MAXINE'S POV
*Bell*
(Isipin niyong tumunog na yung bell sa campus)
"Class dismissed"sabi ng teacher namin at umalis na.
Inaayos ko na ang gamit ko para umalis na.Nagpulbos muna ako bago umalis at mag uusap pa kami ni kuya sa canteen.Hindi ko na dinala ang bwisit na regalo at iniwan na lang sa ilalim ng upuan ko.Sabi na nga ba't nangtitrip lang kung sinomang nagbigay non.
Absent nga pala si Zy kasi kasal raw ng mommy niya.By the way,wala ng daddy si Zy because her dad was passed away.And then ngayon meron siyang step dad.
Papaalis na sana ko ng humarang si Yabang Boy..Tss papansin..Ano na naman bang trip nito?
"What do you want?"cold na sabi ko sa kanya
"Uhhm..Wala lang gusto ko lang makipag kwentuhan sayo."sabi niya
"Ayoko."matigas na sabi ko
"Ay wag na lang pala.Sige..Goodluck na lang sa pupuntahan mo.."sabi niya sabay pat ng likod ko
Sa totoo lang,ang weird niya ngayon.Kadalasan kasi inaaway ako niyan e..Atsaka good luck daw ba sa pupuntahan ko? Weird niya..Anong trip yon?
Naglalakad na ako papunta sa canteen nang mapansin kong nakatingin ang halos lahat ng schoolmate ko sa akin at yung iba natatawa pa at nagchichismisan.Ang weird talaga.
Naglakad lang ako papunta sa canteen pero nung malapit na ako ay may lumapit na mga lalaki sa akin.Nasa harapan ko sila.
"Miss,mag ayos ka nga ng sarili mo."sabi ng isang matangkad na lalaki
"Ha?"
"Pinangangalandakan mo pang may putok ka sa buong campus.Di ka na nahiya!"inis na sabi niya
Ano daw? Pinangangalandakan na may putok ako sa buong campus? May sira ba ang ulo nito? Ni wala nga akong sinasabi at naglalakad lang ako e.Atsaka putok? Ew ha.Kadiri naman..Naglalagay akong deodorant noh? Ang weird talaga ng araw ko ngayon plus yung bwisit na regalo na yon.
"Excuse me pero wala akong pinapangalandakan mga kuya."sabi ko
May kinuha naman siya sa likod ko na parang nakadikit sa uniform ko at iniharap sa akin.
'May super duper putok ako'
Waaaaahhh..Sino may gawa niyan.Yumuko ako at hinila naman nila ako sa likod ng canteen kung saan walang tao.
Oh my gossh! Kainin mo na lang ako lupa..Ano ba itong araw na ito! Nakakahiya!
Papaalis na sana ko ng humarang si Yabang Boy..Tss papansin..Ano na naman bang trip nito?
"What do you want?"cold na sabi ko sa kanya
"Uhhm..Wala lang gusto ko lang makipag kwentuhan sayo."sabi niya
"Ayoko."matigas na sabi ko
"Ay wag na lang pala.Sige..Goodluck na lang sa pupuntahan mo.."sabi niya sabay pat ng likod ko
Oh my gosh! Si Yabang Boy ang may gawa.Lagot ka sa akin mamaya.Kung may nalalaman kang super duper putok,super power punch ang mangyayari sayo.Kaya pala niya pinat yung likod ko para dumikit yun..Waaaahhh.Yaaabaaanngg Booooooy!!Humanda ka sakin
"Sinong may gawa non miss?"sabi nung gwapo
"A..e..Si Yabang boy..este Nathan."sabi ko
"Nathan?"tanong niya ng hindi makapaniwala
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionLove? It's so complicated.Yung mahuhulog ka sa taong di mo inaakalang magugustuhan mo.Yung mahal mo may mahal na iba pero patuloy mo pa rin syang minamahal.Yung maraming humahadlang sa pagmamahalan nyo.. Unexpected Love.. Obviously, its unexpected.Y...