Prologo

43 2 0
                                    

Noah

Ako si Noah Mercedes. 23 years old. Gumaraduate ako sa De Salle University na ang course ko ay criminology. Bata pa lang ako ay hindi na kami nag kakasundo lagi ng Papa ko, mas nag kakasundo sila ng kapatid kong si Jacob, Jacob Mercedes. Matanda sa akin ng isang taon. Mas malapit ang kalooban ko sa Mama ko dahil lagi niya akong sinusuportahan sa mga disisyon ko sa buhay. Si Emma Salvador ang nanay ko. Mahirap lamang sila nuon dahil walang trabaho ang papa niya at mabisyo naman ang nanay niya. Hindi nag tagal, Ang nanay niya ay nagkaroon ng sakit sa baga at pagkatapos ng ilang taon ay pumanaw na rin. Pag kalipas ng isang taon ang tatay naman niya ay nag asawa na lang nang iba. Ngunit, ang mama ko ay hindi tanggap nito. Napilitan si Papa niyang iwan siya sa mga tita niya at duon na rin nakapag tapos ng pag aaral. Sa pag tatrabaho naman ay nakita niya si Papa ko, ang pangalan niya ay Mason Mercedes.

Hindi nag tagal ay nagpakasal na sila at naging Mercedes na ang mama ko. Galing si papa sa mayamang pamilya na maraming investments at may ari ng isang kumpanya. Si Jacob ang laging kasundo ni papa sa lahat ng bagay. Ngunit sa hindi inaasahan ay may nangyaring hindi namin inaakalang mangyari. Gumagala kami sa isang carnival nung ako'y 5 years old pa lamang at si Jacob ay 6. Nakasakay kami sa isang carousel at pagkatapos ng tatlong ikot ay bababa na kami, pero biglang nawala sa tabi ko is Jacob. Bumalik ako kila papa at ang sabi ko ay nawawala siya. Pinagalitan niya ako sa harap ng maraming tao at pinahiya. Pagkatapos nuon ay kahit sinubukan namin hanapin si Jacob ay hindi na namin nakita. Kaya mas lalong lumayo ang loob ng papa ko sa akin.

Pagkatapos mawala ni Jacob ay palagi na akong nag iisa. Nung ako ay highschool ay nakakita ako ng kaibigan na maasahan ko sa lahat ng bagay, si Carter Ramires. May nakilala rin akong babae na nakapag patibok ng aking puso. Siya si Ava, Ava Virata. Kaedad ko rin. Sa buong buhay ko siya pa lang nag papakita ng tunay na pag mamahal sa akin pwera lang sa mama ko at kay Carter. Ngayon ay malapit na kaming ikasal ng Fiancee kong si Ava. Nagkaroon kami ng maiksing pag pupulong ng aming mga pamilya dahil sa darating na kasal namin. Ang mama ko ay botong boto sa kaniya pero ang papa ko naman at ang aking kaibigan na si Carter ay hindi boto dito. Naisipan kong isama si Carter dahil para na rin siyang pamilya sa akin. Pagkatapos nang pag pupulong ay nag pasya kami ni Ava na pumunta sa isang park para makapag pahinga.

Nuong pauwi na ako sa bahay ko ay naisipan kong tawagan si Ava para masigurado kong okay lang siya. Ngunit pagkatawag ko ay hindi si Ava sumasagot. Naisip kong baka naliligo ko may ginagawa kaya hindi na muna ako tumawag ulit. Makalipas ng ilang oras tumawag ulit ako sa kaniya pero hindi siya ang sumagot. Isang nurse ang sumagot at nasa ospital daw si Ava.

Murdering last summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon