NATHAN'S POV
Maaga akong nagising ngayon..Nandito ako ngayon sa unit ko.Nag-order ako ng pagkain kahapon bago umuwi dito dahil wala pa atang bukas na restaurant nang ganitong kaagang oras..
Kinuha ko yung in-order kong pagkain kahapon sa Ref para kainin ngayon..Tinatamad akong magluto e atsaka nagmamadali ako ngayon..Gusto Kong maagang pumasok dahil may gagawin ako doon..Evil laugh.. Hahaha
Kumakain ako nang tumawag si Dwayne.Partner in crime ko yan e..Hahaha
Sinagot ko na phone call ko
[Hello.Nabili ko na yung kailangan mo.Saan mo ba gagamitin yun?]
"Basta.Malalaman mo mamaya.. Basta dalhin mo yan..Nakabalot na ba yan?"
[Oo..Wag mong sabihing may pagbibigyan ka neto?]
"Hahaha Catch!"
[Kalokohan mo pre umaasenso..]
"Syempre..Gaganti lang ako sa kanya..Mararamdaman niya yung pagmamahal ko sa kanya.."
[Gago tol...Sinagad ka ba niya?]
"Mas sagad pa sa sagad....Sige tol..Basta dalhin mo yan..Nagmamadali ako.. Maaga kang pumasok.."
[Sige..bye.]
Binaba ko na phone call ko at nilagay sa table.
Tinuloy ko na ang pagkain ko..
------------
Ni-park ko na yung kotse ko at bumaba na ako.Dumiretso ako sa isa pang gate sa likod ng school dahil doon kami magkikita ni Dwayne.
Naabutan ko syang nagkakalikot ng cellphone at hinablot ko sa tabi niya yung paperbag na naglalaman ng pinabili ko sa kanya.Mukha naman siyang nagulat pero bumalik rin naman sa poker face.
"Ayusin mo yang gagawin mong kalokohan at baka mahuli ka niya.Idamay mo pa ako.Ako lang ang bumili,tandaan mo yan.."paninigurado niya
"Tinatakot mo ba ako o pinapaalalahanan?"inis na sambit ko
"A,e ano..Hindi naman..Sinasabi ko lang.."sabi niya na halatang takot dahil iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.Duwag ka pala e.
"Tss"yun na lang ang nasabi ko.
"Tara na nga habang kakaunti pa lang ang tao dito sa eskwelahan."sabi ko sabay lakad patungo sa classroom.Nakita kong sumunod na siya.Nasa likuran ko,nakasunod na parang isang aso.
Wala pa namang tao dito sa classroom kaya pumasok na ako at kinuha ang gift sa paperbag at nilagay sa upuan niya.Dinikitan ko pa ng sticky note na may nakalagay na 'Para kay Maxine ito at walang kukuha nito maliban kay Maxine.Kung sakaling may ibang kukuha,maghanda na kayo.Paparating na ang katapusan niyo' at may nakadrawing pang kutsilyo dito.
Wala naman talaga sa planong lalagyan ng sticky note ito pero kung sakaling may kumuha na iba at mababasa muna nila ito at hindi na kunin ulit dahil sa mensahe para sa may balak na kunin ito.
Umalis na agad ako sa classroom at nakita kong nag-iintay si Dwayne sa akin.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?"tanong niya
"Bakit?Wag mong sabihing natitipuhan mo ang isang katulad niya.Masyado na atang malabo ang mata mo para matipuhan siya."diretso kong sabi sa kanya habang naglalakad kami
"Ano?Tinatanong ko lang yung pangalan tapos natitipuhan agad..Tindi ng utak mo pre."sabi niya habang umiiling-iling.
Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya tumigil na siya.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionLove? It's so complicated.Yung mahuhulog ka sa taong di mo inaakalang magugustuhan mo.Yung mahal mo may mahal na iba pero patuloy mo pa rin syang minamahal.Yung maraming humahadlang sa pagmamahalan nyo.. Unexpected Love.. Obviously, its unexpected.Y...