Ako Na Lang

68 2 0
                                    

         AYA

           " Aya, lumabas ka na dyan! May pupuntahan pa tayo! ", sigaw ni Matt sakin.

      Ako nga pala si Isaiah Garcia. Aya for short. Graduating student na ako at highschool na ako sa pasukan. Masasabi nyo ngang pala-gala ako dahil kung saan-saan na ako nakakapunta.

          " Andiyan na! Atat lang? " , sabi ko kay Matt habang sinasara ko ang gate ng bahay namin. Hinila agad ako ni Matt papunta sa court. Sobrang bilis nya maglakad at halos kaladkarin nya na ako papunta dito.

          " Ano ba kasi gagawin natin dito? " , naiinis kong tanong kay Matt. Sabi nya na gagala kami.

      " Tignan mo o.... " , sabi ni Matt at napalingon naman ako sa direksyon kung saan sya nakatingin. Ayos! Naglalaro lang naman ng volleyball yung crush nya, si Lian. Patay na patay si Matt kay Lian. Halos alam na nya ang lahat tungkol kay Lian, isang dakilang STALKER ika nga. Maganda, maputi, matangkad, matalino.... lahat na ng mga magagandang katangian nasa kanya na. Campus crush at Captainballl sya ng volleyball varsity sa school. Halos lahat ng lalaki nagkakandarapa sa kanya. Marami nang naging boyfriend si Lian. Pero ni isa, wala syang sineryoso. Pinapansin naman nya ang mga stalkers at secret admirers nya. Hindi sya snob di gaya ng iba.

         " So? Halika na, Matt. Uwi na tayo. " , walang-kibo kong sabi sa kanya. Sa totoo lang, may gusto ako kay Matt. Pero si Lian lang ang mahal nya. Isang kaibigan lang ang tingin nya sakin. Ang sakit sabihin pero parang na-FRIENDZONE lang ako. Crush ko si Matt simula pa ng pagkabata. Sya ang lagi kong kasama sa lahat ng bagay. Sya rin ang nagtatanggol sakin kapag may umaaway sakin.

           " Sus! Ang KJ mo talaga kahit kelan! Dito muna tayo. Gusto ko panuorin maglaro ang LianMyLoves ko. " , sabi ni Matt habang nakatulala. Ang lakas talaga ng tama ni Lian kay Matt. Naalala  ko nga nung unang kinausap ni Lian si Matt eh. Halos hindi na makapag-concentrate si Matt sa mga sinasabi ng teacher namin kasi inaalala nya yung mga pangyayari. Parang syang tanga na ngiti ng ngiti ng walang dahilan.

               " Bahala ka! Uuwi na ako. Gagawin ko pa yung homework natin sa Science. " , sabi ko at agad na umalis. Bigla naman sumunod sakin si Matt na may halong inis sa mukha. Binilisan ko ang paglalakad.

               " Huy! Ano ba! Nakakainis ko naman eh. Alam mo namang nanunuod ako kay Lian tapos bigla mo akong iiwan! " , sabi nya sabay hawak sa braso ko. Sino ba naman kasing nagsabi sa kanya samahan nya ako? Hindi ko naman sya pinilit na umuwi eh. syaang pilit na sumunod.

              " Sino ba naman kasi nagsabi sayo na sundan mo ako? Hindi naman kita pinilit na umuwi eh. Ikaw ang kusang sumama." , sabi ko na medyo nagagalit. Nakita ko sa mukha ni Matt yung lungkot. Bakit naman sya nalungkot? "Bumalik ka na sa court kung gusto mo pang manuod kay Lian. Basta uuwi na ako. " , sabi ko kay Matt at tumalikod. Sa hindi ko malamang kadahilanan, sumunod sya sakin pauwi. Kani-kanina lang gusto nya manuod kay Lian tapos ngayon sya na mismo tong nagmamadali umuwi.

                 " Sasabay na ako sayo. Uuwi na rin ako para gawin yung homework natin sa Science. Sasamahan nalang kita baka may mangyari pang masama sayo eh. " , sabi nya nang nakangiti. Awwww.... ang sweet naman ni Matt. Mas pinili nya akong samahan kaysa panuorin si Lian. Medyo nag-blush ako kaya naman tumungo ako para di nya makita yung nangangamatis kong mukha.

               " Aya, paunahan tayo umuwi. Kung sino mahuli, manglilibre bukas. Game? , sabi ni Matt. Ang daya! Syempre mauuna sya dahil ang lalaki ng mga hakbang nya. " Ang daya! Syempre mas mauuna ka. Ang bilis mo kaya tumakbo! " , pagtatampo ko sabay pout ng labi ko. Bigla nalang ako kinurot ni Matt sa magkabilang pisngi. Nagulat naman ako kaya namula yung mga pisngi ko. " Aya, ang cute mo kapag nagpapout. Sige, dun ka magsimula sa kabilang kalye para mas malayo-layo yung distansya mo sakin." , sabi nya sabay ngiti. Tumakbo na ako sa kabilang kalye para hindi nya makita yung nangangamatis kong mukha.

                 " Ready ka na? Ready, Get set, GO!" , sabi ni Matt. Kumaripas ako ng takbo, Gusto kong mauna para makalibre ako ng recess bukas. Tumakbo ako ng sobrang bilis. Habang nasa kalagitnaan ng karera, bigla akong lumingon sa likod ko. Ano! Ang bilis nya naman masyado. Mas lalo ko pang binilisan at tanaw ko na yung bahay namin. Ako ang nanalo sa karera namin.

               " Bukas ha. Wag mo kalimutan." sabi kay Matt habang hinihingal. Ngayon lang ako nanalo sa karera namin ni Matt. 

AN: HI guys! First story ko 'to. On-going sya kaya hindi pa sya kumpleto. Votes and Comments are highly appreciated.

2-16-14

Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon