Jm's POV
"Uiiiiii! Huwag mo muna isara yung pinto please," sigaw ko habang nagmamadaling lumapit doon sa nag-iisang gumagana na elevator. Habang papalit na ako sa elevator, nakakita ako ng isang lalaki na student na naka-hoodie at isasara na niya yung ..... pinto!!! Waaahhhhh...
"Hey,,! Wait" sabi ko dun sa lalaki na student pero binigyan niya lang ako ng blank expression. Tinitigan ko siya ng masama at sigurado akong nakita ko siya na nag-smirk bago sumara yung pinto. Aishhh.. Ang sama ng ugali.
Ako nga pala si John Michael Rodrigo. Tawagin niyo na lang akong Jm. Sa totoo lang 21 years old na ako, pero maraming di naniniwala dahil sa sobra kong cute. Lagi akong napagkakamalang teenager kasi mukha daw talaga akong bata. Kaka-transfer ko lang ng school at first day ko ngaun araw na to.
Unang araw ko dito sa SM Town University at late ako sa appointment ko kasama yung college advisor ko. Maraming salamat sa napaka rude na student kanina. Sana yung mga student dito hindi katulad niya na masama ang ugali.
=================================================
Nandito na ako ngayon sa harap ng isang magandang bahay malapit sa campus. Dito ako titira ^_^ . Ang layo kasi ng bahay namin kaya nag decide kami ng mom ko na mag-dorm na lang ako. Grabeeee! Ang ganda talaga. At dahil pagod na pagod na nga ako sa pagtakbo kanina kahahanap sa mga klase ko, pinindot ko na yung doorbell.
*doorbell sound*
Pagkabukas ng pinto nakarinig ako ng dance music at may lumabas na isang lalaki na may malaking mata na nakatingin sa akin. Ang cute ng eyes niya.
"Hello, anong maitutulong ko sayo?" tanong niya sa akin.
"Hi, Ako nga pala si Jm. Ako yung bago niyong housemate" nginitian ko siya pero patuloy pa din siya sa pagtitig sa akin.
"Teka lang ahh.. Hindi ka ba masyadong bata para maging college student?" tanong niya ulit sa akin.
Napatawa ako ng konti sa sinabi niya. "Ahhh.. 21 na ako, pero maraming taong nagsasabi na mukha daw talaga akong teenager -----"
"Ui Rem! Sinong kausap mo diyan?" may lumabas na isang matangkad na lalaki na may magulong buhok. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako na abot tenga. Ang creepy ng smile niya ahh..
"Ahhhh..! Ikaw siguro yung bagong titira dito kasama namin. Jm, right? Tara pasok ka. Huwag mong intindihin tong lalaki na to na may malalaking mata" sabi nung hyper na lalaki bago niya ako tinulungan sa mga gamit ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay --> O.O
Ganun yung nangyari sa mukha ko. Sobrang ganda. Maayos lahat ng mga gamit at malinis ang buong lugar. Hindi mo aakalain na lahat ng nakatira dito lalaki. Mayroon kaya silang kasambahay?
"Welcome to your new home! Ako nga pala si Paul. At yung nakausap mo kanina, siya Rem. Sobrang sarap niyang magluto at magaling maglinis" sabi nung matangkad na lalaki. Siya si Paul at yung isa naman si Rem. Ahhhh so si Rem pala ang dahilan kung bakit sobrang linis ng buong bahay tapos magaling pa siya magluto. Excited na ako matikman ang luto niya.
BINABASA MO ANG
I Couldn't Care Less ♥♥♥ /BoyxBoy/
Romance"Yesterday is HISTORY, Tomorrow is MYSTERY and TODAY is a gift" No one is always happy. Maaring nakangiti na siya ngayon pero hindi natin alam ang hirap na pinagdaanan niya bago siya makangiti ng ganiyan. Hindi lahat tayo pinalad na magkaroon ng ma...