4

25 1 0
                                    

Klayd's POV

"Pre pansin mo ba na ang init ng ulo sayo nung babae?" Takang tanong ko kay Kaizer kanina pa ko nangangating magtanong dito ehh.

"Pansin ko rin brad ehh" sabat ni Klark sa usapan namin.

"Epal ka pre si Kai ang tinatanong ko wag kang sabat ng sabat"

"Magsisimula nanaman kayong dalawa kaya habang maaga pa itigil nyo na yan." Napatigil sa pagbuka ng bibig si Klark ng sabihin yun ni Ken. Batas talaga isang salita lang tahimik na lahat.

Nauna na sya sa paglakad papuntang classroom namin syempre sumunod na  din kami.

Nakita namin na bumalik na yung babaeng tinawag nung isa pang babae na Ky.

Pero teka papunta sila dito sa loob ng classroom namin....'damn' kaklase namin sya!!!

"Pre mukhang magiging kaklase pa natin yung babae huh" pangaasar sakanya ni Klark.

"Tss" tipid na sagot ni Kaizer.

Pumasok na nga yung babae na ang kasunod naman ay ang assigned teacher namin ngayong time nato.

Nagsalita muna sya saunahan bago tinawag yung babae.

"So class as you can see beside me is your new transferred classmate so miss please introduce yourself" sabi ng ni Miss White at pinapunta na sya sa gitna to introduce her self.

"Im Kylie Faye Johnson 17 , thats all" tipid na pagpapakilala nya.

"O-okay miss Johnson please take your seat." Sabi ni Miss.

Pumunta sya sa likod ng upuan namin at binuhat ang UPUAN??

"Ahhh Miss Johnson where are you going?" Takang tanong ng teacher namin habang kami naman ay nagaabang sa sagot nya.

"Placing it somewhere, because you said take my seat so i carry it." Sarcastic na sagot nya. Hahahaha loko din pala tong babaeng to ehhh 'tama nga naman may point ka jan Kylie'. Buti nalang mabait si Mam.

"Hehehe s-sorry i mean have a seat Miss Johnson." Napapahiyang sabi ni Miss.

"Okay" at binalik nya na yung upuan sa dati nitong pwesto at umupo na.

She's interesting huh what a COOL girl.

Klark's POV

Lumipas ang oras at dismissal na. May practice pa pala kami para sa volleyball. Dumating na si Miss at bago kami idismiss ay may sinabi pa muna si Miss.

"Class tomorrow were going to arrange your seats" sabi ni Miss at matik na marami ang nagreklamo pero di parin natinag si Miss final na daw yun ehh tsk tsk tsk.

"You can go home, goodbye"

Pagkasabi nya nun ay umalis narin kami nina Klayd. Dumiretso kami sa court, at nagpalit na ng uniform namin at saktong paglabas namin ng shower room ay ang saktong pagpasok ni coach

"Faster guys 2 minutes more to prepare!" Sigaw nya sa court, tapos na naman kami kaya punta na kami sa pwesto namin para makapaglaro. Ako ang team captain samin at si Klayd naman ang libero at si Ken and Kaizer naman ang spiker.

Nagsimula na kaming maglaro ng mga ka-team namin. Mga ilang set pa ng game bago kami umuwi. Papunta na kami sa kanya kanya naming kotse at handa na sana kaming sumakay ng biglang nagsalita si Kaizer.

"Ipagdasal nyo na sana hindi ko makatabi yung Kylie na yun bukas mga pre." Parang baliw na nakikiusap si Kaizer saaming 3. Cool nga na makatabi yun ehh. Arte din neto.

"Goodluck nalang pre." Sabi ko at sumakay na sa kotse ko. At tinahak ang daan pauwi. Pati narin yung tatlo.

The More You Hate The More You LoveWhere stories live. Discover now