Sisimulan

5 0 0
                                    


Ito na.Ito na at aking sisimulan.Sisimulan ng tapusin ang ating pinagmulan.Ang pinagmulan ng  ating masasayang ala-ala na hanggang ngayon nandito pa at sariwang lumalakbay sa aking utak.Putak ng putak ang aking puso sabay sabing "Mahal kita,mahal na mahal pero hanggang dito na lang".Tama na itigil na natin to.Itigil na  natin ang relasyong ako lang ang may gusto.Tapusin na natin ang kahibangang ito.Masakit na.Tao lang ako at hindi isang santo na hindi nasasaktan sayo.Sa tuwing sinasabi kong "Mahal kita"Ang kasunod nun ay ang pagtango mo lamang at pagtalikod sa akin.Doon pa lang batid ko na.Alam ko na ,wala na talagang pagmamahal sa relasyong binuo nating dalawa.Hanggat maaga ay tapusin na na tin ito.Masakit man,oo sobang sakit pero dahil mahal kita ay ibibigay ko sa iyo ang  kalayaan na ikaw na mismo ang pumili ng sarili mong kasiyahan.Alam kung sa pagdaan ng araw ay matatanggap ko rin.Matatanggap ko rin na hindi talaga tayo pra sa isat-isa.Pinagtapo lang tayo pero hindi tayo itinakdang makatuluyan.Pero kahit ganun paman,ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok nito.Mananatiling ikaw ang laman kahit na iba na ang laman ng sa iyo.Ipagpapatuloy ko lang ito at hahayaang puso ko na mismo ang sumuko sa pagmamahal sayo.Ito na patapos na ang ating kwentong dalawa.Pero hindi pa dito nagtatapos ang kwento natin sa isat isa.Ito'y isang ahina pa lamang ng libro ng ating buhay pro sana sa kasunod na pahina ay masaya naman at hindi tulad nito.Susubukan kung kayanin kahit masakit kung yan ang ikakasaya mo.Susubukan kung unawain kung an ang nais mo.Dahil sa araw na ito sinisimulan ko ng palayain ang puso mong binihag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now