Chapter 2:Yaya/Translator

1 0 0
                                    

Writer's POV

Pagkatapos ng outing ni Julia at ng kanyang mga kaibigan ay agad rin syang naghanap ng mapagtratrabahu-an. Hindi kasi sapat ang kinikita ng mga magulang nya upang ipag-aral sya sa magagandang paaralan kaya sa scholarship na lang sya kumakapit para makapag-aral ng libre sa magagarang paaralan. Ngunit hindi parin iyon sapat laya naman naghanap ng trabaho. Halos maikot na nya lahat ng lugar, lahat ng ads sa newspaper tiningnan na nya. Isa sa mga hadlang kay hindi sya matanggap ay ang kanyang edad. Oo, aaminin nya, 16 years old lang sya, minor which means not of legal age para sa mga trabahong maganda ang sahod.

Ayaw nyang sumuko dahil kahit kailan ay hindi sya sumusuko. Napapagod lang. Uuwi na sana sya ng bigla syang nakakita ng hiring. 'Yaya/translator, preferably 16 years old' , nang nakita nya ito at nabasa mukha namang decent ang trabaho na ito. Feeling nya dito sya suswertehin ng trabaho.

Binasa pa nya ang hiring ad at tinawagan ang maghi-hire.  She was so relieved ng marinig ang boses ng isang babae. 'Babae rin siguro ang pagsisilbihan ko' sabi nys sa sarili nya. Her name is Ruby Shane Johnson. Nakapag asawa sya ng American at magbabakasyon sandali. Gusto ni Mrs. Johnson  na magkita sils upang mapag-usapan ang trabaho na papasukin ni Julia na mayroong kontrata.

Julia's POV

Next day

Breakfast House

Pagkarating ko sa breakfast house ay napakagara ng naririto. Mapatao man o furniture. Mas mukha pa itong restaurant kaysa isang breakfast house. Pagkabukas ko ng pintuan ay agad nila akong inaccommodate, pagkasabi ko ng 'Johnson Reservation' ay agad din nila akong dinala doon. Pagkalapit ko sa table ay nakita ko na si Mrs. Johnson. Ang ganda nya, siguro pati rin ang magiging alaga ko.

Pagkadating ko sa table namin ay agad akong sinalubong at binati ni Mrs. Johnson, napakabait nya. "You must be Julia Aguirre" sabi ni Mrs. Johnson, tumango ako at agad din kaming naupo. Umorder muna kami at pagkatapos ay sinimulan ang pagdiscuss sa magiging trabaho ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ikaw ang napili ko kasi....well ikaw lang rin naman kasi yung nag-apply."  Sabi ni Mrs. Johnson. Medyo nahihiya sya habang sinasabi iyon pero okay lang at least wala akong kakompetinsya.

" So hired na po ako?" Tanong ko sa kanya. Obvious naman eh, kaya lang nagtanong talaga ako para makasiguradong makukuha ko na ang trabahong iyon.

"Yes, you are hired Ms. Aguirre! I will explain to you everuthing you need and have to know but for now let's enjoy our breakfast."  After that kumain muna kami and we had small talks just like school, life and why I needed the work so badly. In which she really understood my situation.

"Hija, kailangan kasi ng anak ko ng makakasama at mag-aalaga sa kanya ng panandalian, para naman kahit papaano ay malaman nya agad ang mga bagay na kailangan nyang malaman habang dito sya titira. I'm sure kaya mo naman ang gawaing bahay diba? Gusto ko din na ipagkatiwala sa iyo ang pera na aking ipapadala para sa mga expenses nya dito sa Pilipinas. I hope I could trust you."  She said sincerely na may halong pagkadesperate ang tono.

"I'll do my very best po Mrs. Johnson na alagaan ang anak nyo, don't worry po, you can trust me. By the way po sino po itong anak nyo?" Sabi ko sabay tanong din sa kanya. Gusto ko na ding mameet ang alaga ko, I'm sure magkakasundo kami nun pagnagkataong babae ang anak ni Mrs. Johnson.

She smiled sabay bunot ng kanyang cellphone sa mamahaling bag nya, after a few scroll hinarap din nya sa akin ang litrato ng anak nya. "Ito si Chase. He's sixteen but turning 17 this November." Sabi ni Mrs. Johnson. I gasped. I cannot believe it. 'It was Lucas, yung gwapong lalaki sa beach. Sya nga iyon!'  Akalain mo nga naman, gwapo nga talaga ang gago na iyon! Chase pala totoong pangalan nya? Walang hiya manloloko pala tong magiging alaga ko. Sayang naman oh! Nakakaturn off, minus pogi points!

"Sya.....yung...anak mo po to?.....nakita... ko...hindi kasi ano po.."  Nautal na ako at hindi na makapagsalita. ! Medyo naconfuse na rin si Mrs. Johnson, napakunot ang kanyang mga noo sandali.

"Okay ka lang ba hija?" Tanong nya but I was still in a daze that in a few weeks magiging alaga nya ang isang mala Adonis na lalaki. Medyo kinabahan sya ulit. He always did,  kahit nung una pa nilang pagkikita.

"Uhm.. okay lang po, kailan po ako magsisimula? Ay oo nga po pala kailangan ko munang magpaalam sa aking mga magulang na titira ako sa ibang bahay..." I fake smiled. Yikes! Mukhang hindi ko na gusto ko ang patutunguhan nito pero lahat kakayanin ko para sa pamilya ko.

"Condo hija, sa condo kayo titira." Mas maliit ang space, kaming dalawa lang, awkward, feeling ko everyday na akong magb-blush athindi ko masyadong magagawa ang gusto ko dahil ayoko namang ipahiya ang sarili ko sa harap ng isang gwapong lalaki ano!

"Ahh... condominium po... hehehe kaming dalawa lang ho?" Tanong ko.

"Yes, since I'm going back to the states after ko asikasuhin ang kanyang mga papeles for his citizenship, I trust you to take care of my son." Sabi ni Mrs. Johnson.

Kaming dalawa lang talaga sa isang condo, omg!!! Feeling ko matutunaw na ako. Napakagwapo nya, enrolled pa kami sa same school. Oh gosh! Lord, bakit sa dinami dami sya pa? Yung lalaking nakakalaglag panty sa ubod ng kagwapohan. Ano ba itong pinasok ko? Julia naman eh! Wag ka nang maarte, trabaho lang to walang personalan!

We bid our goodbye and said to be in touch. She'll still decide pa daw kasi kung when will I start. Oh well, so much for that. Nag-isip na ako ng paraan para sabihin ito sa mga parents ko. Hanggang sa pag-uwi ko ang tanging nasa isip ko ay kung papaano ko sasabihin na ang trabaho ko ay isang yaya/translator? I'm sure magf-freak out sila kapag nalaman nilang lalaki ang alaga ko. Oh no! Pano na to? Kailangan ko to eh. Hindi ako pwedeng magback-out. Napakabait pa naman sa akin ni Mrs. Johnson.



¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤


Pictures are not mine.






So what do you think of the chapter? Please vote if you liked it and write a comment especially if you have ideas. Then maybe I can give you a credit once I used your idea!!

Well anyways have a pleasant day to my reader/s!!!

(3/25/17)

- Jilxoxo

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon