Chapter 8

14 0 0
                                    

CHAPTER 8- Baekhyun's Birthday 

(BAEKHYUN SA SIDE <3)

Dumaan na ang birthday ni Luhan at Tao. Syempre birthday ko din. Wala din naman nangyari, dun lang din kami sa Ree's. Nagtatampo nga si Luhan kay Ree, kasi hindi nag-video call. Pero kinabukasan naman nagsorry si Ree. Nag-sukat daw kasi sya ng gown para sa engagement party nya.

Feel ko nga okay na rin sila ni Baro sa fixed marriage na yun eh. Kasi, lagi na syang nakangiti. Ewan ko lang ha? Yun kasi yung pinapakita nya samin eh. Pero kilala ko yan si Ree. Magaling sya magtago ng emosyon.

Nga pala, May 5 na ngayon. Bakasyon na eh. Tapos birthday ni baekhyun bukas. Bali andito ako sa mall ngayon at nakabuntot nanaman sakin tong si Keisha. Do you believe na buong april di sya nagparamdam sakin? Kasi huling kita ko sakanya nung birthday ni Xiu. Di nya nga ako pinapansin nun eh. Tapos puro tango lang sya. Tahimik sya.

Pero ngayon? Dumoble pagkaharot nitong babaeng to eh. Lagi akong kinikiliti. Nakakainis na nga eh. Asar na asar ako. Lakas nya mang-bwisit.

"Bakit ba sumama ka pa?"

"Masama ba? Syempre ganun ang mga manliligaw sa nililigawan nila. Grabe ka, 3months na akong nanliligaw sayo pero wala pa din? Naunahan na tayo ni Suho at Jessa.. Nakita mo ba kung paano sinagot ni Jessa si Suho? Kinikilig ako! Kung ikaw lang siguro ang nanliligaw sa ating dalawa at hindi ako no? Sarap siguro sa feeling ng nililigawan."

"Bakit, di mo pa ba nararamdaman?"

"Hindi pa eh."

"Bakit?" tapos biglang naging gloomy yung face nya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa para sa kanya.

"Wag na nga natin pag-usapan yan. Balita ko mamaya andito na si Ree at yung fiance nya ha?" pagchechange topic nya.

"Oo nga daw." pagtapos nun di na sya nagsalita ulit. siguro may iniisip sya. hayss anyways, makabili na nga ng gift for Baek.

-Baekhyun's Birthday bash at his house!!-

Sa bahay ni Baekhyun ginanap yung birthday nya. Everyone is here. But not Ree. On the way palang daw. Buti nga hindi na kasama sa birthday na to yung fiance nya eh. Baka umiyak lang si baek. Joke.

At sa wakas, dumating na rin si ree. Formal ang theme ng birthday ni Baekhyun. Ewan ko ba pamilya nyan -_-

Infairness, laki ng pinagbago ng bestfriend ko ha! Naka-rebond na! Naka kulot kasi yang si ree eh. Tas naka full bangs na sya ngayon XD

"Naks ganda natin ha?"-ako

"Syempre naman no. Pinaghandaan ko tong araw na to."

"May dance daw mamaya ha?"

"Oo nga eh."

-after several minutes-

Dance na po! Ang kasalukuyan pong kanta ay: (Terrified by Katherine Mcphee) Tapos nakakainis pa kasi isinasayaw ako nitong babae na to -_- sya pa talaga yung nagyaya!

"Sehun...."

"Ano?"

"Ayaw mo ba talaga sakin?"

"....."

"sagutin mo naman ako oh. kasi lahat naman ginagawa ko eh. pero bakit di pa rin sapat?"

"ayoko ngang magmahal. natatakot na akong magmahal."

"hindi naman kita sasaktan. hindi rin kita iiwan."

"sa ngayon nasasabi mo yn, pero pano pag tayo na? iiwan mo din ako tulad ng ginawa nya. sasaktan mo din ako tulad ng ginawa nya. papaasahin mo din ako tulad ng ginawa nya. parepareho lang kayong mga babae!" tapos iniwan ko na sya sa dancefloor pero may pahabol pa sya.

"Hindi ko gagawin yng ginwa ng babaeng nanakit sayo. Kung sino man sya, ang swerte nya kasi minahal mo sya ng sobra to the point na ayaw mo na magmahal ulit dahil sa iniwan ka nya. Ang swerte nya." tapos dumaan syasa harap ko habang nakatakip yung mata.

"Hala ka, anong ginawa mo dun?"-suho

"Ewan ko ba jan." sagot ko kay suho sabay alis.

Bakit, bakit parang nasasaktan ako? Bakit parang gusto ko syang habulin at gusto kong mag-sorry sakanya? Bakit parang ayaw ko syang mawala sakin? May gusto na ba ako sakanya? Ah, hindi maaari. SIYA lang ang mamahalin ko. SIYA LANG. Si Kaira lang.

(Malalaman nyo ring ang story between Kaira and Sehun. Wag nyo po munang alamin^^)

Umupo muna ako sa table namin. Mag-isa lang ako. Ay hindi pala, katapat ko si Keisha halatang umiyak sya ksi medyo mugto yung mata nya. Pero nagtetext nalang naman sya. Nakatingin lang ako sakanya.

"Pre, matunaw."-Kris

"Gago!"

"Bakit? Totoo naman na nakatitig ka sakanya ah?"-kris

"Napatingin lang ako. May humihikbi kasi."

"Sus, ikaw naman daw nagpa-iyak jan sabi ni Suho eh."

"Di ko naman sinasadya yun eh."

"Ano ba kasing sinabi mo?"

Tapos kinuwento ko skanya yung napag-usapan namin ni Keisha. Tapos bigla nya akong binatukan.

"Aray! Ang gago naman nito!"

"Eh ang tanga tanga mo! Bat di mo nalang ba kalimutan si Kaira? Pre naman, dalawang taon nang wala yung tao. Pakawalan mo na siya."-kris

"Hindi, mahal ko pa sya."

"Naiisip mo lang na mahal mo pa sya. Pero ang totoo si Keisha na yung gusto mo. Sabi mo nga kanina diba? Parang ayaw mong iwanan ka nya?"

"Oo."

"Yun na kasi yun pre. Ayain mo na! Sayaw mo ulit sya. Bahala ka, pag yan nawala pa. Baka magsisi ka."-kris sabay alis. Syempre magsasayaw pa yang gago na yan.

Nagdadalawang isip naman ako kung isasayaw ko siya? Baka tanggihan nya ako? Baka ayaw nya? Psh. Mamaya na nga~

Aish sige na sige na! Isasayaw ko na sya.

"Can i have this dance?"- ako. Tapos gulat na gulat sya pero pumayag naman. Dinala ko sya sa dancefloor. Instrumental palang yung kanta. Walang nagsasalita saming dalawa. Nakayuko lang siya.

Aekeisha's POV

First time kong mag-POV right? Nasa gitna kami ng dance floor. Instrumental palang ang kanta. Walang nagsasalita. Tahimik kaming dalawa. Nakayuko lang ako. Nahihiya ako kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Baka naririnig nya.

I really like sehun. No, i love him.

*(SHORT CHAPTER? I know. Mianhae~)


That weird girl (EXO Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon