Unang Kabanata

11 0 1
                                    

Sa hindi inaasahan ay magkwekento ako.Kwento na sabay nating ginawa at binuo kasabay ang mga luha at tawa na bahagi nito.Sisimulan ko,sisimulan ko sa pinakasimula,sa umpisa,sa pinakaunang kabanata ng istorya nating dalawa.Sa panahon kung paano tayo nagkakilala.Sa panahon kung paano natin sinimulan ang tunay nating istorya.Istorya na punong puno ng saya ay tawa na minsan ay nababalot din ng lungkot dala ng mga bagay na hindi napagkakaunawaan.Ngayon ay wakas na nga ba?O pwede pang ipagpatuloy ang nasimulan para matigil ang salitang sana.Salitang laging bukambibig sa huli ng mga taong sawi,sawi at nagsisi sa resulta ng kanilang ginawa.Mga sana na na hindi na mabilang pa.Mga sana na nakatatak pa rin sa isip ko at nais sabijin sayo.Pero natatakot ako natatakot ako na kapag sinabi ko masasaktan lang ako.Na kapag sinabi kong mahal pa rin kita ay sagutin mo ako ng pasensya ka na may mahal na akong iba.Sana kaya kong sabihin na kinalimutan na kita kahit ang totoo ay nagmumukha na akong tanga kakasabi sa mga bagay na wala namang kwenta.Sana may pag aasa pa.May pag aasa pa na maayos ang nasira nating magandang alala.Ala ala na nagpalalim sa ating dalawa.Mga ala ala na kailan man ay hindi ko makakalimutan sapagkat sabay nating pinangako ang salitang Walang Limutan.Mga pangakong unti unting napapako simula ng umalis ka at lisanin mo ang mundo nating dalawa.Inaamin ko.Inaamin ko ako ang may sala sapagkat ako ang bumitaw.Masisi mo ba akong kumalas sa mga palad mo?Pero kahit ganun nanatili pa rin at patuloy na mananatili ang salitang mahal kita at ikaw lang nag iisa.Pero wala na akong magagawa dahil huli na at ang mga sana ay hindi na aabot pa dahil sa pagpatak ng  saktong alas onse emedya ay nakatali ka na.Nakatali ka na sa taong minahal ka at mahal mo sa panahong iniwan kita.Siguro panahon na ng pagsuko dahil wala naman akong laban dyan sa dokumentong nilikha nyo.Susuko na ako di dahil pagod ako kundi isinusuko ko eto para sayo.Nais kong mabatid mo na akoy nandito lang sa tabi mo kahit na masaktan man ako ay okey lang at tatanggapin ko ng buong puso.Malamang eto na ang wakas ng ating kwento.Pero hindi pa dito nagtatapos ang kwento ko at kwento mo.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now