Naglalakad
Nag iisip
Kung saan ba ako nagkulang
Di mo man lang pina alamGustong balikan ang dating tayo
Nguting ngayoy mag isa sa ating mundo.
Mundo nating sabi mo'y hinding hindi guguho.
Mundo nating sabi mo'y lagi tayong magkasama
Mundo nating kinalimutan mo na.Akala ko ba.. "Atin"
Akala ko ba
Hanggang sa uulitin?
Akala ko ba walang hanggan?
Akala ko ba walang dadaig sa pagmamahalan?
Akala ko ba tayo?
Akala ko forever na tayo.Maraming namamatay sa maling akala. 😏
Kaya ngayo'y natuto na
Natutong bawal umasa
Dahil ang pag-asa ay kasalanan sa sarili
Isang pagsisisi na labis labis ang pighatiNgunit mahal,
Tandaan mo
Andito lang ako naghihintay
Naghihintay sa wala
Umaasa sa wala
Umaasa para sayo
Umaasa ngunit imposibleng maging tayo
Umaasa ngunit alam na tapos na tayo.Tapos na tayo.
Mahirap ba yun intindihin?
Puso ko lang naman ang nagpupumilit
Nagpupumiglas
Ayaw bumitiw
Kapit ng kapit.
Utak ko man ay nag iisip ng mabuti,
Puso ko'y mali ang sinasabi.Mahal,
Paalam.
Hindi na muling aasa
Hindi na aasa sa Wala.
BINABASA MO ANG
spoken word poetry.
Poetryfor spoken poetry enthusiasts. DISCLAIMER: This book is written in Tagalog.