The beach was indeed beautiful.
Kakaiba sa mga beaches na napuntahan ko.
It wasn't crowded and I loved it.
The golden sand, the calm crystal clear sea and the small waves. All of these were wonderful.
Parang gusto ko nang tumira dito.
I sat and watch the sunset. It's my first time seeing it. Ang lamig ng simoy ng hangin. It was perfect, everything around me is just perfection. Kabaliktaran sa realidad ng buhay ko. I hope someday my life would get easier and with no problems. Kaya lang life is full of challenges.
I sighed once more at the thought of my 'imperfect life', buti na lang at nakapag-outing ako with my friends, pampawala ng stress sa buhay at break from school, hindi naman ako mayaman kagaya ng iba kong mga kaibigan but I managed to go with them using the money I saved. Five days kami dito mags-stay. I had just moved up from my junior high at mags-senior na ngayong July.
Summer ngayon so my friends and I decided na sulitin ang natitirang panahon para mag-enjoy. We ended up in this beautiful resort and got a room that is good for 5 persons. Gusto muna nilang magpahinga dahil sa mahabang oras ng byahe at kakarating lang namin. Ako naman gusto ko agad na makita ang maaaring I-offer ng resort na ito.
Gaya ng sinabi ko, hindi sya crowded and they have good facilities. 'I think my friends and I are gonna love it here' sabi ko sa sarili ko. When I got to the beach, it was breathtaking. I sat down at nagisip-isip tungkol sa mga nangyari sa buhay ko.
Just then I felt someone's presence sa likod ko at biglang may tumabing binata sa akin. I was shocked at talagang tiningnan sya.I was so curious as to why he just appeared out of nowhere.When I saw his face napasabi ako sa sarili ko 'he's certainly not a Filipino' , aaminin ko ang gwapo niya. From his brunette hair to his fair skin, pointed nose at baby face talagang nahiya ako sa kanyang kagwapuhan. Feeling ko nagblush ako dahil tinabihan ako ng gwapo, pero buti na lang I have a tanned skin so hindi obvious ang pamumula ng cheeks ko. Napayuko na lamang ako at hindi sya pinansin.
"Hi." Shit! Napamura ako sa sarili ko dahil pati ba naman ang boses ng lalaking to ay napakagwapo. Huwag din nating kalimutan ang american accent nya. Pagkatapos ng ilang segundo ay napatingin ako sa kanya at doon ko lamang napansin ang 'baby blue eyes' nya. It was mesmerizing at napatitig ako sa kanya sandali.
" Uh..Hi." Mabilis kong sinabi. Kinabahan na talaga ako. Para bang first time kong makausap ang isang gwapong lalaki, na kung tutuusin ay marami rami naman sa school namin. Basketball players pa nga mostly.Yung iba kaklase ko lang. Ewan ko ba, sa dinami-daming gwapong lalaki ay dito talaga ako sobrang kinabahan, sobra pa kaysa nung nagkita kami ni crush.
" Uhm.. I should go." Sabi ko, pagkatapos ay tumayo. He chuckled, pati tawa ng lalaking ito halos perpekto. Everything about him screamed perfect. Adonis na kumbaga. Napakunot tuloy ang noo ko. Ano ba ang tinatawa-tawa ng lalaking ito?
"Leaving so soon? I haven't got your name yet." He smiled and showed me his perfect white teeth. Ano nga ba ang tawag nila dun? Ah tama yung sinasabi nilang ' million dollar smile' . Eto na yata yung smile na yun eh. Feeling ko matutunaw na ako on the spot. Tumayo sya at himarap sa akin. Ang tangkad nya, as in sobra. Feeling ko nasa 6 flat ang height nya. Kaya naman kailangan ko pang tumingin pataas para harapin sya. Naka-smile parin sya kaya nginitian ko na lang rin sya.
"I'm Jade, how about you?"Liar, sabi ng konsensya ko. Alangan naman magtiwala ako agad, sabi don ng utak ko. Hindi porke't gwapo sya ay ibibigay ko na agad ang totoong pangalan ko noh, baka miyembro pala to ng sindikato. Naku! Lagot na talaga ako.
"Lucas." Sabi nya. Hmmm. Mukhang decent naman ang name nya. 'Looks can be deceiving. ' sabi pa ng utak ko. Umalis ako nang walang paalam at tumakbo ng mabilis papunta sa room namin. Hingal na hingal ako dahil sa sobrang pagod.
Pagkatapos ng pagkikita namin ng lalaking iyon ay hindi ko na sya nakita muli.
You can imagine any person you like to any characters of the story. :)♡♡♡♡
So this is my story, please do give this a chance. I'm still working on it. Please vote, comment and share if ever you liked my draft. It would help me alot!
Thanks for reading!
(3/24/17)
-Jilxoxo
BINABASA MO ANG
The Unexpected
Teen FictionNagkita na sila once, Nagkita na naman muli. Simple at medyo complicated ang buhay ni Julia. Kailangan nya ng trabaho upang matustusan ang pangaraw-araw nya at ng kanyang pamilya. Si Chase. Isang half American at half Filipino. Ang mom nya ang may l...