5

26 1 0
                                    

Kaizer's POV

Pagkauwi ko ng bahay dumiretso na agad ako sa kwarto, at anong ginagawa sa kwarto malamang para mahiga. Nakakapagod yung training kanina.

Hindi parin mawala sa isip ko ang pagkabahala na baka sya ang maging seatmate ko. Pagnaiisip ko yan ay para nakong sasabog sa inis, makita ko palang nga naiinis na ko makatabi pa kaya.

****KINABUKASAN****

"Goodmorning pogi!" Bati ko sa sarili ko.

Sa sobrang kakaisip ko ata kagabi di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pumunta na ako ng cr at ginawa ang daily routine ng boys. Pagkatapos noon ay nagbihis at bumaba na para kumain.

Tulad ng dati hindi ko nanaman nakasabay si Ate Kass sa pagkain. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkain nauna na ako para makapasok sa school. Gaya ng dati ganun parin yung mga girls sa school nagsisitilian,nagbubulungan minsan nakakasawa na din kasi hindi naman nila kailangang gawin lahat ng yun.

Pumunta na ako ng classroom nagbabakasakaling nandoon na yung tatlo. As expected nauna nga sila kesa sakin, mga early bird hahaha 😂👊.

"O pre nagdasal kaba kagabi huh?" Bungad ba naman na pangaasar ni Klayd saakin pagkapasok na pagkapasok ko palang.

"Oo pre, sa sobrang kakaisip at pagdadasal ko di ko namalayan nakatulog ako ng di naghahapunan." Pagpapaliwanag ko.

"Edi gutom ka pre. Tara punta tayo ng cafeteria." Yaya ni Klark

"Kayo nalang pre nabusog na'ko ng breakfast namin kanina" ani ko

"Kj! Tara na nga lang Ken!" Aba't galit ata to di lang napagbigyan sa hiling nya. ABNOY!

Umalis sila at naiwan ako ditong walang ginagawa, nag soundtrip nalang ako habang hinihintay silang makabalik.

While listening to music may naririnig parin akong bulungan ng mga girls.

"Gia andyan na si Kylie ohh, ang cute nya talaga sa uniform natin"

"Oo nga Andy nakakainggit sya"

''Tch hindi nga maganda eh kaiinggitan pa'' sabi ko sa sarili ko ng marinig ko yun. Sakto naman na may nakikita akong tumigil sa side ko na BABAE!!

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at di ko ineexpect na sya ang babaeng tumigil sa side ko.

"What did you just say?" Kalmado pang tanong nya

"A-alin? A-ano bang sinasabi mo jan?" Tarantang tanong ko.

"I heard you, you said something about me"

"A-alin nga?!" Irita ng tanong ko.

"Yung hindi ako maganda" cool na sagot nya.

"B-bakit? Totoo naman diba? Maganda kaba?"

"Yes, I am" diretsong sagot nya. Hooo!! Ang hangin netong babaeng to!

"Hooo ang lakas ng hangin! Grabe sa confidence huh!"

"I know that I'm beautiful because even if you ask those student if I'm beautiful" turo nya sa mga girls na nagbubulungan kanina.
"They'll say yes" sagot nya. Grabe talaga sa hangin to nasobrahan talaga ang lakas ehh.

"Well for them you are but for me you're not" kitang kita ko sa mukha niya ang pagkainis. At pumunta na sya sa upuan nya ng nakasimangot.

The More You Hate The More You LoveWhere stories live. Discover now