but very loud I'm on my way to school riding my bike. Ang sarap ng hangin, I saw karma again. Papunta na rin siguro siya sa school nila. I wonder where. Kung sundan ko kaya. Aish. Wag na baka pagkamalan pa akong Stalker. Damn it sige na nga. Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa...


Nasa iisang school lang din pala kami. 
Nagulat ako ng bigla siyang lumingon.

"Karma!" sigaw ng lalaking nasa likuran ko
"Uy Damon! okay ka lang ba?" pag aalala ni karma habang lumalapit saakin.
Siguro hindi niya napansing may tumatawag sakanya dahil bigla akong sumemplang sa bisikleta ko. 
"K-karma" utal utal kong sagot
"Hey karma, it's me yuan" Sabi nung lalaking nasa likuran ko
"Tumayo ka na muna Damon" sabi ni karma habang inaalalayan niya ako
"Bro, you okay?" tanong nung lalake
"Uhm, Damon si Yuan, Yuan si Damon, kaibigan ko" Sabi ni Karma habang pinapakilala kami ni yuan sa isa't isa
"Hey bro nice to meet you" Sabi ni yuan habang nakangiti, nginitian ko rin siya.
"Nice to meet you too, Yuan Uhm Karma mauna na ako" Sabi ko habang nag mamadaling umalis.

Agad akong dumiretso sa bulletin board para tignan kung saang section ako pero iba yung hinahanap ng mga mata ko. K- uhm K-a-r-m-a Ayun nahanap ko rin. Nasa iisang section lang pala kami. Pati rin si Yuan.....

"Uhm so how are you? Ang laki ng ipiniayat mo ah" Sabi nung pamilyar na boses

Nung lumingon ako si Yuan pala yung kausap si Karma

"Ha? ahahaha ano kasi syempre hindi naman forever mataba ako" Sabi ni Karma habang tumatawa
"Pero kahit na hindi ka pumayat ikaw parin ang pinakamaganda kong---" naputol na sinasabi ni Yuan
"Ehem ehem" pagubo ubo ko. Kunwari lang to' nag papapansin lang ako kila Karma na tiyak kong napansin nila

"Oh Damon, Ikaw pala yan?" Sabi ni Yuan habang nakatingin saakin
"Uyyy." pagkukunwari kong hindi ko sila napansin
"Uhm anong section ka?" Tanong ni Karma
"Pareho tayo ng section" Sagot ko
"So am I" sabi ni Yuan

Hinila ni Yuan si Karma, siguro pupunta na sila ng classroom.

"Uy si Yuan ba yun? Yung sikat na model?" Pagbubulungan ng ibang mga babae
"Hala oo nga!! sino naman yung kasama niya? Mukhang cheap" Pagtutuloy nung babae
"Yuck, like for real? si Yuan pa talaga yung nahila sa babaeng yan? Eh diba si Karma girl yan? Yung babaeng pinanganak at pinaglihi sa kamalasan" Sabi naman nung babaeng nasa likuran ko

Bigla akong sumingit.

"Kung wala kayong mapag usapang matino, asikasuhin niyo nalang yung mga grado niyo, Magaganda nga kayo pero mga ugali niyo mga bulok!" Paninermon ko sa mga babaeng nagtsitsismisan
"Sino kaba? Ano bang pake mo ha? Don't tell me may gusto karin kay Karma?" Sabi nung babaeng mukhang alimango

Hindi ako nakasagot. Kaya't dumiretso nalang din ako sa aming silid aralan.

"Haahahahaha" Pagtawa ng mga babae
"Wala ka pala eh." panggagatong naman nung isa

"Psh." bulong ko

Nang makarating ako sa classroom ay agad akong dumiretso sa may malapit sa salamin.
Napansin kong nasa unahan pala sila Yuan at Karma.
Naririnig ko silang nagtatawanan. Ano kayang pinaguusapan nila. 

Nagulat ako ng biglang

"PARE!!!!!!" sigaw nung lalaking pumapalo sa batok ko
"Ano ba?!!" sigaw ko
"Si Tyler to' pare!" Pagpapakilala nung kababata ko
"Tyler?! kelan kapa nakauwi tsaka bakit nandito ka? Naka enroll kana ba?" Tanong ko
"Galing akong bahay niyo kanina sabi ni tita dumiretso kana daw tsaka kaka enroll ko lang tinanong ko sa dean kung saan yung classroom mo kaya ayun dito daw so dito nalang din ako nag pa section, Parang ayaw mo naman akong makita..." Sabi ni Tyler habang umuupo sa tabi ko
"Wala naman akong sinasabing ganyan, nagulat lang talaga ako pero I'm happy that you're here pare, It's been a while since the last day the we bonded. So how's US?" Tanong ko kay Tyler
"Uhm, Okay naman maraming magagandang chix pero wala eh  di ko parin magawang mag seryoso siguro pusong pilipina parin hanap nito" Pagbibiro ni Tyler


Pero alam ko talagang hindi siya nagbibiro, Simula nung huling sineryoso niyang babae na niloko siya naging Playboy na itong kaibigan ko. Simula nun naging mapusok na siya sa pag ibig. Nakakailang girlfriend siya sa isang buwan. Pinilit ko siyang maging stick to one pero wala talaga. Binaliw na siya ng sakit at kapighatian.

"Eh ikaw tol? Kamusta buhay pag ibig?" tanong ni tyler
"Ha? Wala akong oras dyan. Mas gusto kong mag sulat ng mga kanta at tumugtog ng gitara, wala akong panahon makipaglokohan" Sabi ko kay tyler habang nakatingin kila Karma.
"Uy tol kilala mo ba si yuan?" Tanong ni tyler saakin

Nanlaki yung mga mata ko

"Ha? bakit mo naman natanong yan?" Tanong ko kay tyler
"Kasi nandito daw yun e" sabi naman niya "Model daw yun, sikat ganon." pagpapatuloy niya
"Oo nandun sila sa unahan nakaupo" sabi ko.

"Sino naman yung babaeng kasama niya? Mukhang...." sabi ni tyler habang tinatanaw sila karma
"Mukhang ano ha?" sabi ko habang nakatingin ng masama kay tyler
"Kalma tol, mukha naman siyang maganda" sabi ni tyler
"Maganda naman talaga si karma, mabait pa" sabi ko habang nakangiti
"Oh? Kaya naman pala napapangiti ka dyan" Sabi ni tyler habang kinikiliti ako
"Ano ba tol, kaibigan ko yun kaya kilala ko siya" sabi ko

Para namang antalagan na naming magkakilala no kanina lang naman kami nagkita. 

"pakilala mo naman ako tol" pagpipilit ni tyler
"Ano? ikaw na diba magaling ka sa mga ganyan" sabi ko 
"Sus siguro may gusto ka dun no?" Pagtatanong ni Tyler
"Tigilan mo nga ako tol" sabi ko.

Nagbell na hudyat na ito na magsisimula na ang klase, ang klase kung saan dito magsisimula ang unang araw naman sa eskuwelahan.

"Good morning everyone Ako si Mr. Vlad at ako ang magiging adviser niyo this School year kaya kung ako sainyo mag aaral ako ng mabuti dahil hindi ito magiging madali pero sisiguraduhin kong may matututunan kayo" Sabi ni Mr. Vlad

"Goodmorning din po Sir" Sabi namin lahat habang nakatayo.
"Take your seats" sabi ni Sir.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon