"Sa sunday daw may community service tayo. Malayo to girl! Another adventure to! Hahaha"
Bungad saakin ni donna pagkapasok ko kinaumagahan sa school.
"Taena yan ayoko talaga pag mag sunday class eh. Nandun panaman si ano"
Tsk. Gusto ko na talaga matapos itong semester na to. Lalo na yang pang sunday na klase ko eh.
"Hay. Hanggang ngayon ba naman faye? Hayaan mo na nga siya. Ang nakaka-inis naman kasi sa'yo eh para ka ng tanga. Pasulyap sulyap ka pa sa kanya eh wala naman na nga siyang pake sa'yo. Huwag mo na siyang pag tuunan ng pansin. Masasayang lang oras mo dun. Eh wala na nga halos yun lake sa'yo eh."
Oo nga naman. Sampal na sampal na saakin yung katotohanan na wala na siyang pake saakin.
Nanatili na lang akong tahimik. Kung sana hindi na lang ako dun na-
"Huy faye tara na. May klase na tayo kay sir. Jusko math pa naman yun. Eh napaka hina ko pa naman dun sa subject natin na yun huhuhu"
"Kaya yan. 'Di naman nangangain yung mga exponents sa math hahahaha"
"Leche."
-----
The rest of the day was okay. Buti na lang friday na ngayon at bukas walang pasok. Bwahaha. Makakapag lamon nanaman ako neto bukas.
"Bye donna! Text mo ko sa sunday pag nasa school ka na ha. Huwag ka magpa-late kundi makita mo."
"Oo na! Taray neto eh. Haha. Sige ingat ka! Maganda ka pa naman baka pag piyestahan ka ng mga manyakis diyan hahahaha"
"Pakyu. Mag ingat ka din. Bye"
Inantay kong makasakay si donna ng jeep hanggang sa makalayo ito. Napatingin na lang ako sa kalangitan. Napaka haba ng araw na 'to. At nakakapagod din.
Nag umpisa na kong maglakad papuntang sakayan ko, ng makita ko siya. Bago pa man niya ako makita, nagpatuloy na lang ako maglakad paluntang sa sakayan.
Nang makauwi ako, tulog na yung kapatid ko. Kumain na lang ako at nag prepare na para matulog.
Minsan ayoko talagang mag-isa. Madaming pumapasok sa isip ko. Yung mga nakaraan. I'm so messed up with my thoughts that just won't leave me. Nakaka pagod na. Yung tipong, hindi ka agad makakatulog kasi maraming pumapasok sa isipan ko.
How I wish I didn't met them. They' re bunch of stupid fcking liars. Mga manlolokong tao.
