Chapter 4
"Aiish! Ang ingay naman oh!"- nagulat ako nang may lalakeng biglang nag salita at bumangon galing dun sa may matataas na mga bulaklak. Hindi naman gaano kataas yung mga bulaklak eh. Mga hanggang tuhod lang.
At nadagdaggan pa ang pagkagulat ko nung makita ko siya.
Teka, imagination ko lang ba to? Siguro dahil sa kabadtripan ko lang.
Wow iba ang epekto ng kabadtripan ko ah, sana palagi akong nababadtrip para makita ko palagi si Ren.
Yes, I saw Ren.
Pinisil-pisil ko ang aking pisngi para matauhan ako, pero walang epek eh. Nandyan parin si Ren.
"Hoy, miss anong problema mo?"-sabi niya
O_O hala! Nag salita! Pero baka nag iimagine parin ako eh. Kaya, onti onti akong lumapit sa kaya. Pag dating at pagdating ko sa tapat niya, pinisil ko ang kanyang ilong. Saka hinawak hawakan ang kanyang mukha.
"P*ta naman oh!"- galit niyang pagkasabi
At natauhan ako nung sumigaw siya nun.
Te-teka O_O
OMOH! Totoo nga! >.< Bobo mo naman Airi!!! Halaaa nakakahiya!!
"Miss may sira ka ba sa utak?!!"-dagdag pa niya.
"Ay! Hala sorry Ren!! Akala ko kasi nag iimagine lang ako eh"- sabi ko
"Ren? Hoy miss wag na wag mo kong matawag tawag na Ren! Di kita kilala, at saka, may balak kabang patayin ako?! Di ako makahinga kanina! At ano ba yang pahawak hawak mo sa mukha ko? May pagnanasa ka ba sakin? May sira ka nga talaga siguro sa utak!"- sabi niya sabay tayo.
Aba! Nag sorry na na ako! Dinagdagan niya ang kabadtripan ko!! Buset ka!!
At dahil nagalit ako ng konti at dala narin sa kabadtripan ko kaninang lunch time eh bigla ko nalang tong nasabi sa kanya.
"Alam mo ba ang salitang sorry!?? Bobo mo naman!! Kahit man lang sasagot ka lang ng okay lang! Aba, malay ko bang totoo pala yung nakita ko! At sorry ha? Dahil tinawag kitang Ren? Arte arte neto! Porket di mo ko kilala eh pag sasalitaan mo na ko ng ganyan! Daig pang baklang nireregla! Ikaw pa nga siguro ang may sira sa utak sa ating dalawa eh. -_- tss."- Oops. Lumabas na ang isang side ko. Yes guys, this is the other me, pero di ako palaging ganito. Minsan lang pag galit na galit na ako.
Umalis na ako, Nag walk out na ako. Baka kasi ma badtrip ako lalo pag pinagpatuloy pa namin ang aming pag aaway. May sinasabi pa siya kaso di ko na pinakinggan. Pumunta na ako diretso ng classroom at sumubsob sa desk ko habang nag iisip.
So, that was the real Ren? Anong klaseng pag uugali yun? I know that he's cold, but I didn't expect na ganun siya.
Uggghhh!!! Now I started to hate him. -____- just as I thought. Boys are boys. Di ko sila naiintindihan. Pare pareho lang silang lahat.
"Ai? Are you okay na?"-tanong ni Naize
"Ha? Okay na ako noh! Ha-ha-ha ano ka ba"- ako sabay fake laugh
"Naize? Lets just let her be"- sabi ni EJ kay Naize.
:3 hayy salamat at naintindihan ni EJ yung kalagayan ko.
Alam kong namamaga pa yung mata ko dahil pa pag iyak ko kanina. Di dahil sa nangyari kay Ren, kundi dahil dun sa manhid na lalake saka sa bruha niyang asawa--- este ---- girlfriend. -_-
Teka, anong oras naba? Kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bulsa pero--
Eeehhh??? Nasan na kaya yun?
BINABASA MO ANG
[On Hold] Unmistakable Love
Teen FictionPaano kung nasaktan ka ng todo sa PAG-IBIG na yan noon? Makakaya mo pa bang magmahal ng todo ngayon? May makapagbabago ba sayo? Pano kung makikila mo na ang THE ONE? Itatanggi mo pa ba ang pag-ibig na yan ng dahil sa nakaraan mo? At dito nagsisim...