Chapter 12

2 0 0
                                    

May apat na araw pa kaming bakasyon, kase naman isang linggo ang binigay samin ni Sir Bert, kaya eto ako ngayon sa kwarto ko, nagmumuni muni sa lahat ng magagandang nangyari.

Ansaya pala sa feeling na yung taong pinapantasya ng lahat pati narin ikaw ay kaibigan mo na. Yung ilang taon mo syang inistalk, ilan taon mo syang hinahangaan, pero ngayon kaibigan mo na at kinaiinisan mo na ngayon.

Habang nasa ganyan akong kalagayan, naalala ko ung tumawag kagabi.

"Goodnight I Love You"

Nung naalala ko yan agad kong kinuha yung cellphone ko at nang makita ko ung pangalan ng tumawag sakin kagabi, laking gulat ko kase si Emerson yung tumawag.

Speaking of Emerson, naguguluhan na ako dyan sa crush kong yan. Kase sabi nya dati never syang magkakagusto sakin kase ampanget ko daw 😭 pero ngayon? Ayan gumagawa ng mga weird na bagay. Naappreciate ko naman kung concern sya sakin, lalo na nung nasa resort nila kami, nung naligaw ako, kase kaibigan nya ako. Ang sweet nga e, kahit papaano nag aalala sya sakin 😍

Kring kring

"Ay kalabaw na may puto sa sungay" napasigaw nalang ako ng biglang mag ring yung cellphone ko.

Pagtingin ko si Cesar ang tumatawag.

"Hello?" May halong pagtataka kong sabi.

"Hi joana?" Tugon nya.

"Bat ka napatawag?" Tanong ko dito.

"Nagkayayaan kase, baka gusto mo sumama?" Sagot nito.

"Sige saan ba? Bihis lang ako" sagot ko agad dito.

"Susunduin ka nalang namin dyan sa inyo." Sabi nito.

"Ok sige. Hi..... *tot tot tot*" pagkasabi ko nito sabay binaba ung linya.

Nakakainis ganyan ba sila? Lagi nalang akong binababaan ng tawag??

Ewan ko sa mga taong to nagkakaisa ata silang babaan ako ng cellphone 😭 nakakaiyak.

Emerson POV

Wow author first time to ah? Anong nakain mo? (A: wala masaya lang ako, tsaka magpasalamat ka nalang at binigyan kita ng POV wag ka mag alala ito ang una at huling POV mo. Buwahahaha *kontrabida laugh*) Ang sama mo naman sakin author, sige na susulitin ko na to.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin, at nagkakaganito ako. Nagsimula to nung Foundation day, simula ng makita kong may kasamang iba si *the girl whose name is dangerous* nakakainis lang kase ilang oras akong naghintay sa kanya dun tapos makikita ko sya na kasama yung Gab Encarguez na yon? Sa lahat ng taong makakasama nya si Gab pa talaga. Tapos, nung pumunta kami sa resort sa batangas hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin, nag alala ako nung biglang nawala si *the girl whose name is dangerous* ganito ba yung feeling na may gusto ka sa tao? Handa naba ulit akong magbukas ng panibagong pinto sa puso ko? O nagbukas na talaga sya at sadyang ayaw ko lang tanggapin? Ang gulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most Awaited "ELEVEN:ELEVEN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon