four

0 0 0
                                        

Kinuha ko phone ko at nag type ako ng message para ipabasa kay donna.

Check this out. Guy in front of us. Wearing black jacket. Wacha say?

Pinakita ko kay donna yung phone ko. Agad niyang binasa kung naka type dun. Kinuha niya din yung cellphone niya at nag type din ng message.

Gwapo ah. Maapeal. Kaso mababa. Ano type mo noh? Kras mo? Hahaha

Kahit kelan talaga tong si donna eh. Tinignan ko siya sabay nag type din ako.

Huhu ayoko muna magka crush kailangan ko munang matapos yung research paper. So research paper muna bago landi.

Natawa na lang si donna sa inakto ko. Sabay "bahala ka hahaha." Bwiset eh noh?

Tinignan ko ulit yung lalaking nasa unahan ko. Shet. Bakit ba ang gwapo neto. Kakaiba yung appeal. Crush ko na yata? Leche naman o. Wala nanaman ako nitong mapapala sa sarili ko pag inuna ko itong kras kras ko eh. Ako lang naman nito masasaktan sa huli. Charot.

"Pwede pahiram ng earphones mo? Gamit kasi ni ed yung akin eh. Di ako sanay na walang earphones hehe." Sabi sakin ni jeff.

"Ah. Heto o. Bigay mo na lang saakin mamaya."

Pinahiram ko sakanya yung earphones ko. Ghad. So now ako yung mag sa-suffer ng kanta dito sa kanta ni kuya sa radyo ng jeep niya? Damn.

Maya-maya ay umandar na yung jeep. Signal na aalis na kami. Shucks. Gusto ko ng makinig ng music dito sa playlist ng phone ko huhuhu.

Nang makalayo-layo kami eh bigla akong kinalabit ni jeff. Binigay niya na yung earphonea ko.

"Salamat."

Tumango na lang ako. Thank god. Makakapag play na ko ng music wehehe.

So habang nag rerelax na ko sa pag upo, at gusto ko talaga ng makaka-usap (si donna kasi busy sa kaka-text sa jowa niya), kinausap ko na lang si jeff.

"Uy fan ka din ba ng bandang cueshe?" (With a smile on my face matching excitement on my voice).

"Ha? Ah. Oo pero, ok na yan. Hahaha. Bakit may mga kanta ka nila noh?"

"Ah. Oo meron. Gusto mo makinig?" Offer ko sakanya.

"Sige. Pwede na yan pag-tyagaan. Hahahaha."

Bwisit din to eh. Cueshe??? Pag tatyagaan mo? Oh god.

Kinuha niya yung right part ng earphones at pinlay ko na yung kanta.

Mga mata mo'y nakaka-akit
Ng di sinasadya
Ngiti mo'y nag bibigay sigla
Ng di mo alam
Maamo mong mukha pag nakikita
Ako ay natutulala
Di ko alam anong gagawin

Shuckkks. I am so inlove with cueshe huhu how i wish makapanood ako ng concert nila.

Kaya pasensya na kung may pagtingin na ako sa'yo
Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin ko naman ako

Bigla akong napatingin sa lalaki sa harapan ko. Ghad. Why does he looks so good? Takte nakatawa pa siya niyan sa pinapanood niya. Jusko faye. Focus on other things. Huwag sakanya.

Maya-maya'y tumigil na yung sasakyan. Nasa lugar na pala kami na tutulungan namin. Bumaba na kami isa isa at nag site visit na kami.

Bukid na yung lugar. Malayo sa centro. Kaya't parang nag hiking kami. Natagal kami ng mga dalawang oras dun sa bundok, at napagpasyahan ni maam na sa next sunday, tutulong na kami sa pagtanim dun.

"Nakakapagod naman tumaas ano. Pero napakasariwa ng hangin dito." Sabi saakin ni donna.

"Oo nga eh. Kung sana ang hangin dito pareho din nung hangin dun saatin. Puro na kasi dun polusyon." Sambit ko kay donna. Nagpatuloy kami ng pagbaba, ng makita ko siya.

Nagkatinginan kami, nag smile siya saakin. Ganun din yung ginawa ko at umiwas na ng tingin.

Paano niya kaya nagagawa yung pag ngiti niya ng ganun, samantalang sinaktan niya ako.

"Nakita ko yun ha. Hmm." Sabi ni donna.

Napabuntong hininga na lang ako. Tinignan ako ni donna at nag yinakap ako sa tagiliran ko.

"Naiintindihan ko. Alam kong hindi madali yan. Pero sana, sumuko ka na faye. Ayokong nakikita kang ganyan. Ituon mo na lang yung pansin mo dun sa bago mong crush kay ano nga pangalan nu-aray! Pucha naman masakit na yun ha! Huhuhu."

Ayos na sana eh. Dama ko na yung care niya kaso biglang sinabat yung si ed. Hays. Binatukan ko nga.

"Kung ano-ano na lang sa'yo eh. Bwisit na to."

" 'to naman di na mabiro! Bahala ka. Pag ikaw nainlab dun hahahaha."

"Tangina neto. Pag di ka tumigil uupakan na talaga kita!"

Halakhak na lang yung tinugon saakin ni donna. Pucha eh. Ako maiinlab? Pwe. Kras lang. Ow. No. No faye. No.

Nang makarating kami sa jeep, nakita ko ulit si ed. Tingin ko di siya sumama saamin pag akyat dun sa bundok. Oh well. Cut that trashy care faye. What the fucking fuck.

Agad kong tinuon ang sarili ko sa unahan. Pero sadyang taksil ang utak ko at hinanap ko siya. At yun. Nakita ko siya. Masayang kausap sina Je. Wtf. Pano ba niya yan nagagawang maka-move on despite all of those things- tangina ayoko na.

Give Your Heart A BreakWhere stories live. Discover now