1st CHAPTER

9 0 0
                                    

                             PART 1

MIYERKULES nang araw na iyon kaya makikita na naman si Jessy si Jemo, ang crush niya. Every Monday and Wednesday niya lang ito nakikita dahil sa same subjects nila. 2 years na niya atang crush ito at ni minsan hindi na ito tumingan sa ibang lalaki.

"Ang happy mo naman ata, Jessy" puna ni Misha, ang bessy at classmate niya. Naka upo sila sa isang wooden bench sa harap ng building kung saan ang class nila para sa unang subject nila.

"Hmm anong day ba ngayon?" tanong naman ni Agatha.

"Wednesday," sagot ni Janine habang nag re-review sa major subject niya.

"Ah! Kaya.. Kaya masama ang lola nyo..," ani Agatha.

Alam ng mga ito na crush niya si Jemo. 4 years na ang friendship nila and lahat ng mga secrets nila ay sinasabe nila sa isa't-isa kaya hindi nakapagtatakang alam nila kung sino ang crush niya.

"Ihanda mo na yang Notebook mo," sabi Janine. May hawak itong sketch pad. Mahilig kasi mag drawing yan kahit saang lugar sila.

"Oo nga," pasigunda ni Misha. "Kaya mag sulat ka lang ng mag-sulat ng notad ah? Para naman more more moment nyo ng baby mo...,"

"Luh! Mga baliw!" Kung sabagay, gaon nga ang gawain niya. Hindi niya alam kung bakit ganun kalakas ang tama niya sa guy na yon. Hmm siguro na gayuma siya? I don't think na kaialngan ni Jemo ang gayuma para lang mang akit ng mga babae.

Bago pa mag 8:00 ay nag lalakad na sila sa building na nasa harapan nila. Syempre mag start na ang class nila. Si Misha lang ang classmate niya sa subject na yon. Yunh dalawa naman ay sa ibang classroom
Mag ca-class.

Ni-ready niya na ang kaniyamg bag and folder. Props niya kasi yun para maka tabi niya si Jemo. Umupo siya sa pinaka dulong row, then nilagay niya ang bag at folder sa katabing upuan nito para pag dumating si Jemo ay may istant upuan na ito. Na madalas ay late.

"Miss, may naka upo ba dito?" Narinig niya mula sa isang matangkad na lalaki. Ngayon lang niya 'to nakita. Siguro galing to sa ibang course. Mahilig kasi si Ma'am Alban na pag sama-samahin ang mga tinuturuan nito kaya madalas ay iba-ibang mukha at course ang nakikuta niya na hawak ng prof nila. Very Considerate naman kasi yang prof nila, kaya kahit mag absent ka sinasabay niya sa iba para hindi mahuli sa lesson nila.

"Meron eh, sorry ah?" sabi niya sa lalaki.

Nag smile lang ito at pumunta na sa unahan dahil may nakita siyang bakanteng upuan doon. Ini-reserved niya na iyon para kay Jemo.

"Ang bad mo teh! Walan namang naka upo diyan haha" sabi ni Misha na nasa kanan niya lang.

"Eh! Alam mo namang modus yun para may maupuan si Baby Jemo ko,"

Mayamaya lang ay may isang lalaki ang pumasok sa classroom nila. Like her, natulala ang mga babae sa loob ng classroom nila. Dumating na kasi ang kanina pa niyang inaantay--- si Jemo. At tulad nga ng laging nangyayare ay lumapit ito sa tabi niya.

"Jes may naka upo na ba dito?" Tanong ni Jemo ng makalapit sa kaniya. Ang upuang sa kaliwa niya ang tinutukoy nito.

"Wala," malambing na sagot niya sabay sweet smile. Umupo na ito sa tabi niya. Makatabi lang niya ito ay happy na siya. Lalo siyang nagiging masaya kapag nag didikit yung mga balat nila. Sinisnghot-singhot niya ang nakkaa akit na amoy nito. Yun lang ay masaya na siya. Ganyn siya ka babaw pag dating kay Jemo.

Nang dumating si Mrs. Alaban ay tinigil na niya ang pagpapantasya niya rito.

Kahit naman baliw na baliw siya sa lalaki ay hindi niya parin pinapabayaan yung studies niya. Maya-maya na niya ito ulit pag papantasyahan pag tapos na yung klase.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRUE LOVE WAITSWhere stories live. Discover now