Mangarap Ka Pa: Isang Araw sa Buhay ng Isang Tambay

215 3 1
                                    

Mangarap Ka Pa: Isang Araw sa Buhay ng Isang Tambay
02/15/2014

[Panimula]

Ni hindi ko na nga siya makilala eh. At hindi niya na rin ako maalala.

Hindi ko maitatangging nanghihinayang ako... kahit konti lang.

Lalo pa't ako naman ang nagpamigay sa kanya.

Pero maaasahan niyo naman ako - na aamin akong wala akong karapatan magsalita sa kung "ano bang malay ko", na hahantong din pala sa ganito ang lahat. Ngayong wala na sa akin, manghihinayang ako.

Pero natural lang yun. Hindi naman ako manghihinayang kung hindi nawala sa akin.
Pero hindi natural, na sinasabi ko pa ang mga bagay na halata naman..

Tara, kaibigan. At samahan ako, hindi sa pagbawi mismo sa mahalagang bagay na iyon.. kundi sa pagkwento ko kung paano iyon nangyari.

[Kabanata 1 - Kung Paano Nagsimula]

Nangyari yun isang hapon sa kalakhang bayan namin.. kung saan kami naninirahan.

"Pre! Pupunta ka?" napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon.

"Ha? Bakit? Meron pa ba nun ngayong hapon?" tugon ko sa kanya nang maayos, kahit na sa isip-isip ko na naman ay sumusobra na ang taong ito sa kaka-buhos ng pera at atensyon sa isang bagay na wala namang siguradong patutunguhan.

"Oo naman! O, ano, punta ka ba?" inisip ko pa kung pupunta ako ay tinanguan niya na ako at sinabihan ng 'kitakits' bago tuluyang umalis.

Haaay. Napailing na lang ako. Hinding hindi ko talaga makukuha ang lalaking iyon.

Puno ng ambisyon. Puno ng pag-asa. Puno ng paghihiling sa isang bagay na hindi naman naibibigay sa kanya.

Ah, teka. Nasabi ko bang puno ng pag-asa? Binabawi ko na pala ang mga katagang iyon. Nabibigo naman kasi siya parati. Minsan, nangingiwi; minsan, nakabusangot buong araw na para bang Biyernes Santo. Pero mabilis siyang bumangon.

Madalas niyang sabihin, "Tiis at tiyaga lang, makukuha ko rin ang tamang timing." at kasabay pa nun lagi ang kindat niyang hindi naman bumebenta sa akin.

Yun ang pangit minsan sa mataas pumangarap eh. Sa sobrang taas, wala rin namang napupuntahan.

Kung ako'y walang pangarap sa buhay.. hindi naman na yata kami nagkakalayo.

[Kabanata 2 - Kung Paano Nagtapos]

Hindi ko lang namalayan nung mga oras na iyon.. pero dun din naman ako dinala ng mga paa ko.

Sa sabungan.

Oo, sa kaletsehan ba naman kasing hindi ko maintindihan na ninanais ni Benjo (Benjo nga pala ang kaibigan kong nang-imbita sa aking pumunta ng hapon sa sabungan) ...

Masyado siyang adik sa sugal.
Hindi siya marunong sumuko.
Yun lang kasi.

"Haha, pre, sabi na nga ba pupunta ka, e." ngumisi na lang ako pabalik kahit labag sa kalooban ko. Minsan kasi naiisip ko.. ay hindi. Nararamdaman ko pala iyon. Nararamdaman kong iniisip ni Benjo ay isa lang akong "good for nothing" na tao. Yung tipong araw-araw makikita mo na lang na nagmamasid sa gilid ng kalye na walang malay kung saan patungo.

Bigla-bigla naman siyang humilig sa akin. Nagtaas ng kilay, sabay bumulong, "Pre, para sa atin lang to ha. Tayong dalawa lang, pustahan."

"Eh magkano ba ang taya mo?" tanong ko. Sige, name your price, Benjo.

"Isang libo. Minsan lang, pre. Alam mo na. Para naman may pagkatuwaan paminsan-minsan." oo nga.. pagsang-ayon ko sa isip-isip ko. Paminsan-minsan para sayo, kasi minsan ka lang naman nananalo. At paminsan-minsan sa akin, kasi paminsan minsan lang naman akong may ginagawa. At kung kailan pa may ginagawa, yun pang walang kabuluhan.

Mangarap Ka Pa (short story FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon