Chapter 6 - Wicked

312 9 0
                                    


Annyeonghaseyo dogja! Inspired ang author ngayon, love in the moonlight ba naman kasi eh. Kaya di naka update mga bes. Bawi ako. Haha.

Jeulgil! (enjoy) :)

---------

"Q-Quent?"

He smiled.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.

"Kanina pa kita hinihintay." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Ah ganun ba. Pasensya na, may nilakad lang kasi ako eh."

"Oo alam ko. Kasama mo si Clark." sarcastic na sabi niya.

Problema niya sa kapatid niya?!

"Ah oo, pumunta kaming park."

"Naglakad lang kayo?" tanong niya.

"Oo. Eh kasi, sobrang lapit lang naman ng park dito eh."

"Tsk. Ang babaeng tulad mo, di dapat pinapalakad." sabi niya at bahagyang lumapit sa akin.

"Hindi. Okay lang naman eh. Tsaka, kasama ko naman si Clark."

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Psh. Ano bang nakita mo kay Clark?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Kailangan mo ba talagang malaman yun? I dont think so." sagot ko.

Ang ganda pala ng mukha niya sa malapitan. Haha charot, ang gwapo kasi eh.

"Baka kasi, may pag-asa pa akong maagaw ka eh." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

Pilit ko itong tinatanggal sa pagkakapit ng mga kamay niya sa akin. Ngunit ang lakas ng kapit niya.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Wala ka namang mapapala sa kapatid kong yan, hindi nga niya makuhang mag-isa sa buhay eh. Di mo ba pansin, kahit saan siya magpunta andun ako." he said.

Eh kasi nga diba? Bias ka ng mama niyo! Ay jusmiyo.

"Tss. Wala akong pake, atsaka bitawan mo nga ako. Nakakasakit ka na ah." sabi ko at bahagyang tinanggal ang kamay ko sa kanya.

Ang higpit na kasi ng pagkakahawak niya sa akin eh.

"Tss. Alam mo ang OA mo." sabi niya.

Medyo nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Teka nga, may problema ka ba sa akin?" tanong ko.

"Nevermind. Ge, alis na ako." badtrip na tugon niya.

May mga tao talagang, pa "as if".

Pagkalabas niya ng pinto nakarinig agad ako ng sapak.

I dont know, parang may nanuntok sa kanya or may sinusuntok siyang bagay.

Dali-dali akong tumungo sa may pinto, bubuksan ko na sana ng biglang magsalita si Quent.

"Tangina. Bat ko nagagawa yun?" bulong niya.

Sumilip ako sa may bintana.

"Oh my gosh!" bulong ko sa sarili ko.

Shit. Anong nangyari sa kamay niya? Bat nagdudugo?

Naisipan kong lumabas at ipakita sa kanya na di ko alam ang nangyayari.

I opened the door.

"U-uy, andito ka pa pala?"

Insanely Inlove | ON-GOINGWhere stories live. Discover now