Kabanata 1

43 0 0
                                    

 Anonymous 

Nakita kong nakakaroon ng pulong pulo sila Noah at mukhang nag kakatuwaan sila. Hindi maganda ang klima ngayong gabi dahil siguro mahalumigmig ang paligid. Nag lalakad muna ako dito sa paligid tila'y nakita kong papunta rin dito ang taong matagal ko nang pinag mamasdan. Wala pa rin siyang pinag babago. Hindi pa rin nag iisip. Akala niya siguro ay tinigilan ko na siya.Nuong bata pa lamang ito ay matagal ko na itong sinusundan mapa eskuwenlahan man o bahay. 

Bago ito pumunta sa pag pupulong nila ay nakita kong dumaan muna ito sa isang bilihan ng damit. Medyo nag tagal siya dito ng mga kalahating oras siguro. Pumasok rin ako sa tindahan na yun para tignan kung ano ang binili niya dito. Nakita kong nag susukat siya ng mga ilang damit para siguro mamaya. 

Bago pa ang lahat, ako si Sebastian Cojuangco. 24 years old. Bata pa lang ako ay hindi ko na kasama ang mga magulang ko. Pinalayo ako ng tatay ko sa kanila. Pinag paplanuhan niya kasi yung kinabukasan ko, para naman daw sa ikakabuti ko ito. Pinapadalahan niya naman ako ng pera para rin sa mga kailangan ko dito pati na rin ang tuition ko sa pag aaral ko. Linggo linggo nag kikita naman kami para mag kumustahan pero sandali lang. 

Balik tayo sa plano. Tumawag ang boss ko dahil mayroon na naman sigurong malagim na plano to. "Sebastian, Bakit ngayon ka lang sumagot sa tawag ko?!" hindi ko agad nasagot ang tawag niya dahil hinahanda ko ang mga gamit ko ng mabilis dahil gusto kong masundan ang pinapagawa sa akin ng boss ko.  Bumalik naman agad ako dahil yung suot kong damit mashadong mainit. 

"Yung pinapaplano ko sayo Sebastian, ayusin mo. Dapat hindi ka papalpak!" nakakabingi ang sigaw niya. Akala mo naman nasa kabilang bundok yung kausap niya. Dumaan muna ako sa bilihan ng mga gagamitin ko. Nasa liblib na lugar ito at hindi basta basta nakikita. Muntik ko na nga maaway ang nag bebenta dahil muntik na akong maloko nito, kung hindi ko pa mabubuko ay malapit ko na sana matutukan ng matulis na bagay.  Pagkalabas ko ng bilihan ay nakita ko na ang kotse ng pinapasundan ng boss ko sa akin kaya agad ko naman siya sinundan. 

Nung nakita kong pumasok siya sa bilihan ng damit ay sinundan ko agad sa loob. Hindi nag tagal ay nakita kong papalabas na siya kaya agad ko naman iniwan ang bibilihin ko sanang mga damit. Nuong palabas na siya ng parking ay agad naman akong pumasok sa kotse ko at pinaandar agad ito para masundan ko kaagad siya. 

Makalipas ang ilang minuto ay parang nahahalata niya yata na sinusundan ko siya kaya nag lagay ako ng wig at nilagpas ang kotse niya dahil ayos lang yun dahi nabigay na naman sa akin ng boss ko ang lokasyon ng pupuntahan nito. Kaya ko siya sinundan ay sinigurado ko lang na makakasipot siya sa pupuntahan at para hindi masira ang plano namin. Nang mag park ako ng kotse ko sa pupuntahan nito ay agad muna akong nag palit ng disenteng damit na mag mumukhang walang gagawing mali.

Tinago ko muna ang mga gagamitin ko sa plano ko sa likod ng kotse ko. Pumasok na rin ako sa restaurant na pinuntahan niya para maki osyoso ng mg aginagawa nila. Natagalan ako sa elevator dahil mamarami ito ay nakita na naman ako ng sinusundan ko. Nag hagdanan na lang ako at sa bawat palapag ay nag bubukas ang elevator kaya malalaman ko kung saan siya bababa. Tumawag naman agad sa akin ang boss ko. "Wag ka mag pahalata, nandito rin ako sa elevator, nakikita ko rin siya".

Tinext sa akin ng boss ko ang floor na pupuntahan nila daahil parehas pala siya ng floor nito. Agad na akong tumakbo na wala nang pinapalampas pa. Pagdating ko sa taas ay pagod na pagod na ako dahil pang 100th floor pala ang restaurant na to. Isa sa pinaka sikat dito sa bansa. Dahil siguro sa maganda paligid at magagandang tanawin mula sa ibaba ng tower. Pabibo rin tong boss ko, hindi basta basta sinasabi sa akin ang mga kumpletong detalye sa pinapagawa sa akin. 

