pangalawang kabanata

6 0 0
                                    

Kung pwede lang sana ibalik ang kahapon.Ibalik ang nasirang tayo dulot ng pagsuko natin na lumaban sa mundo.Ipaglaban ang puso upang pigilan ang pagdugo na dulot ng tukso na hindi sinasadyang mangyari pero natagpuan na lang ang sarili na  nakatapak na sa linya.Linya na kung saan nasaktan kita ng sobra.Sa pagpikit ko ng aking mga mata wala akong ibang iniisip kundi puro na lang sana.Sana ay hindi ako nagpadala edi sana tayo pat masya ang lagay na nakatambay pa rin sa bahay kain kain natin ang biniling tinapay.Sana iniwasan ko edi sana hindi kita nasaktan at napaiyak .Sana hindi na nangyari yun para hindi sana nagtapos ang salitang tayo.Puro na lang sana na kahit na anong gawin ko ay hindi na maayos pa at mananatili na lang ala ala ang meron sa ating dalawa noong tayo pa.Kung pwede lang sana,kung pwede lang sana ibalik ang nasirang tayo.Kung pwede lang sana buohin ang pira piraso mong puso na dinurog ko pa ng pinong pino.Kung pwede lang sana mangyari ulit ang mga masasayang ala ala na sabay nating binuo na pinangakong  hindi kakalimutan pero dahil sa gago ako ay nagsisimula ng maglaho sa utak mo.Kung pwede lang sana natin ituloy ang istorya ng nasirang kwento na huminto dahil sa pagkapunit ng isang pahina nito,kung pwede lang sana natin ayusin ang tulay na nasira ng isang malakas na bagyo.Kung pwede mo lang sana ako mahalin ulit sa kabila ng pagwasak ko sa puso mo.Sa Panahong ito ay binukas ko ang aking mga mata,mga mata na nagsasabing hanggang dito na lang tayo,hanggang dito na lang ako aasa sa kung pwede lang sana dahil kahit na anong gawin ko ay tapos na tayo at may nagmamay ari ng iba yung puso mo.Pero tandaan mo ako ay mananatili sa tabi mo.Ipagtulakan mo man ay hindi ako matitinag maghihintay hanggang sa pwede na maging tayo pero kung nakakasagabal ako sa kaligayahan mo ay sabihin mo lang at aalis ako kahit na masakit sa puso ko ay pipilitin maibigay lamang ang hiling ng babaeng minahal ko na nasaktan at nadurog ang puso dahil lang sa pagkakamali ko.

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now