"Ok ,tanggap kana"
OMG! Tama ba yung narinig ko? Tanggap na ko? May trabaho na ko!!!!!! Hoo!
"Salamat po Señora" Sa sobrang saya ko na yakap si Señora Rovic nang walang pasabi.
"ay pasesya na po Señora, nadala lang po ng tuwa ..hehehe"
"OK lang. Kailan mo ba gustong mag umpisa? Kung gusto mo ngaun , pwede mo nang ilagay ang mga gamit mo sa room mo "
"Ah sige ho,kukunin ko lang ho yung gamit ko kila Lola"
Umuwi na kami ni Lola para makuha ang gamit ko at madala na sa bagong tinitirhan ko .
Ang saya ko ngaung araw, May trabaho na ko may matitirhan pa ko ng libre!
"Ano may nakalimutan ka pa ba?"
"Wala na po . La, salamat po talaga"
"Hay, ikaw talagang bata ka.Ilang bese mo na ba yang sinabe?"
Si Lola talaga, nag loloko pa .
"Sige alis na po ko La!"
Sumakaya na ko ng tricycle na mag dadala sakin sa mansion.
Pag kababa ko ng tricycle ay nag diretso na ako sa gate at pinidot ang doorbell.
Bumukas naman ang gate. Grabe, nakakamangha talaga ang bahay na ito.
"Hay Kuya Allan"
Bati ko sa guwardya ng bahay.Marami silang guwardya pero sya palang ang kilala ko.
"Hello! Cassy diba?"
Tumango naman ako dahilan ng pag sasangayon.
Dumiretso na ko sa bahay patungong sala, kung saan kami nag usap kani kanina labg ng bago kong amo.
"Nandito kana pala,kanina pa kita hinihintay"
Sumalubong sakin si Roche at hinatid ako patungong sala.
"Teka tatawagin ko lang si Señora"
At pumanhik na ito patungong kwarto ng Señora."Magandang hapon po"
Pag bati ko sa aking amo."Magandang hapon din, Jacky, Roche, ihatid nyo si Cassy sa bago nya kwarto"
Sinamahan ako nila Roche at Jacky sa aking bagong kwarto. Ang ganda ng kwarto Malaki laki ang espasyo at malinis. Mas maganda pa to kesa sa kwarto ko kila Auntie.Kwarto ba talaga ito nang katulong?
"Ang ganda diba?" -Jacky
"Itong kwarto ang pinaka magandang kwarto sa lahat ng maids room."Dungtong nya.
"Oh?bakit naman?"
"Aba syempre magiging P.A ka ni señorito, at yun naman ang pinaka mahirap na trabaho dito,kahit ako di ko gustong maging P.A nun" -Roche.
"Papaano naman naging mahirap yun? Mag aalaga ka lang naman ng bata, ganaano ba kakulit ang Señorito nyo?"
"Anong bata?akala mo ang aalagaab mo bata?" - Roche
At sabay silang nag tawanan.
Kung ganon matanda na pala yung Señorito nila?"19 na si Señorito Dane and take note, wala pang tumatagal na katulong dun ang pinaka mahaba ay Dalawang buwan." - Jacky.
"Halina nga kayo at bumalik na tayo sa sala"-Roche
Mag tatanong pa sana ako tungkol sa señorito nila pero gusto nang bumalik ni Roche sa sala.
"Mom! I already said no! Ilang beses ko ba dapat ulitin?"
===========
Sorry, late updatehope na nagustohan nyo, kahit medyo lame.
*pls do vote and comment*
