Monologo ng Isang Katulad ni Deth

742 3 1
                                    

Monologo ng Isang Katulad ni Deth: Paglangoy Tungo sa Tinatakbo ng Isip ng Isang Istambay

11/02/2013


--

"Tingnan mo yun, mukhang 'di 72 years old." sabay turo sa isang lalaki sa kalsada.

"Ah. Oo nga! Ang bata pa ng itsura niya para maging 72." pagsang-ayon ko naman.

...

"Teka, san naman nanggaling yang 72 na yan? Kilala mo ba yun?"

"Wala, nasabi ko lang. Mukha naman kasi talagang hindi siya 72 years old diba?"

Napatingin na lang ako sa kanya ng matagal. "Wala ka lang magawa eh! G@go!"

"Oh, eh anong pinagkaiba mo sa akin?"

"'Wag mo akong itulad sayo! Marami akong pangarap sa buhay!"

"Hmm, may punto ka naman. Pero mukha namang diyan lang tayo nagkakaiba, ah?" Natahimik ako sa sinabi niya - o 'di kaya naman, yun lang ang gusto kong isipin.

Gusto kong isiping may kasama ako. Gusto kong isiping hindi lang ako ang nagkakaganito. Gusto kong isiping.. nangyari nga ang usapan. Gusto kong isiping may kasama akong isa pang tambay sa tabi ko kanina. Gusto kong isipin na, may lakas ng loob talaga ako lumabas, tingnan ang mga nangyayari sa paligid ko, at makita ng iba.

Hindi ako duwag; pero siguro, oo na rin. Hindi rin dahil sa katamaran ko - na sige na nga, pwede na ring sang-ayunan. Maarte kasi ako; pero hindi ko alam kung nangyayari lang ba lahat ng to sa akin dahil lang sa kaartehang taglay ko.

Naghahanap ako ng rason para gumawa ng bagay. Hindi ko alam kung naghahanap talaga ako ng kahulugan, o naghahanap lang ako ng rason para hindi ko magawa ang mga dapat kong ginagawa. Kahit ano pa sa dalawang yan, isa lang ang alam ko: gusto kong gawin ang gusto ko.

Hindi nakakatulong kahit na isipin kong hindi maganda tong nangyayari sa akin. Wala akong gana, at oo, nababagot ako. Mali to. Alam ko sa sarili kong mali to, pero ewan? Ewan ko kung bakit ganito pa rin.

Masyado akong bata para gustuhing gawin ang gusto ko.

Mangarap Ka Pa (short story FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon