Ako Na Lang

16 0 0
                                    

     MATT

     Ako nga pala si Matthew Alvarez. Matt for short. Bespren ako ni Aya simula pagkabata kaya sobrang malapit kami sa isa't isa.

    Papunta na ako kila Aya ngayon. Yayayain ko sya manuod ng laro ng LianMy Loves ko. Buti nalang magkapitbahay lang kami nito ni Aya kaya hindi ako masyadong pagpapawisan.

     " Aya, lumabas ka na dyan! May pupuntahan pa tayo! " , pasigaw kong tawag kay Aya. Mas mabagal pa kasi sa pagong kung kumilos tong si Aya. Natanaw ko na syang lumabas ng gate. Himala! Hindi ko  na sya kelangang hintayin pa. Excited yata tong si Aya eh.

     Hinila ko kaagad si Aya papuntang court para mapanuod namin maglaro si LianMyLoves ko. Pagdating namin sa court. Biglang nagbago yung aura ng mukha ni Lian. Parang nainis sya dahil dinala ko sya dito.

     " So? Halika na, Matt. Uwi na tayo. " , sabi agad ni Aya pagdating na pagdating namin sa court. Bigla naman ako nagulat sa sinabi nya. Akala ko ba bespren kami? Bat panira sya ng trip?

     " Sus! Ang KJ mo talaga kahit kelan! Dito muna tayo. Gusto ko panuorin maglaro ang LianMyLoves ko." pagmamaktol ko. Sa di ko malamang kadahilanan, nag-iba ang aura ni Aya. Anmeron? Bat ganito ba mga kinikilos nya? Ayoko namang mag-assume na nagseselos sya. Hays.

     Umalis si Aya sa court. Sh*t naman. Kararating lang namin dito sa aalis agad kami? Hays. Ano ba? Susundan ko kaya si Aya o manunuod nalang ako mag-isa dito kay LianMyLoves?

     " Bahala ka! Uuwi na ako. Gagawin ko pa yung homework natin sa Science." Ano ba naman tong si Aya! KJ sa lahat ng KJ.

     Ayoko sa lahat yung nag-aaway kami ng bestfriend ko. Masakit sa puso. Hay nako. Naguguluhan na ako.

     Ayoko nang patagalin yung away kaya niyaya ko nalang syang umuwi. Makikita ko rin naman yung LianMyLoves ko eh bukas eh. Sasabay nalang ako kay Lian baka kung ano pa mangyaring masama dito eh. Tatanga-tanga pa naman to.

     " Sasabay na rin ako sayo. Gagawin ko na din yung homework natin sa Science. Sasamahan nalang kita baka may mangyari pang masama sayo eh." Ani ko. Pagkasabi ko nun. Bigla nalang sya namula. Wait! Diba namumula ang babae pag kinikilig? Crush nya kaya ako? Hahahaha.

     Niyaya ko nalang sya makipag-karera sakin pauwi. Nagpout sya dahilan para kurutin ko ang mga bilugang pisngi nya. Ang ganda talaga ng bestfriend ko.

     Pinapunta ko nalang sya sakabilang kalye para may advantage sya. Hahahahaha.

     " Ready, Get set, GO!" Sigaw nya at kumaripas na ng takbo. Sino ba namang di bibilis ang takbo kung pagkain ang reward diba? Binagalan ko ang takbo ko. Nagmuni muni ako. Bat di ko magawang mahalin ang bestfriend ko?

     Malapit na pala kami sa bahay nila kaya sya ang nanalo. Kahit pawis sya, maganda parin sya.

     " Bukas ha. Wag mong kakalimutan." sabi ni Aya at pumasok na sa gate.

     Dumiretso na din ako sa bahay at tinapos na ang homework ko.

     Bukas ulit minamahal kong....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon