Chapter 1-Welcome to Hellion University
Xav's POV
"Oh my god!" Sigaw ko nang matipalok ako sa ugat ng isang puno."Ugh!"
"Lampa mo naman Xav!" Insulto naman sa akin ni Evan.
Inirapan ko na lang siya bago tumayo ulit at pumunta sa iba pa naming kasama, habang kinakamot ang aking binti na nadumihan ng putik. Bakit ba naman kase nag-shorts pa ako? Bago ngayon yung rubber shoes ko may putik na.
Halos magda-dalawang oras na kaming naglalakad dito sa gubat na 'to. May nakita kaseng mapa ang isa kong kaibigan na si Lia na papunta sa lugar na ang tawag ay 'Hellion University'. At dahil mahilig kaming barkada sa adventure, naisipan naming puntahan ang lugar na tinuturo ng mapa.
"Ito na ba 'yon?" Sambit ni Gab habang hawak-hawak ang mapang kinuha niya kanina kay Lia. Nakatingin siya sa isang napakalaking gate na may nakasulat na 'Hellion University'.
Isn't it obvious Gab?
Napakalaki ng gate na 'to na mismong kinakalawang na ang ibang parte nito. Mapapansin mo din na sobrang luma na din nito.
"I think so." Ani ni Nate na pumunta pa sa tabi ni Gab.
"Wala naman atang tao dito eh." Sabi ni Cal habang pinagmamasdan ito.
"Anong ginagawa nyo ri'to?!" Sigaw sa amin ng isang matandang paugod-ugod na ikinagulat namin.
Mapayat na at napakahaba na ng balbas nito. May hawak din itong tungkod na gawa sa kahoy. Napakarumi at napakaluma na din ng damit nito.
"Tanda naman oh! Wag ka namang mangulat nang ganyan!" Saway ni Cal matanda. Abnormal kase siya.
"Gumalang ka sa nakakatanda sa'yo!" Saway din ng matanda kay Cal sabay hampas ng tungkod sa pisngi ni Cal.
Napa-angal naman si Cal sa ginawa sa kaniya ng matanda habang hawak-hawak ang kanyang pisngi.
"Tsk. Walang modong bata!" Bulong ng matanda na sapat lang para marinig namin. " Ano bang ginagawa niyo rito, mga bata?" Tanong nito ng may magalang na tono.
"Ito po ba ang Hellion University? Gusto po kase naming mag-enroll."Sabi ni Evan sa matanda na ikinahalakhak naman nito.
"Bakit kayo natawa?" Tanong ko naman sa matanda.
Wala namang nakakatawa sa sinabi ni Evan ah. Baka naman baliw na tong matandang to.
" Enroll? Gusto nyong mag-aral sa loob ng impyerno?!" Sambit ng matanda habang halakhak ng halakhak. "Kung ako sa inyong mga bata kayo eh kanina pa akong umalis. Impyerno ang loob nyan!" Dagdag pa habang itinuturo ang gate ng Hellion University.
Confirmed. Baliw si tanda.
"Ano bang ibig nyong sabihin?" Iritadong tanong ko sa kanya.
"Umalis na kayo dito! Baka mahuli pa nya kayo!" Sigaw ng matanda sa amin.
Nakakairita na sya. Bago ang creepy pa niya. Ugh! I hate this old man!