"Ayan na siya hahahaha" Impit na tumawa lang si Yisha habang pinapanuod ang unti unting pagkahulog sa bitag ng isa nilang kaklase. Bumulalas siya sa paghalakhak ng tuluyan na itong matapunan ng malagkit na likido na ipinatong niya sa ibabaw ng locker nito na nahulog ng buksan nito pinto ng locker.
"Shit!" Galit na sabi nito at sinimulang pagbaling baling upang hanapin kung sino ang may pakana nito.
Nagtago si Yisha sa gilid ng mga locker habang pilit ng tinataktpan ang kanyang bibig upang hindi kumawala ang halakhak niyang aabot sa kabilang building paglumabas. Fudgeeeee ang galing ko talaga pagdating sa ganto. Walang kupas! Panalong puri niya sa kanyang sarili habang pinupunasan ang mga namilog na luha sa kanyang mga mata dahil sa pagtawa.
"Andito ka lang pala." Akma na siyang aalis ng napataas ang kilay niya ng makita kung sino ang nagsalita sa likod niya.
"What are you doing here Yesha?" Ani sa kambal na ngayon ay may mga bitbit na libro at halatang papunta sa library.
"Papunta akong lib when I saw you here. I've been looking for you Yish. Mom told me na wag daw kitang pabayaan dahil malapit na yung finals. Kaya kanina pa kita hinahanap para mag review." Hahawakan na sana ni Yesha ang braso niya at akmang hihilain siya patungo sa library ng bawiin niya ang braso niya.
"Pwede ba? Kahit kambal tayo mas matanda parin ako kasi nauna akong lumabas kaya wag ka umasta na parang mas matanda ka pa sakin. Tsaka isusumbong mo ba ako pag hindi ako nag aral ngayon? Hindi naman diba?" Pagtataray niya sa nakababatang kambal. Huminga lang ito ng malalim at maloko na ngumiti sa kanya.
"Fine. Pero be aware. Maraming mata si Mom dito sa school." Saad nito habang inaayos ang salamin nito. Nginitian niya lang ng matamis si Yesha bago nag salita.
"I know right. Ako pa ba? Tsaka isa pa. Pagkausap mo ko wag kang umarte na kala mo kung sinong kang banal na student council diyan " Tumawa ito ng mahina dahil sa naging reaction ng kambal niya.
"Psh. Wag mo nga ako itulad sayo. Hahaha sige na sibat nako sis. Baka may makakita pa sakin na nakikipag usap sa basagulera kong kapatid. Panira image you know." Kinindatan lang siya ni Yesha na siya namang pag ismid niya.
"Pretentious bitch." Sambit nalang niya sa tuluyan nitong pag alis.
-----
Ayisha Trina at Ayesha Talia Mendrano. Magkaibang magkaiba ang imaheng binuo nila para sa kanilang mga sarili sa skwelahan. Pero ang totoo, iisa lang ang lahat ng kalokohan at ideyang pumapasok sa kanilang mga isip.
Pareho silang kilala at habulin dahil sa taglay nilang mga paguugali. Nakadagdag pa sa interes ng mga tao sa kanilang skwelahan ang fact na kahit kambal sila ay magkaiba ang kanilang anyo. Si Yisha na kilala bilang basagulera, mataray, playgirl ngunit di katalinuhan pero sporty at pambato ng mga pageant sa kanilang school. Habang si Yesha naman ay sikat dahil sa taglay nitong katalinuhan, hinhin, mabait at malumanay gumalaw at magsalita na siyang kabaliktaran nang kanyang kambal. Nirerespeto rin siya dahil siya ang Vice President ng kanilang school council at pambato ng mga quiz bowls ng school nila. Pero taliwas sa kaalaman ng mga kaskwela nila. Parehas lamang na makulit, madaldal, masiyahin at puno ng kalokohan. Parehas din ang lebel ng katilinuhan, kasipagan at katamaran nila. Parehas din ang kabaaitan at kasamaan nila. At higit sa lahat parehas din ang hilig nila. Ito ay ang pagmasdan ang panghuhusga at paguusisa ng mga tao sa kanilang dalawa. Nag eenjoy silang paglaruan ang mga taong di nakakaalam ng katotohanan sa lahat ng drama nila. Ngunit may mga bilang din naman na tao na kakaalam kung ano talaga sila at yun ay ang mga kani kanila nilang mga kaibigan.

BINABASA MO ANG
The Peculiar Life of Triplets
Ficção AdolescenteAng storya tungkol sa gawa gawang storya ng dalawang kambal at sa kambal nila pati na rin sa nakakalaam ng storya nilang kambal.. gets niyo ba? Ako hindi eh. Pakibasa nalang ha baka sakaling maliwanagan tayo eh