Annyeong!! I'm Cassiopeia Garcia a.k.a Cas.
17 years of existence and In relationship with Kpop and Kdrama oppas. Alam ko, dadating ang araw magtatagpo ang ating mga landas at tayo ay magiging isa. Haaay! Makikita ko din kayo lahat😍*plak*
"aray naman beshie, ang shaket nun ha? grabe naman kung makapukpok, importante pa sa kin 'tong ulo ko no? nandito yung utak ko na tutulong saken makapag aral. Pag nakapag aral ako, magiging successful ako. Pag naging successful nako, pwede ko nang gawin lahat ng gusto ko at isa na dun ang makasama ang MGA ASAWA KOOO!! Kaya wag mo kong mapukpok ng makapal na librong yan" ngumuso ako sabay hawak sa ulo ko.
"Hoy Cassiopeia, tumigil ka na nga sa pagpapantasya mo, mabuhay ka nga sa katotohanan. tch. Nadadamay ako sa mga kabaliwan mo diyan sa mga "oppa" daw kamo" pagsusungit niya, Ai, siya pala beshie ko si Mikaela Santos, kahit ganyan yan, mahal ako niyan. hihi! Nafefeel ko naman eh. Ganyan cya magpakita ng sweetness niya, nagsusungit. Di kasi showy. hahaha!
"Eh bakit ba? masaya kayang maging fangirl. Kahit na hindi nila ako napapansin, atleast nagkaroon ako ng inspirasyon. Tsaka, feel mo rin ako eh. Fangirl ka rin kaya tulad ko kaya alam mo ang nararamdaman ko. Ang pinagkaiba lang, Koreano akin, Jadine naman sa'yo. che!" sabay irap ko sa kanya.
"Aba! aaminin kong fangirl din ako, pero may kaibahan tayo no? Atleast ako, normal na tao parin akong nabubuhay sa normal na mundo. Ikaw, di ka bagay sa mundong to, Parang timang na nababaliw at abnormal kung makita ang Bias at nagsisisigaw kahit sa'n, di marunong mahiya. Balita ko, Bakla daw sila ha?" sabay ngisi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at lumakad palapit sa kanya sabay turo.
"Hoy! Wag mo ngang sabihing bakla ang mga Asawa ko, kahit Kaibigan kita, papatulan kita! At di ako magdadalawang isip at itatakwil Kitaaaaaa!!!!!" tumakbo siya at hinabol ko siya. Aba! Don't mess with my Husbands, Ako makakalaban nila.
"Hayop ka talagang ma beastmode Cas. hahahaha!" tch. 😒 tumigil na din ako sa paghabol sa kanya dahil ako rin naman ang napapagod. Hindi ko nalang hahabulin yung mga taong ayaw naman magpapahabol, ako lang rin naman ang mapapagod sa huli😭 charlng. hahahaha!
"O siya! aalis na'ko, ingat ka. Bye!" paalam ko sa kanya.
"Ah! sige. pakamusta nalang ako kay tita ha? Bye na😘" paalam niya rin. Uuwi talaga akong maaga ngayon dahil after 1year, makakauwi na si mama galing manila. May surprise daw siya saamin. Nakaka excite!!
Abangan!
sigurado ba talagang excitement ang mararamdaman ni Cas sa surpresa ng mommy niya? Or it could be opposite feelings? hmmm.