What up, dears! First time to write a story. Itatry ko lang naman so don't judge! :)
-
"Mom! I'm home!" paganunsiyo ko pagbukas ko ng pinto.
Ay, walang sumagot. Baka nasa work pa si mom. Dumeretso na ako sa room ko at nilapag dun sa table yung mga gamit ko and yung bag sa sofa. Humilata ako sa kama ko at napabugha ng hangin. Kapagod magtraining.
Mga ilang minuto, biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko sa table at nakita na tumatawag yung twinsies ko.
~ my dear twin calling..~
"Hello?" pagsagot ko
"..." Bakit walang sumasagot?
"Hello? Avi?"
"Baby, it's your dad." pagsagot ng nasa kabilang linya.
Nagulat ako na si dad yung nagsalita. I'm expecting the voice of my twin sister. Tinignan ko ulit yung phone ko at naconfirm na number nga ng kapatid ko yun. Well, that's weird. Napakunot ang noo ko.
"Oh, dad! Why did you call? At..bakit sa phone ni Avi?"
Tahimik lang yung kabilang linya. Di sumagot si dad kaya nagtaka na ako.
"May nangyari ba, dad? Bakit ang tahimik mo po?" tanong ko
Madalas kasi kapag tumatawag si dad gamit niya yung phone niya at kung minsan din, tumatawag siya gamit phone ni Avi pero nagpprank call lang. Malalaman ko na kagad sa unang pagsagot pa lang na nangogood time sila pero..bakit ngayon parang ang tahimik at may mali. Narinig ko na naginhale si dad ng malalim at nagbuntong hininga.
"Dad, pinapakaba mo naman ako eh. Bakit po kayo ganyan? Nasan si Avi? Di ko po naririnig sa background niyo."
"Elena, baby, you need to be calm, okay? I'm going to tell you something." sagot ni dad
Nakakaba naman 'to si dad. May nagsasabi sakin na nangtitrip lang sila pero di ko din mabitawan yung thought na baka may mali talaga. Nararamdaman ko na yung paginit ng leeg at tenga ko. Ganito ako kapag kinakabahan.
"Po? what is it?" pagsagot ko
"She's gone, baby. Your twin is gone."
And that, ladies and gentlemen, shattered my heart.

BINABASA MO ANG
Game on
Teen FictionI believe life is give and take but all my twin sister did was to give and that's her biggest mistake. I have a good life in New York but I willingly left it for those murderers studying in Shaffer University. It is a prestigious school in the Phili...