Madilim ang paligid. Nakakatakot. Tanging pag iyak ng isang batang babae lamang ang maririnig sa paligid.
Nagtaka ako kung bakit ako nadoon. Nasa gitna ng isang madilim at masukal na gubat kasama ang batang ito. Nakayuko ang batang babae na nasa harapan ko. Nakapony tail ang mahaba nitong buhok na may ribbons at nakasuot ito ng kulay pink na damit. Nasa siyam o sampung taong gulang na marahil ang bata ngunit hindi ko masiguro dahil hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa pagkakayuko.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang bata. Binalak kong lapitan ito para aluin ngunit natatakot ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Habang palapit sa bata ay mas kumakabog ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit. Nang malapit na ako sa kinatatayuan ng bata ay may biglang sumulpot na mas batang lalaki sa harapan ko. Nasigurado kong bata pa ito dahil mas maliit ito kaysa sa batang babae. Siguro ay nasa pito hanggang walong taong gulang lang ang bata.
Bakit ang daming batang naliligaw ngayon sa gubat? Anong meron? Tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko din maaninag ang mukha ng batang lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.
"Bakit ka nandito sa gubat? Nawawala kaba? Hindi mo ba alam na dilikado dito kapag gabi? " tanong ng batang lalaki habang sinisipat ng mabuti ang batang babae.
"H-hindi ako n-nawawala. May m-mga kumuha sakin at ang s-salabahe nila. " sagot ng batang babae habang nakayuko pa rin at umiiyak sa mga palad nya.
"Mga taong salbahe? " nagtatakang tanong din ng batang lalaki.
Tumango tango lang ang batang babae.
"Gusto mo bang sumama sakin? Dadalhin kita sa bahay ko. Mas ligtas ka dun wag kang mag-alala. "
"Ayaw ko. Sabi ni Mommy wag akong sasama sa mga hindi ko friends. Hindi naman tayo friends eh!" matapang na sabi ng batang babae.
Napangiwi ako. Ikaw na ngang tinungan choosy kapa. Bulong ko sa sarili ko ulit.
"Edi bahala ka dyan! Bahala ka kung may aswang na lumabas dito mamaya at kainin ka. " mahinahong sabi ng batang lalaki at nagsimula ng maglakad palayo.
Mabilis namang nahawakan ng batang babae ang damit ng batang lalaki.
"Sandali lang. " bakas ang takot sa boses ng batang babae ng magsalita sya.
Nang iaangat na sana ng batang babae ang mukha nya ay biglang nagdilim ang paligid. Biglang napunta ang eksena sa ibang parte ng gubat. Tumatakbo ang batang babae na nakapony tail ang buhok sa gitna ng ulan.
Tila may tinatakbuhang kung ano.
Mayamaya pa ay maririnig ang bakas ng ilang taong humahabol sa bata. Nakaitim silang lahat at halatang hindi gagawa ng mabuti.Bakit nila hinahabol ang wlang kamuwangmuwang na bata? Nasaan na ang batang lalaki kanina?
Tumakbo ako para maabutan ang bata at matulungan ito. Pero ng makarating ako ay nakita ko ang batang nakatayo sa gilid ng bangin habang napapalibutan ng mga lalaking tila masasamang loob.
"Pinahirapan mo kaming bata ka ha. Lagot ka samin ngayon. " galit na sabi ng lalaking may pilat sa mukha.
Lalapitan ko na sana sila ng marinig ko ang pagsigaw ng batang babae na hindi ko naman narinig ng maigi dahil kasabay ng pagsigaw nya ay ang isang napakalakas na kulog at kidlat. Panandaliang lumiwanag ang buong paligid pagkatapos noon ay bumuhos ang malakas na ulan.
Dumilim muli ang paligid at pagmulat ko ng mga mata ko ay puro dugo lamang ang makikita ko at ang nakahandusay na katawan ng mga lalaking humahabol kanina sa bata.
Napabalikwas ako ng bangon. Hapong hapo akong napahawak sa dibdib ko. Napakalakas ng pagtibok ng puso ko.
"Anong klaseng panaginip ba yun?" tanong ko sa sarili habang pinapakiramdaman pa din ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ngayon palang ako nagkaroon ng ganoong klaseng panaginip. Para iyong isang napakasamang bangungot.
Mabilis akong bumangon at uminom ng malamig na tubig para makalma ang sarili ko.
Binuksan ko na din ang bintana ng kwarto para pumasok ang preskong hangin.
Malalim akong napabuga ng hangin at pinagmasdan ang napakagandang paligid. Alas sais pa lang ng umaga at papasikat palang ang araw. Naalala kong muli ang lalaking tumulong sakin kahapon. Gising na din kaya sya ngayon? Bigla akong napailing ako sa naisip. Nasisiraan na ata ako ng bait. Nag-aalala ako pati sa taong hindi ko naman kilala ng lubusan.
"May gusto ka kasi kaya ka interisadong. Malaman." bulong ng isipan ko. Napailing ako ulit.
"Gutom na siguro ako. Kung ano ano na kasing pumapasok sa isipan ko. Makapagluto na nga ng breakfast."
Tatalikod na sana ako ng biglang may mahagilap na anino ang mga mata ko. Binalik ko ang paningin sa nakitang anino at laking gulat ko ng biglang lumabas sa isang malaking puno ang isang lalaki. Hindi lang basta lalaki kundi ang lalaking nakita ko mismo kahapon ang lalaking nakatayo malapit sa malaking puno ng akasya.
Nakasuot sya ng shirt na kulay puti at nakajogging pants. Pawisan na sya at dahil doon ay bumakat lalo ang suot nyang shirt sa dibdib nya. Bakat na bakat din sa suot nyang pants kanyang mga hita at binti.
Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinagmamasdan ang lalaki. Nataohan lang ako ng nakatayo na ito mismo sa harap ng bakod ng bungalow.
Napakurap kurap sya ng makitang nakatingin din ito sa kanya.
"H-Hi! Good Morning!" bati ko dito.
Tumango lang ito sa akin at pinagmasdan akong maagi.
" Sa tingin ko kailangan mo ng magbihis. " sabi nito sa kanya na pinagtaka nya.
Magbihis? Bakit? Saan naman ako pupunta? Niyaya nya ba akong magdate?
Halata marahil ang pagkalito sa mukha ko kung kaya tinitigan nya ako ng mabuti at sabay baba ng tingin nya sa...
Dibdib ko?
Kunot noo kong sinundan ang tingin nya at ng mapagtanto ko kung ano yun nanlaki bigla ang mga mata ko.
"Sh*t!" bulong ko sabay sara ng bintana.
Kahit nakasarado na ang bintana ay dinig ko pa rin ang malutong nyang tawa.
Ang init ng mga pisnge ko. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili kong mapahiya sa harap ng lalaking hindi ko pa nga alam ang pangalan. At first time itong nangyari sa buong buhay ko. All my life hindi ako napahiya ng ganito.
Napayakap ako bigla sa sarili ko ng maalala ang naging reaksyon nya. Paano pa ako haharap sa kanya nito?
Hindi pa nga kami magakakilala napahiya na ako."Bahala na!!!" naiinis kong sigaw habang tumatakbo sa banyo para makaligo at ng mahimasmasan ako kahit papaano.