"Mommy, Daddy I don't want to marry him! Please! Ayaw ko pang magpakasal!" mariin kong sabi sa harap ng mga magulang ko.
Nandito kami ngayon sa study. Dito kami dumiretso pagkatapos ng Dinner namin sa pamilya Lim.
Napahilot ng ulo si Mommy sa sinabi ko. Lumapit sya sakin at niyugyog ako sa balikat.
"Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo Xiamara Adeline? Adrian is the perfect guy for you! Gwapo sya, matalino at higit sa lahat mayaman!" sigaw ni Mommy.
Mayaman. Ganoon naman talaga yun para kina Mommy. Wala silang ibang inisip kundi ang karangyaan at pera. Kung paano nila mas mapapaunlad ang negosyo namin at kung paano mas tataas ang rangko ng pamilya namin sa alta sosyudad.
"My, ayaw ko po sa kanya. Hindi sya mabait. Nananakit sya."
"bakit nasaktan kana ba nya?" tanong sakin ulit ni Mommy.
Natigilan ako. Hindi pa ako napagbuhatan ng kamay ni Adrian pero ganoon sya sa ibang tao. Mga taong walang masamang ginawa kundi makipagkaibigan sakin. Sya ang dahilan kung bakit wala akong naging totoong kaibigan sa school. Kahit babae takot lumapit sakin dahil kay Adrian.
"Oh hindi ka nakasagot! Bakit ka gumagawa pa ng kwento para siraan si Adrian samin. Ganoon kana ba ka desperada Xiamara?" may talim na tanong ni Mommy sakin. Si Daddy naman ay umiinom lang ng brandy habang nakamasid samin ni Mommy na nagtatalo.
Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay unti unti ng umalpas sa aking mga mata. Mga magulang ko ba talaga sila? Bakit ganito sila sakin. Dapat ako ang kinakampihan nila. Ako ang anak nila at hindi si Adrian!
"Y-You promised me that Y-You would let me do what I want once I finish my studies." nauutal kong sabi dahil sa mga luhang hindi ko na napigilan.
"You can still do what you want when you got Married to Adrian."
No I can't be free. Sigurado akong ikukulong rin ako ni Adrian sa bahay kapag ikinasal na kami. He will never let me go.
"but Mom I-"
"Thats enough. The decision is final Xiamara. You will marry Adrian." putol ni Daddy sa sasabihin ko.
Napalunok ako. Minsan lang magsalita si Daddy at kung ano ang sinabi nya ay yun ang nagiging batas. When he said No it's a No. And no matter what you do you can never change his answer.
Napaupo naman si Mommy sa isang couch at nagsalin din ng maiinom.tila stress na stress syang nakatitig lang sa aking umiiyak.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko ng bigla ko silang talikuran at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Niyakap ko agad ang malaking teddy bear na Bigay nila noong 14th birthday ko.
Why my life is this miserable? All my life ang tanging hiniling ko lang ay ang kalayaan at pagmamahal ng mga magulang ko pero kahit isa wala akong nakuha. I am a perfect Daughter. Perfect sa mata ng mga Amigas ni Mommy, perfect sa mga mata ng mga prof at estudyante sa school At perfect sa mata ng mga kasosyo ni Daddy. Wala pa akong nagawa para ikahiya nila ako pero kahit anong gawin ko ay hindi parin nila akong kayang mahalin.
Yes! They showered me with money and expensive gifts but its not enough.
Naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob sa mga magulang ko. Hindi ko naman sila kayang sigawan dahil mahal ko sila at mga magulang ko sila. Ngayon lang ako humiling sa kanila ng isang bagay na makakapagpasaya sakin pero hindi nila maibigay. Ganoon ba yun kahirap? Ang maging malaya?
How I wish I could escape this situation.
Bigla akong natigilan sa naiisip ko. Nagtatalo ang isip at puso kung tama ba ang mga planong namumuo sa aking isipan.