II

9 0 0
                                    

Omgggg! Ang cuttiiieeee! Eto pala yung nasunod saakin kanina pa! Waaaa! Why so cute?

"Asan ang amo mo? Bat mag isa ka lang dito nag gagala? Nagpapalamig ka din?" Tanong ko doon sa tuta as if namang naiintindihan niya ko.

"Arf! Arf!" Omg! Ang cute talagaaa! Ang liit niya tas ang balahibo pa huhuhu! Gusto kitang nakawin sa amo nya.

"Tara gala tayo." Sabi ko sakanya at hinila ko siya sa lace niya.

"Gusto mo kumain?" Tanong ko sakanya. Feeling ka naiintindihan niya ko. Hehehe.

"Arf! Arf!" Kumahol siya habang nag tatatalon. So it means gutom siya. Hehehe.

Pumunta kami ni doggy dog sa jollibee nanaman. Para kumain hehehe.

Umorder lang ako ng dalawang burger at isang icecream at isang large fries para saamin ni doggy dog hehe.

Pagtapos kong umorder ay tumambay muna kami ni doggy dog para kainin yung pagkain namin.

"Asan ba yung amo mo? Bakit ka iniiwan? Sanay kana bang maiwan? O baka pumunta ka ng mall mag isa ng di nagpapaalam sa amo mo?" Tanong ko nanaman kay doggy dog. Alam kong may amo to eh. Kasi may lace siya at halatang alagang aso to. Asan kaya amo nun? Baka hinahanap na siya.

"Doggy dog, icatch mo itong fries ha? Ihahagis ko to sayo saluhin mo okay?" Pag eexplain ko sakanya.

"One, two, three! Catch!" Pagkahagis ko ng fries ay agad niya itong sinambot. Ang galiiiinggg!

"Very good!" Sabi ko sakanya. Natuwa naman siya at nag tatalon nanaman. Pag talaga to di hinanap ng amo niya kukuhanin ko to sakanya.

"Okay, sit!" Sabi ko at umupo naman siya. Waaaaa! Ang galiiiingg!

"Jump!" Tumalon naman siya. Waaaa!

"Turn around." Umikot naman siya.

"Shake hands" nakipag kamay siya saakin. Waaaa! May bago na kong beshyyy!

"Fly!" Tinitigan niya lang ako. Eh? Bat wala siyang ginagawa?

"Fly doggy dog, fly!" Ayaw niya talaga huhuhu.

"Muka bang nalipad ang aso?" Nagulat ako sa nagsalita sa may likod ko. Sino yun?

"sino ka ba? Epal ka masyado eh." Inis na sabi ko. Fc to mashado, pakialam niya ba kung gusto ko paliparin yung aso. Epal eh.

"Come here sparky." Di niya ko pinansin at tinawag si... Sparky? Napatingin ako sa tinawag niya at.. What?! Siya yung amo ni doggy dog?

"So alam mo na kung sino ako?" Natatawang tanong niya. Sorry naman akala ko kung sino eh.

"Ah ikaw pala yung amo niya, bakit mo kasi pinapabayaan yan, napupunta tuloy siya sa iba." Wow ano to nahugot ako?

"Sorry na, nag cr lang kasi ako. Sinabihan ko naman siyang mag stay lang pero mas pinili niyang umalis." Woala, hugutan ba to?

"Kung ganon dapat di mo siya iniwan, dapat sinama mo siya sa cr para di siya umalis." Sabi ko naman.

"Bawal ang aso sa cr. Gustuhin ko man siyang isama, bawal talaga. Ayokong ipilit yung mga bagay na bawal talaga. Pero nahanap ko na naman siya, so it means destiny kami" Sabi naman niya. Kingina destiny? Woala.

"Pft. Kung di dahil sakin di mo siya makikita." Sabi ko naman.

"So anong ibig mong sabihin? Tayo ang destiny?" Tanong niya. Wait, what? Kami? Destiny?!

"Ulol! Destiny mo to. Dami mong alam! Ang ibig kong sabihin dapat ilibre mo ko ng pagkain kasi kung di ko siya nakita baka nawala na sya! Kaya dapat mag thankyou ka saakin at dapat ilibre mo ko. Now na!" Sabi ko. Wahaha. Manlilibre yan syurbul.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Will Fall Inlove First?Where stories live. Discover now