Kapag naman nag rereklamo ako ay sinisigawan ako at tatanga-tanga daw ako. Pag pasok ko sa restaurant ay nakita kong nandoon na silang lahat. Naririnig ko ang mga pinag kukwentuhan nila. Alam ko na rin ang mga plano nila sa susunod na mga araw at ang mga pupuntahan nila. Sa ganun ay kapag pumalpak ako sa planong to ay may susunod na araw pa. Patay malisya lang ako sa paligid at omorder rin ako ng pagkain sa restaurant na ito. 

Pumunta ako sa kusina nila at nag panggap na waiter. Nung binigay sa akin ang mga inumin nila ay sinubukan kong lagyan ng lason ang baso ng bibiktimahin ko at binigay ko sa ibang waiter para hindi nila ako mapagkamalan. Nang umupo ako sa kinauupuan ko, bigla naman nadapa ang waiter at natapon ang inumin sa sahig. Kaya nasira ang plano ko.

Narinig kong plano niya pumunta ng cr kaya agad akong pumunta duon sa cr ng mmga babae. Dali-dali akong pumasok sa cr nila para walang makakita sa akin. Agad ko naman kinuha ang langis sa aking bulsa upang itapon ito sa sahig. Pagkalabas ko ay pinatay ko na rin ang ilaw. Hindi nag tagal ay pumunta na rin ako sa upuan ko. Makalipas ang ilang minuto ay papunta na siya sa cr ngunit sa isang cr siya pumasok. 

Bago matapos ang lahat ay nag text na naman ang boss ko. "Ano na Sebastian?! Baket wala ka pa rin ginagawa?!". Agad na akong lumabas ng restaurant at pumunta sa kotse ko. Tinago ko ng plate number ko at tinakluban ko ng bubong ang top down kong kotse. Lumabas na ako ng parking dahil alam kong patapos na ang pag pupulong nila.  Hindi nag tagal ay lumabas na rin sila ngunit nakasakay siya sa ibang kotse pero sinundan ko pa rin ito.

May pinuntahan pa sila bago dito. Kaya hihintayin ko na lang siya sa labas ng bahay nila. Mabilis akong nakarating dito dahil madaling araw na rin, wala na mashadong kotse. Agad akong lumabas ng kotse at binilisan kong umakyat sa puno dahil alam kong malapit na silang dumating. Lahat ng mga gagamitin ko ay handa na. Pagkatapos kong ayusin ay sakto lamang dahil paakyat na siya ng apartment niya.

Bukas ang bintana nito at agad akong pumasok. Habang siya ay naliligo ay pinatay ko ng kuriente nila at lumakad ako ng tahimik hanggang sa makapasok ako sa kwarto niya. Nakita kong nangangapa na siya ng mga bagay dahil nakatalikod siya sa akin. Tahimik akong lumakad papalapit sa kaniya at tinutok ko ang baril ko sa ulo niya. Hindi ko na pinalagpas pa at pinutok ko na ang baril sa kaniya bago pa siya sumigaw.

Kinuha ko ang bagong hasa kong kutsilyo at isinaksak ko sa puso, tagiliran at likod niya para sigurado akong hindi na siya mabubuhay. Agad akong tumakbo at tinago ang mga ginamit kong sa pag patay sa kaniya. Sa sobrang saya ko ay napatalon ako sa terrace nila at nahulog ako PERO buhay na buhay pa ko. Ikinatutuwa ko ang ginawa ko sa kaniya dahil alam kong matutuwa ang aking boss. Sa sobrang tuwa ko ay napapatawa na lamang ako ng malakas.

"Magaling magaling Sebastian. May bonus ka sa akin bukas."

Pumasok agad ako sa kotse at naririnig ko nang nag kakagulo ang mga kapitbahay nila. Narinig ko na rin na tinawagan na ang fiance niya. Lahat sila nag sisigawan sa takot at umiiyak.

Pagauwi ko sa bahay ay agad ko nang sinunog ang mga damit at ginamit ko kanina.

SA  WAKAS. IT'S BEEN 8 YEARS.

8 YEARS KITANG PINAG PLANUHANG PATAYIN.

HA-HA-HA-HA-HA

I KILLED AVA VIRATA- "MERCEDES"

Time of death: 12:32 A.M.

Murdering last summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon