Shinita's point of view
Tapos na din tatlo naming subject, kaya pinag break muna kami. Agad na naalala ko ang lalaking nagbayad sa driver.
Gusto ko syang makita para makapagpasamalat man lang hayst.
Gusto ko sanang bumili ng pagkain pero naalala ko wala pala akong pera.
Malas na buhay naman oh.
Dahil wala akong makain, ay umupo nalang ako sa may tambayan sa school.
Kumakanta nalang ako para pampalipas gutom nang tinawag ako ni Ms. Guinto. Agad syang pumunta sa tabi ko at kinausap ako.
Feeling close?
Syempre, wala na akong magawa, kundi andon lang ako sa tabi nya.
"Bakit di ka kumain?" Pag-alalang tanong nito sakin. Halos gusto ko syang irapan pero nakontrol ko naman ang sarili ko.
Lumingon ako sa kanya, bilang paggalang na din sa guro.
"Ah eh ano po kasi eh, kakamadali po eh di na ako nakahingi ng baon" Hindi na sya nagsalita pa, tinignan nya nalang ako ng nakangiti, habang ako ay hindi makatingin ng diretso dahil sa pagkakailang.
She's so weird gosh!
Tumingin ako sa kanya na habang ngayon ay nakangiti padin.
"B-bakit po?" Naiilang na tanong ko.
Agad itong natigilan, hindi sya ngumiti. Tila bang lumungkot ang muka nito at yumuko.
Hindi nagtagal ay ibinalin nya ang tingin nya sa'kin at ngumiti ulit
Killer smile....
"Naaalala ko sayo yung namatay kong anak, 16 years ago nadin nakalipas" muntik ng tumulo ang luha nito, nguit pinipigilan nya ito.
Agad akong nalungkot sa narinig ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko sa mga naiisip ko kanina. 'Yun pala may dahilan pala yun.
Tinignan ko nalang din si ma'am para hindi masyado ng awkward. Gusto ko sana syang yakapin pero nakakahiya naman diba? Baka isipin ng iba dyan eh sumisipsip ako.
Agad na naiba na ang usapan. Tinignan nito ang kanyang relo at ngumiti.
"Meron pang 30 minutes" wika nito na nakangiti
Agad itong tumingin sakin at ngumiti na naman. Pero Hindi na ako nailang don.
"Gusto mong kumain sa canteen? Libre kita" wika nito sakin.
Gutom na gustom ako kaya hindi ko nagawang tumanggi pa. Choosy pa ba 'ko?
Habang kumakain kami ni ma'am Guinto, ay naalala ko na naman ang lalaki. Pero hindi ko talaga syang kayang mamukaan. Kaya alam kong mahihirapan ako nito sa paghahanap sa kanya.
12:57 na kaya na kami sa isa't isa ni ma'am Guinto.
Pagdating ko ay wala pa ang susunod na teacher. 12:05 ah?
Nakikita ko ang mga kaklase ko na nagsisiyahan. Habang ako ay nakaupo lang na nanahimik sa sulok. Iba pala kapag hindi mo kasama bestfriend mo no?
Si Anastasha kasi e. Lumipat pa sila ng bahay. Tuloy! Nagkalayo kami!
Ayan na nag-uumpisa na ang math. Ang pinaka ayaw kong subject. Hindi naman dahil sa mahirap, ang tanging dahilan lang eh lahat ng naging math teacher ko eh ang boring.
Dahil naiinip ako, nagpaalam ako sa math teacher ko na pumunta sa banyo.
Pero maglilibot lang talaga ako......
"Kita mong nagtuturo ako tapos lalabas ka!" Pagalit nya itong sinabi habang pinalo ang table nya.
Tinaasan ko muna sya ng kilay bago ako sumagot.
"As if may natututunan kami sayo" pabalang na sagot na ikinasama ng tingin nya.
Tinignan ko nalang sya sa mata nya habang nakataas ang aking kilay.
"Get out!" Utos nito sakin na ikinatuwa ko.
Agad kong kinuha ang bag ko at tinignan sya sa mata.
"Okay, I will" pataray na sagot ko sa kanya.
Ewan ko ba kung pano ko nagawa yun. Tiyak na may pag-asang mapunta ako nito ngayon sa guidance. Pero hindi ako takot, sanay naman kasi ako eh.
HAHAHAHAHAHA
Sinubukan kong ilibot ang sarili ko sa school namin.
Bigla ko na namang naalala yung lalaki kanina.
Bakit ba hindi ka mawala sa isipan ko?!
Syempre hindi ako mapakali kasi hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.
Hayst ang hirap nyang hanapin, lalo na't hindi ko matandaan yung muka nya. Hindi na kasi ako lumingon non eh. Pero natatandaan ko padin yung boses.
Boses na ang sarap pakinggan.
"Ms. Arezon, please go to the guidance office."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionHow can you say that you have a feelings for him/her but you're not ready? Paano? Many questions, that no one can answer. "You're still young to be in a serious relationship" Yes, we're still young. We're not sure of what we feel. But for me? Wala...