1. Missing

260 3 0
                                    

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at napakunot ng noo ng makitang napapalibutan ako ng mga di pamilyar na tao. What the hell?! Hindi kaya kinukulto na nila ako?

Nakatitig lang sila saakin na parang pinag aaralan ako. Spell Creepy? THEM. Umupo ako kaya napa usog sila.

"She's awake !."

"Halaa ! Gising na nga siya !! Gumalaw siya. "

"What's your name?"

"Bat ka nandito?!"

"Nawawala ka ba?"

"O baka naman nahimatay ka lang sa gitna ng rainforest? Pwede ka ng umuwi sainyo"

"Hey you're so mean !!"

"Okay ka na ba?"

"Tama naman si shawn "

"Youre not helping Frizzle!"

"Pipe ka ba girl? Bat di ka nagsasalita?!"

Wala akong masabi sa kanila dahil bukod sa tinatamad akong sagutin ang NAPAKA rami nilang tanong ay hindi ko rin alam ang isasagot ko kasi wala akong maalala.

"Manahimik muna kayo , baka natrauma siya o something"

Nanahimik naman sila sa sinabi ng lalaking naka all black , anong drama nito? Naka black v-neck shirt siya tas black pants at converse.

"Lumbas muna kayo , ako na ang kakausap sa kanya"

Muli niyang wika , nagkibit balikat ang isang lalaki na mukhang rocker at naglakad paalis.

"Whatever !"

Sumunod yung babaeng may pagka maarte.

"Arasso"

Nakangiting saad ng babaeng koreana na siyang huling lumabas. Ngayon , kaming dalawa nalang ang natitira dito sa loob. Kumuha ng silya ang lalaki at umupo sa tapat ko.

Kung titignan mo ang mukha niya , masasabi mong may itsura siya. Malamang kasi tao siya. Sakto lang ang puti niya at makinis ang balat. Lahat naman sila kanina makinis ang balat eh. Sa tingin ko rin ay magkakasing edad lang kami. Ang pinaka kapansin pansin sa kanya ay yung makapal na kilay niya na perfect ang hulma. Nagpapaayos kaya siya ng kilay? Pero hindi mukhang natural eh.

"I'm Triton Duke , ako yung nakakita sayo sa Rainforest na walang malay at nagdala sayo dito sa apartment naming magkakaibigan."

Mukha naman siya mapagkakatiwalaan.

"Mukha namang hindi ka nandoon para magjogging dahil sa pananamit mo"

Napatingin din ako sa suot ko. Naka sleeveless white floral dress ako tho di naman siya masyadong mabulaklak yung tipong mukha na akong garden tsaka nude na heels. Di nga ako mukhang magjojogging.

Ano nga bang ginagawa ko sa rainforest na yun?

"Bago ka lang ba dito? Nawawala ka ba?"

Umiwas ako ng tingin at pilit na inaalala ang mga pangyayari pero ni isa walang pumapasok sa isip ko. Geez ! This is frustraaatingg ! BAKIT HINDI KO ALAM KUNG SINO AKOO!!

"Miss?"

Muli akong napatingin sa lalaki , na mukhang nag aantay ng sagot ko. Napayuko ako at napakagat sa labi

"Hindi ko alam"

"Ha? Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko hindi ko alam ! Wala akong matandaan!"

Inis kong sabi sa kanya . Saglit niya akong tinignan at nagcrossed arms.

"Kahit pangalan mo? O kahit anong bagay tungkol sayo wala ka talagang maalala?"

3 hoursWhere stories live. Discover now