Chronus
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at kinusot upang lumiwanag ang aking paningin. Nang akong nakakakita na ng maayos ay may isang lalaki na nakalahad ang kanyang mga kamayna parang nais niya akong tulungang tumayo. Kung isasalarawan ko ang lalaking nasa aking harapan ay hindi ko Makita ang kanyang mukha dahil maliwanag lamang ito o mahahalintulad na malapit sa puti. Ang kanyang kasuotan ay gawa sa ginto mula ulo hanggang paa.
Inabot ko ang kanyang kamay at saka dahan dahan na tumayo. “ Bilisan mo at marami pa akong ituturo sa iyo bata.” Turan sa aking ng lalaki. Naglalakad kami sa isang pasilyo na puno ng mga gintong nagliliwanag na paru-paro. Sila’y nagsisiliparan na para bang hindi alam kung saan paparoon. “Huwag mong hahawakan ang mga Petalouda. Hindi sila makakapunta sa kanilang paroroonan kung sila’y iyong hahawakan.” Babala sa akin ng lalaki. Tinignan ko na lamang ang mga paru-paro at nagsimulang maglakad.
Nkarating kami sa dulo at may isang napakalaking pintuan na gawa sa ginto at hugis bilog na orasan. Inilapat niya ang kanyang mga kamay at nagliwanagang ginintuang pintuan at nagbukas ito ng kusa. Pagpasok naming sa loob ay isa itong napakalaking silid na ang tanging nagsisilbing liwanag lang ay ang mga ginintuang orasan na nagsisiliparansa buong silid. Mistulang parang mga alitaptap sa gabi sa sobrang dami. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita. “Sila ang mga kasama ko sa loob ng napakahabang panahon.”sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang mga ito. “Ano po sila?” usisa ko sa lalaki. “Sila ang mga Oreceros.” Ang mga Oreceros daw ay ang mga orasan ng buhay. Kapag ang Oreceros daw ay kulay ginto iyto at nagniningning ay malayo pa ang oras nito para mamatay. Kapa gang Oreceros naman ay kulay pula ay malapit nang lumisan sa mundong ibabaw ang may –ari nito na nasa lupa. Kapag ito’y nagging kulay itim ay simbolo na daw ito na ang may-ari ay mamatay na sa loob ng 1 minuto, ito din ay titigil sa paggalaw. Pagkatapos ng 40 araw ang Oreceros ay magiging isa itong nagliliwanag na paru-paro o Petalouda gaya ng mga nakita namin sa labas ng silid na ito.
Kaya naman daw may liwanag ang mga Petalouda ay para magsilbing liwanag at gabay sa mga kapwa Oreceros patungo sa kanilang pupuntahan at iyon ang Ouranos. “Bakit hindi pa umaalis ang mga Oreceros na nakita natin sa labas ng silid na ito?” muling usisa ko sa lalaki. “Hindi pa sapat ang liwanag na kanilang taglay kaya naghihintay pa sila ng mga kapwa Petalouda para ganap na may sapat silang liwanag patungong Ouranos.
Itinaas niya ang kanyang kamay at may Oreceros na lumapit at ito’y kulay pula.”Turuan kita.” Sabi niya sa akin habang nakalahad sa kanyang kamay ang kulay pulang Oreceros. Inutusan niya ako na hawakan ito, Dinikit ko lamang ang aking mga palad sa Oreceros at kusa na itong lumapit sa akin. Dama ko ang maligamgam na init nito na nagpapahiwatig na malapit nang mamatay ang may ari nitong Oreceros. “Hipan mo.” Sabi sa akin ng lalaki at sinunod ko ang kanyang utos. Dahan dahan akong nagihip ng hangin sa Oreceros at bigla na lamang kaming napadpad sa isang lugar at sa pagkakaalala ko ay isa itong ospital. “ Bakit tayo nandito?”” tanong ko sa lalaki. “Nandito tayo upang malamang mo kung ano ang dapat gawin at maari mong gawin sa mga Oreceros.” Muli ay kinuha niya ang Oreceros sa aking mga kamay.“HAPPPYY BIIIRTTTHHHHDDAAAAYYYY LOOOOLAAAA!” kantahan ng mga tao sa isang sulok ng kuwarto kung saan ay may isang matanda na nakaratay sa kanyang higaan. Pansin ko lamang na ang mga taong nakapaligid sa kanya ay may mga numero tulad ng sa ilan tulad ng sa bata na may 1001010 sa kanyang noo. Sa ulo naman ng babae ay 100100 at sa iba naman ay may malalaking numero. Ipinagtataka ko nalamang ay bakit kay lola ay kakaiba. Ang nakikita ko na lamang sa kanya ay isang simbolo ng paruparo o hugis ng isang Petlaouda. Tinanong koi to sa lalaki at ang tugon niya sa akin ay ganyan talaga ang simbolo para sa mga taong malapit nang mamatay. Gusto ko din sanag usisain ang simbolo sa noo ng lalaki, kakaiba ito kumpara sa ibang nakita ko. Hugis otso (∞) itong nakahiga pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
“Panginoon okay na akong magpahingahabang buhaykung makikita ko lang ang anak kong si Lando, kahit saglit lang.”bigla akong nagulat at nakarinig ng isang tinig, tinig ng isang babaeng matanda. “Siya iyon.” Sabi ng lalaki. Nalalaman din daw naming kung ano ang nasa isip ng matanda , gayon din sa iba pang malapit nang pumanaw. “Bilang taga pangalaga ng mga Oreceros ay may kakayahan tayong dugtungan ang buhay ng may-ari ng oreceros sa pamamgitan ng pagpihit ng orasan nito pabalik. Maari mo ring pabilisin kung hindi na talaga karapatdapat pang manatili ang may ari ng Oreceros sa mundong ibabaw.” Sabi ng lalaki. Sa kaso daw ng matanda ay kailangan na daw niyang magpahinga dahil sapat na daw ang mga nangyari sa kanya sa mundong ibabaw sa loob ng 89 na taon. “Kumapit ka sa akin at may ipapakita pa ako sa iyo.” Utos sa akin ng lalaki. Pagkapit ko sa kanya ay bigla siyang umihip muli at napunta kami sa labas ng kwarto ng matanda. Tanaw ko mula dito sa labas sa pinto ang matanda sa loob. Sa pasilyo ng ospital ay napakadaming tao, madami din ang may mga simbolo sa noo. Sa mga taong ito ay may nakita kaming lalaki na nagkukumahol sa pagtakbo at biglang pumasok sa kwarto kung saan kami galing. Maaring siya na ang anak ng matanda.