Chapter One

371 9 2
                                    

Chapter One

Sabi nila, nababaliw na daw ako.

Sabi ko naman, oo nga, baliw na talaga ako.

Baliw na ako kay Justin Bieber.

Isa akong Belieber.

Nagsimula ang pagiging Belieber ko noong 2009, bakasyon, Hindi kami umuwi ng probinsya kaya naman nasa bahay lang ako. Hindi naman ako galang tao at hindi ganoon kadami ang mga kaibigan ko. Bored na bored ako sa bahay. Idag-dag mo pa na kinuha ni Mama yung phone and loptop ko. Kasi lagi daw akong puyat.

Nakahilata ako sa couch namin habang paulit-ulit ba nililipat kung saan saan ang TV Chanel. Hanggang sa napunta sa MTV yung pinapanood ko. Nakarinig ko ng boses babae, akala ko pa nung una tomboy na gwapo lang yung kumakanta may hood pa !

Tapos nung patapos na yung kanta lumabas sa bandang baba ng screen ng T.V yung "One Time" by Justin Bieber . Hindi ko pa nga alam kung pano ko babasahin yung salitang Bieber.

Napansin ko nalang na lagi kong kinakanta yung One Time at lagi kong hinihintay sa MTV yung video kahit bihira ko lang matyempuhan. Ayos na ko.

After ng ilang linggo, ibinalik na sakin ni Mama yung loptop ang phone ko kaya naman inumpisahan ko siyang igoogle. Wala masyadong lumabas na article about sa kanya pero may mga videos na lumabas.

Kidrauhl. Yun yung youtube name nung mga nag upload nung videos. Sabi ko pa noon, "Kidrauhl ? ano kayang connect nun sa Justin Bieber ?" Pero hinayaan ko nalang din nung nagtagal.

Gumawa ako ng twitter account. Inumpisahan ko siyang -stalk gamit ang internet.

Hanggang sa nag-umpisa na siyang sumikat. Dumadami na ang nakakakilala sa kanya.

Isa akong cosplayer noon, at doon nauubos ang ipon ko. Pero nung nag-umpisa na akong maging Belieber eht tinigil ko na ang pag ko-cosplay para makabili ako ng Bieber Merchandise.

Hindi naman kasi kami mayaman, may kaya lang kami. Hindi din suportado ng parents ko ang mga ginagawa ko na hindi naman related sa school kaya galing sa allowances ko ang ginagamit ko para sa mga luho ko.

"My World Tour" Nung nabalitaan kong pupunta siya dito sa Pilipinas, naging sobrang higpit ko sa pera, ni hindi na nga ako nagrerecess. Tapos kapag madami pa akong oras eh nilalakad ko nalang yung school. Tutal mejo malapit lang naman.

Kaso yung naipon ko eh pang general admin. lang. Gusto ko pa naman eh yung nasa harap ako. Kaya naman kinausap ko sina Mama and Daddy na dag-dagan yung pera. kaso ayaw nila pumayag kaya nakipag bargain ako. Sabi ko hindi ako mag-iinternet ng dalawang buwn after ng concert.

Kaya ayun, napapayag ko din sila.

---

bago pa ko makabuo ng isang libro tungkol sa pagiging Belieber ko. Magpapakilala muna ako.

Rose Angel Brooks. 18. Isang nursing student sa isang sikat na university dito sa Maynila.

Ewan ko ba kung bakit nursing ang course ko. Dahil siguro doctor si Daddy ? ah ewan.

Meron akong banda, "Parade 21" ako ang lead vocalist. Wag niyo na din akong tanungin kung bakit ganun yung pangalan ng banda namin.

Madalas makikita ang banda namin sa mga bar tuwing wednesday, friday, and saturday night.

Bata palang ako pangarap ko ng maging isang sikat na singer. Hindi ko naman talaga gusto yung course na kinuha ko. Pinagbigyan ko lang yung parents ko and in return pagbibigyan nila ako sa pagkanta ang pagraket ko.

Dahilan ko din kasi sa kanila na pag pumunta ulit si Justin dito sa pinas gusto ko magkaroon ng M&G pass.

"Your hand fits in mine like it's made just for me..." Hay, ayan nanaman siya.

"Haha, ang baliw din ng manliligaw mo Rose eh no ?" Sabi saakin ng kaibigan ko na si Joylynn habang inaayos ko ang mga gamit ko sa upuan ko.

Oo, yung kumakanta ng Little Things ng 1Dogs ay isang manliligaw ko. Si Carl.

Ewan ko ba diyan, binasted ko na nga nanliligaw pa rin. Eh hanggat hindi siya si Justin hindi ko siya sasagutin.

Sabi ba naman niya gagawin niya daw lahat ng gusto ko para sagutin ko siya. Sa sobrang inis ko sabi ko kumanta siya araw-araw habang nag-gigitara. Ayun, ang gago, ginawa nga. hindi ba naman siya isa't kalahating siraulo araw-araw niya kong kinakantahan ng kanta ng One Direction.

Minsan nga gusto ko na siyang ilibing ng buhay eh. Pano, Belieber kaya ako !! Pasalamat siya hindi ako isang brutal na Belieber,madak-dak lang ako hindi naman ako nananakit. Harmless kaya ako.

"Hayaan mo siya jan."Sabi ko nalang. Kahit ano naman kasi yatang gawin ko jan eh hindi yan titigil. Mapapagod din yan.

Habang hinihintay namin yung prof namin eh sinalampak ko muna yung earphone ko at pinakinggan yung mga bagong kanta sa journals, hindi ko pa kasi kabisabo lahat.

"Aray !" Sigaw ko kaya naman napatingin halos lahat ng kaklase ko. Hinablot kasi ni Joy yung earphone ko.

"Ano ba yan Joy !" Singhal ko sa kanya.

"Eh kasi !! Hindi mo ako pinapakinggan !!" Problemadong sabi niya. Kumunot tuloy yung noo ko.

"Ano ba kasi yon ?" Mejo mahinahon ko ng sabi.

"nag-online ka naba ?" Tanong niya. Ano kayang importante dun ?

"Hindi pa." Sabi ko saka ibinalik ulit yung earphone ko pero bago ko pa magawa yun ay kinuha nanaman niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi mo ba alam ? PUPUNTA SI JUSTIN BIEBER DITO IN TWO MONTHS !!!!" Malakas niyang sabi.

Weh ?

Seryoso ?

Alam ko may Jounals tour na pero, pero.

Hindi ko alam na kasama ang Philippines.

"weh ?" Tangi kong nasabi dahil sa sobrang gulat ko.

"Rose Angel !!! Tulog kapa ata eh !!!" Sigaw niya habang niyu-yug-yog ako.

"Bumili na tayo ng ticket." seryoso kong sabi saka nilabas ang cellphone ko at tumayo.

-♥-♥-♥-

First chapter !! Sorry for the errors. Tamad ako mag back read eh. And please correct me sa mga facts about kay Justin, I'm not that perfect Belieber.

and kung may mga fans ng 1D jan. Hindi ako hater. Ayaw ko lang sa kanila. Kay ?

I'm also open for suggestions and etc. Basta ba sa ikagaganda ng story na to.

PS: gawan niyo naman ako ng cover for this story please ? please ? 

PPS: Wala pa kong imaginary character for Rose soo suggest din kayo :)

(Last na to. Pramis. XD)
PPPS: vote and comment, para ganahan akong sundan to haha. No exact date for the update pero pag napilit ako tignan natin ;)

~Pearlss Xo 
( @MyLoveKingrauhl // twitter )

Believe In Your Dreams {Tagalog Justin Bieber Fanfiction}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon