“Bruh! Alam mo na ba?” bungad sa 'kin ng bruha kong klasmeyt na si Rya.
“Ano na naman ba yun?” naiiritang sagot ko habang ibinababa ang bag kong Herschel. Di naman sa pagmamayabang pero Class A yun, P325.00 isa.“Sinagot na ni Aiana si Alaine, Bruh! Sila na! Bruh! Sila na!” sagot n'yang nanggigigil. Inirapan pa ang iba naming kaklase na botong-boto sa tambalang Aiana at Alaine.
“Yea. I heard it already.”
Paano ko ba namang hindi malalaman, eh halos yun ang naririnig ko sa hallway.“Okay ka lang ba? Abangan na ba natin sila mamaya sa gate? Sabihin mo lang at magtatawag ako ng resbak! Walanghiya 'yang Alaine na ‘yan! Hindi porque Fenischel s'ya ay may karapatan na s'yang saktan lahat ng babae! Kapag yun talaga nakita ko, nak– ng tupa!” binatukan ko na nang manahimik si bruha.
“Ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman ako masasaktan?” litong tanong ko sa kanya. Pasado alas syete na wala pa rin ang yummy naming teacher.
“H-ha? ‘Di ba crush mo yun si Fenishel? Hindi ka man lang ba nasaktan?”
Gwapo naman si Alaine. Matangos pa. At may 6-pack abs! Nagmamay-ari rin ng ilang restaurant sa bayan ang pamilya nila. At ng puso ko. Err.
“Nah. Marami pang gwapo d’yan. At bagay naman din naman sila. Ya'know tall, dark, and handsome meets the goddess,” nakangiti kong tugon kay Rya. Konti na lang mapupunit na ‘tong plastik kong magandang labi.
“Sorry to say this ha pero ang plastik mo, Bruh,” may pagtapik pa sa balikat ko si Bruha.
“Wala naman ‘ata si Baby Yummy. Tara ikot muna tayo ng campus. Baka makita ko na ang aking poreber emegesh” Bukod sa bruha ay pabebe rin itong si Tonya. At walang makakapigil sa kanya.
Patuloy kami sa paglakakad hanggang sa makarating kami sa freedom wall. Ito yung pader na hindi nagrereklamo kahit nasasaktan na s'ya. Kahit walang nagpapayong sa kanya sa ilalim ng malakas na ulan, nakatayo pa rin s'ya; naghihintay ng taong nasasaktan at sasaktan s'ya.
“Pwede mo ng palitan ‘yan si Pader wall, Ems,” sambit ni Bruha with teary eyes pa. Konti na lang talaga pwede n'ya ng palitan si Kathryn sa Barcelona.
“I'm not as strong as that wall, Rya. I can't be that wall,” sagot ko naman with paawa effect. Mas magaling pala akong umarte kay Bruha. Kaya ko ng palitan si Liza Soberano sa puso ni Quen. Omg.
“Emsi! Emsiiii!” pasigaw na tawag mula sa kabilang direksyon.
Pamilyar ang boses pero di ko naman makita kung sino.“Maria Consuelo Del Rosario!”
Ang seksi talaga pakinggan ng pangalan ko. Lalo na kapag si Alaine ang tumatawag. Lalo na 'ko, mas sexy ako sa pangalan ko.“T-teka. Alaine?” pabulong na sabi ni Tonya.
Hala. Nababasa ba ni bruha ang nasa isip ko? Mukha lang naman s'yang bruha pero hindi naman s'ya mangkukulam.“Si Alaine nga, Bruh!” sigaw ni Tonya na halos makita ko na ang uvula sa tili n'ya.
“Hoy Antonia Guerrero! Respeto naman sa nagmomove–o–” maang akong napatingin sa direksyon ng mata ni Tonya nang makita ko ang Enrique Gil ng buhay ko.Pawis na pawis na huminto si Alaine sa pagtakbo habang hinahabol ang hininga. Buti pa yung hininga hinahabol habang ako hindi naman tumatakbo pero hindi pa rin hinahabol.
“Oh Alaine, bakit andito ka?” tanong ko habang pinipigilang punasan ang mga butil ng pawis sa mukha n'ya. Ang hot n'ya na naman! Ano ba tadhana, bastos ka rin minsan, eh. Kita mong nagmomove-on ang tao.
“Pwede ka ba mamaya?” tanong n'ya habang ipinapakita ang mala-perlas n'yang ngipin.
“Hala! 'Di ba kayo na ni Aiana? Bakit mo pa niyayayang makipagdate si MC?” tangang tanong ni Rya. Konti na lang friendship over na kami nito.
“No. It's not a date. I just want her to meet my girlfriend. Naikwento ko kasing magkababata kami nito ni MC kaya gusto n'yang makilala s'ya. Mamaya sanang 7pm, Ems?” may pakikiusap na sabi ni Alaine.
Pa'no ko naman hihindian 'to, eh ang landi ng mga mata. Tadhana talaga, malilintikan ka sa 'kin. At oo nga pala, magkaibigan na kami ni Alaine since Grade 3. Nakalaban ko kasi s'ya sa Badminton at ako lang daw ang nakatalo sa kanya. Well, di lang naman ako maganda 'no.
“Yea. Sure. Text mo na lang ako kung saan. At libre mo naman, 'di ba?” parang gusto kong masamid sa kaplastikan ko. Ang hirap naman kasi, eh.
“Ofcourse. Hanggang ngayon pala matakaw ka pa rin,” medyo natatawa n'yang sagot.
"See you there, Ate!”
Aba! Ano daw? Medyo tumangkad lang s'ya sa 'kin ng kaunti, ate na agad?
“Number sign atezoned," biglang singit ni Bruha. Andito pa pala 'to. Pero walangya atezoned nga!
YOU ARE READING
It Could Have Been Us
General FictionA story of a protagonist but end up an antagonist.