Matapos ang medyo masakit na pangyayaring 'yon, nagpatuloy ako sa buhay. Syempre naman 'no.
Ang tunay na maganda hindi basta-basta nagpapadala sa bulag na gwapo, mabait at matipunong lalaki.
Kakatapos ko lang magbihis para sa pagkikita namin nang may natanggap akong text galing sa bulag na gwapo, mabait, at matipunong lalaki.
"Naku naman talaga, self. Wag kang hindot. Hindi ikaw ang gusto n'yan. Pero baka naman kaya n'ya ipapakilala sa akin ang girlfriend n'ya ay dahil gusto n'ya 'ko magselos. At ang totoo ay ako talaga ang gusto n'ya. Ah, tanga! Sige umasa ka pa."
Nababaliw na 'ata ako. Ayoko ng kausapin ang sarili ko baka biglang sumagot, walangya. Creepy.
"SMB, ground floor. At Greenwich. Thank you sa pagpayag, Ems. You're the best!"
Ako na pala ang best eh bakit tumingin ka pa sa iba? Bakit, Alaine?! Hay.
"Sure. No worries," sagot ko naman.
"Sorry, ha. Di na kita masusundo, susunduin ko pa kasi si Aiana tapos magkaibang way ang bahay nyo. Babawi ako promise. See you."
Kaya ko namang pumunta mag-isa pero di ko alam na medyo masakit din pala kahit maliliit na bagay pa lang ang nagbabago. Dati-rati hindi pwedeng hindi n'ya ko susunduin sa bahay dahil gusto n'ya 'ko kausap lagi sa b'yahe. Siguro nga mas masaya na s'ya kausap ngayon si Aiana. Ganun naman talaga dapat, ano bang pag-iinarte 'to.
"It's okay. You know I'm a beautiful strong independent woman. I can handle."
Nasa loob na ako ng mall nang makita ko silang magkatabing nakaupo sa paborito kong kainan. Kung di ko sila kilala, kikiligin ako sa kanila. Pareho silang may ngiti sa labi habang nag-uusap na para bang walang ibang tao sa paligid.
Parang gusto kong umatras pero huli na dahil nakita na ako ni Alaine at kumaway na ito sa akin.
"Hi, Ems. Halika dito, umorder na tayo. Ito talaga ang pinili namin dahil alam kong paborito mo dito," pagkasabi no'n ay pinaghila n'ya ako ng upuan.
"Thank you. Oh, hi lover. Alaine's frenemy. You can just call me MC," paunang bati ko kay Aiana at nilahad ko naman ang kamay ko.
"Hi. Aiana but you can just call me Aia. Nice to meet you, MC." Inabot n'ya ang kamay ko at ngumiti.
"Likewise," sagot ko na lang at ngumiti na rin.
Nasundan na ng katahimikan at pag-order ng pagkain ang pagpapakilala namin. At paminsan-minsan ay sinusubuan ni Alaine si Aiana. Napapanisan ako ng laway, ha. At medyo masakit sa mata.
"How are you two? Alam na ba 'to ni tita, Alaine?" tanong ko.
"Not yet but we're getting there. Bago pa lang din naman kami. And we're taking it slow di ba, Love?" sagot n'ya sabay ngiti kay Aiana. Tumango naman si Aiana at ngumiti rin.
"Ikaw, how's life? Balita ko umaaligid sayo si Zion, ah," panchichismis ni Alaine at bigla namang napatingin sa akin si Aiana.
"I'm doing good. At so far nakatatlong reject na ako kay Zion," bored kong sagot.
Nakita ko naman silang nakatingin lang sa akin lalo na si Aiana na parang gulat na gulat.
"At hindi ka pa rin n'ya tinitigilan hanggang ngayon? I mean Zion doesn't take No for an answer," gulat din na tanong ni Alaine.
"And I don't take him as the answer to my prayer. He's handsome, yes. But I feel like I'm too beautiful for a playboy," pagbibiro ko sa kanilang dalawa. Dahil bakit ba kasi sa akin napunta ang usapan?
"That's the confidence!" Tawa naman nang tawa si Alaine habang sinasabi 'yon.
"Oy, Aia, magsalita ka naman. Hala, mapapanisan ka ng laway dyan. Sa College of Nursing ka, diba? Anong year ka na?" Napansin ko kasing kanina pa tahimik itong si Aiana at pangiti-ngiti lang.
"Yes. And this is my second year in Nursing. It's my second course actually. I shifted from Engineering to Nursing," sagot n'ya naman.
"Bakit naman? I mean, Engineering is a great path. Ganun di naman ang nursing. Pero kung ako, engineering pa rin," pangiti-ngiti kong sabi.
"Yea it's a great path but I don't see myself doing those works. And I've always loved Science and medicine. Maybe this will be my pre-med," sagot n'ya naman.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan tungkol sa courses namin nang bigla namang nagyaya si Alaine na mag-arcade.
"Pasensya na ha. Di ko na kayo masasamahan sa arcade, may pupuntahan pa kasi ako. Magdate na lang kayo," tanggi ko kay Alaine. Di ko na kasi kaya talaga makita sila. Kanina pa sila magkahawak-kamay at paminsan-minsan nagbubulungan. Nagmumukha na akong kabet sa ginagawa nila.
"Sayang naman. Favorite mo yun di ba? Saan ka ba pupunta?" Paawa effect naman 'tong gwapong lalaki dito.
"May pupuntahan kami ng mga group mates ko para sa project namin. Pasensya na talag. Sige na, mag-enjoy na kayo," pagdadahilan ko sa kanya at umakto naman akong nagmamadali na.
Paalis na ako ng mall nang makita ko si Zion na nakaupo lang sa labas na upuan ng isang kainan at parang may tinitignan sa malayo. Tatawagin ko na sana s'ya nang mapagtanto ko kung saan s'ya nakatingin.

YOU ARE READING
It Could Have Been Us
General FictionA story of a protagonist but end up an antagonist.