CHAPTER 17- Heartbreaking.
(KAII----> <3)
(8pm)
Lumabas muna ako ng kwarto tas pumunta sa tabing-dagat. Im surprised na makita si Ree dun. This time, wala na siyang headphones. Nakatingin lang siya sa dagat. Parang ang lalim-lalim ng iniisip nya. But i saw tears on her face. She's really in pain.
"Ree."-ako. Tas nagulat ata siya kasi nagpunas siya bigla ng pisngi nya.
"Oh, bakit gising ka pa?"
"Umiiyak ka ba?"
"H-ha? Hindi no. Bakit naman ako iiyak?" pagdedeny nya.
"Common, you can tell me."
"Ayokong makihalo sa problema mo. And besides, gusto kong sarilihin yung mga bagay na gumugulo sa isip ko. Ayoko nang makidagdag sa problema ng iba." tas tumulo nanaman yung luha nya.
"Kung yan ang gusto mo..." ayokong pilitin si Ree. Yun kasi yung ayaw nya eh. Makukulit na tao -_-
"Nakausap mo na ba yung doctor mo?"-sya
"Oo."
"Anong sabi?" tas kinuwento ko skanya yung sinabi ng doctor.
"Anong desisyon mo?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon. Im really scared, Ree."
"Ha? Bakit?"
"Baka kasi hindi mag-work yung operation. Pero simula nung naging kami ni Sehun, Na-realized ko na masarap palang mabuhay. Yung mabuhay na kasama yung mahal mo. Naisip ko pa nun na magpa-opera nalang kaya ako? Para atleast makasama ko si Sehun nang mas matagal. Para atleast, hindi ko siya agad iiwan." -tas pinunasan ko yung luha ko.
"Pero bakit ganun? Kung kailan gusto kong magpa-opera na.. saka naman parang unti-unting nawawala yung taong naging dahilan para gusto kong subukan. Bakit ganun Ree? Apat na buwan pa lang kami... bakit ba ang daming hadlang sa pagmamahalan naming dalawa? Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan?" pinunasan ni Ree yung mga luha ko.
"Kasi nga, ang sakit ay parte ng pagmamahal. Kung walang sakit, hindi mo malalaman kung gaano kasarap ang magmahal."
"Pero bakit ganon? Bakit puro sakit nalang yung nararamdaman ko?"
"Hindi, Keisha. Mahirap lang talaga tanggapin, na may mga bagay na gusto natin, pero hindi naman nating kayang kunin. May mga bagay na hindi para sa atin, pero napupunta sa atin. Parang yung sakit mo. Siguro iniisip mo na bakit ikaw pa yung nagkaroon nyan sa dami-dami ng masasamang tao na meron sa mundo natin. Keisha, isipin mo lang na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng to. Tatagan mo lang yung loob mo. Magiging oka din ang lahat. Di man ngayon, pero sa susunod... magiging okay din ang lahat."-Ree
Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Alam ko na nasasaktan din siya ngayon.
"Gusto ko ng makipag-hiwalay kay Sehun." sabi ko.
"Ha, bakit naman?"
"Dahil sa sinabi mo, na-realized ko na hindi lang siya ang dahilan kung bakit ako nagbubuhay. Anjan kayo na mga kaibigan ko."
"So you will take the risk?"
"ewan pa din. I need time to think. So pano, akyat na ako sa kwarto ha? Goodnight." pagtutuloy ko. Saka pumasok sa loob. Naiwan sya dun na tulala. Sorry Ree.
------
Mag-gagabi nanaman. Andito ako sa terrace ng kwarto namin ni Ely. Mag-isa lang ulit ako. Ang ginaw nga eh. Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Sehun. Ewan ko ba dun.
BINABASA MO ANG
That weird girl (EXO Fan fiction)
RomanceAng kwento na ito ay isang EXO-FAN FICTION! Lahat ng pangyayari dito ay hango lang sa imagination ko at ang mga tauhan ay naaayon sa mga gustong maging bahagi nito... The story of that weird girl is about, One boy who's afraid to fall inlove again b...