" Two hundred Fithy-seven?!"
Naku pano nato? Anong mararating ko sa Two hundred Fifty-seven? Baka naman wala pang isang linggo deadbol na ko! . Wala na nga kong bahay, wala pa kong pera. San na ko pupulutin nito?Kung buhay pa siguro sila mama, edi sana wala ko sa ganitong sitwasyon.
Bata palang ako ng mamatay ang mama, Car Accident. Ang papa naman, wala kong balita basta ang alam ko nag sa kabilang bahay na at iniwan kami ni mama noong sanggol palang ako .
Noong mawala si mama sila autie na ang nag alaga sakin . Sya ang kaisa-isang kapatid ni mama kaya sa puder nila ako napunta dahil wala naman ako ibang kamag-anak na kakilala bukod sa kanila . labag sa kalooban ng Auntie ng kopkopin niya ako noon .
"Pag tungtung mo ng Dise-otso Bahala kana sa buhay mo!"At tinupad nga ni Auntie ang sinabi nya noon , pinalayas nya ko . Noong una hindi pumayag ang asawa nyang si Uncle Jun. Mag kaibang magkaiba sila ng Tyahin ko , Kung hindi sa kanya baka hindi ako makakatungtong ng Grade.11
Kung nandoon lang siguro sya kanina nang pinalayas ako ni Auntie baka mag away pa yun silang mag asawa . Eh kaso wala ang Uncle nasa Bicol. Family driver kasi ang Uncle at May roong Outing ang pamilyang pinag tatrabahuan nya at sa Bicol nila gustong mag summer. Dalawang linggong wala si ang Uncle sa bahay. Mahal na mahal ako ng Auncle ko kahit na hindi naman kami mag kadugo . Lagi nya kong pinag tatanggol kay Auntie kapag binubungangaan nya ko .*Brrrr~~ *
Hayy. Gutom na ko nanghihinayang naman akong gastusin ang pera ko , napaka takaw ko pa naman kumain baka isang kainan lang tong pera ko . Si Auntie naman kasi eh 300 lang ang binigay sakin.
"La, pabili nga ho biscuite"
Biscuite biscuite lang mona ang kakainin ko hanggat hindi pa ako nakakahanap ng trabaho."Eto ba ineng?"
"Oho! Yaan ho, mag kano ho ang isa?""Sais lang"
"Pabili na rin ho ng Ice water"
"Tag Dos ineng"
"Dos?! Ehh. Lola pwede po bang makihingi nalang ng tubig ? Eh nag titipid po kasi ako.ngaun dahil nag hahanap pa ho ako ng trabahong.mapapasukan"
"Ay ganun ba? Abay nakakaawa naman .Hala sige pag dadalhan kita ng maiinom" sabay alis nito .
Yes! Buti nalang mabait si Lola at naawa sakin .
"etong tubig at etong pag kain pag pasensyahan mo na ang ulam pero masarap yang paksiw ko. "
"Naku La! nag abala pa ho kayo , pero di ko napo tatanggihan to .. Ehh gutom na po talaga ko eh . "
"haha sige kain lang at sana makahanap kana ng trabaho mo. Teka ano bang trabahong hinahanap mo? "
"Kahit ano ho, basta marangal" sagot ko habang ngumunguya ng binigay nyang pag-kain.
" Ay! Teka may tatawagan lang ako"
Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa at may kinausap dito.Habang may katawagan sya , nguaya naman ako ng nguya Ang sarap.kasi ng lutong paksiw ni Lola.
" May trabaho kana!!"
"Ho?" Alam kong april ngaun at nauuso nanaman yang April Fools , Ay aba! Si lola nakiki join sa trending !.
"Oo! Tinwagan ko kasi yung pamangkin ko eh noong nakaraang araw tumawag sakin at naikwento nga na nag hahanap yung amo nya ng bagong katulong. "
" Sige ho! Game ho ako!"
Lord salamat at kahit papaano eh binigyan nyo ko ng swerte ngaun araw na to ."Meron kabang NBI clearance? At Birthcertificate ? "
"Meron po akong birthcertifiate pero wala po akong NBI Clearance"
"Ay sige tutulungan kita "
"talaga po?! Maraming salamat po La!"
Feeling ko tuloy, ako si Cinderella at sya ang Fairygodmother ko.
"Walang ano man yun! Basta siguraduhin mo lang na hindi ka mag papasaway dun at ako pa naman ang nag reto sayo "
"Naku wag po kayong mag alala! "
" Hayy.. Ewan ko ba at ang gaan ng loob ko sayo"
Pinatira ako ni Lola Irene sa bahay nila. Sya nalang pala ang mag isang naninirahan dito. Dahil may mga trabaho nga ang mga anak nya.
Tinupad nya nga ang pangako nyang tutlungan akong makapasok sa sinabi nyang trabaho.--------------
"La, Salamat po talaga. Basta po pag nakaluwag luwag na ko, babayaran kita "
Grabi ang naitulong nya sakin , kahit na wala pa kaming isang linggong nag kakilala."Naku wala yun! Ikaw talagang bataka . Hala sige pumasok.na tayo "
Pinindot na ni Lola yung doorbell ng bahay at nay.narinig kaming nag salita sa parang maliit ng speacker
"Sino ho sila?"
"Tyahin ako ni Lyan. Kasama ko yung mag aaply ng trabaho." Sagot naman ni Lola.
Mayamaya pa ay automatic na bumukas ang napakagandang gate at doon makikita mo ang napaka gandang mansion. Malayo sa kinatatayuan namin ang bahay. Ilang metro pa ang lalakarin bago ka makarating sa bahay , Mapapa mangha karin sa fountain na nasa pinaka sentro ng bahay parang The Heirs yung kila Park Shin Hye at Lee Min Hoo.
"Hoy!!Roche! Ihatid mo ang mga to sa loob. !" Sigaw ng guwardyang kausap ni Lola Irene noong nasa labas pa kami ng gate.
"Hoy! Allan! Wag mokong masigaw sigawan ah! Naku! Kung maka hoy ka!"
Ano ba to? Sa harap talaga namin nag bangayan?
Nag matapos silang mag away ng dahil sa 'Hoy' ay napansin nila kami at sinamahan na kami ni .. Sino nga ulit to?
"Ayan nandito na tayo! Umupo muna kayo at tatawagin ko lang si Señora"
" ahh salamat"
"naku walang ano man. Pasensya na nga pala kanina ah. Madalas talaga kami.mag away nung si Allan hehe. "
"ok lang"
"Ay! Teka.. Roche nga pala" sabay lahad nga ng palad na tila nag yayayang makipag kamay .
Nakipag kamay ako sa kanya "Cassy" pag papakilala ko at nag pakilala din si Lola.
"Good Luck Sayo Cassy ah. Sana mag tagal ka. Eh.. Walang tumatagal dyan kay Señorito eh ang pinaka matagal ay dalawang buwan pero ayun , gumive-up din "
Kinabahan naman ako sa sinabi nya. Eh anong anyo meron yang Señorito nila?
======
Anong say nyo? Ang Lame ?Do vote and Comment ^^<
@JeanJeanxN
![](https://img.wattpad.com/cover/103891797-288-k500457.jpg)