Cas' POV
Ayan na! Ayan na! naglalakad nako pauwi. hihihi! nandyan na mama ko. yey!
Napahinto ako bigla. Di ko alam eh! Pero ba't parang ang weird ng nararamdaman ko ngayon?
May mangyayari ba? Wala naman diba? "Haay! Think Positive, Cas. Hwaiting! Uuwi mama mo kaya dapat masaya ka, ha? At di lang yun, may surpresa siya sa'yo! Kaya chill ka lang" sabi ko sa sarili ko.Pero ba't ganun? may nararamdan talaga akong iba eh? Kinakabahan ako. So habang naglalakad ako, iniisip ko kung bakit ako kinakabahan.
"di pa ba makakauwi si mama?"
pero di eh, nagpromise siya sa kin kagabi. At tumawag siya kanina."wala bang surpresang magaganap?" Haay. sana meron no?
Di ko na pala napansin na malapit na ko sa bahay. hihi! eomma! here I comeee!!
So eto na, nasa labas na'ko ng bahay. hihi! pahakbang hakbang ako pumasok sa bahay. Pinihit ko ang door knob ng pintuan ng nakangiti kasi nga excited diba? hihi!
Pagkita ko... nag iba ang mood ko!
Nakita ko si mama!
May kasamang lalaki. Hindi ko siya kamag anak, di ko siya kilala.
"Ma, sino po siya?" tanong ko kay mama.
"Anak, siya ang surpresa ko sa'yo! Siya si Tito Jonas mo. Gusto ka niyang makilala at nais ko ring makilala mo siya, dahil..."putol niya
"Ano?" tanong ko sa kanya kahit na nasesense kong alam ko ang sagot sa tanong ko, pero baka nagkakamali lang ako.
Pero sana, mali ang iniisip ko dahil hindi pa ako handang palitan ang papa ko, kahit wala na siya dito, di ko siya ipagpapalit. Siya at siya lang ang magiging papa ko, habangbuhay.
"Anak, ano kasi..." pagpapatuloy ni mama
"Magiging Daddy mo na siya" diba? sabi ko naman sainyo eh! Siguro pwede na akong gumawa ng account for predictions, baka ma predict ko pa ang future ng kpop. Hayys.
"Ayoko ma" diretsong sabi ko kay mama. Oo. ganun ako eh! pag galit ako, wala ako sa sarili pag nagsasalita ako. Galit ako, wag kayong ano. Tchhhh. Gusto ko lang sabihin ang opinyon ko.
"Pero anak..." sabi ni mama sabay hawak sa kamay ko.
"Ma, diba sabi ko naman sa inyo? Ayaw ko palitan ang papa ko! Gusto ko, siya lang ang ituturing kong ama. Kahit sobrang yaman niyang kasama mo, ayaw ko paring ipagpalit ang kaisa isang ama na tinuring akong anak at kadugo ko pa! Ma, ginawa ko naman gusto niyo eh. Sabi mo, di lang ako mag jojowa, di din kayo magjojowa. Eh ba't ka umuna? Ma naman eh!" reklamo ko sakanya. Naiiyak na'ko!
"Bibigyan ka namin ng oras para makapag isip kung tanggap mo ba siya, ha?" sabi ni mama.
"Bahala kayo. mauubos lang oras niyo" sabi ko at tumakbo palabas ng bahay.
Pumunta ako sa bahay nila Mikaela at dumiretso sa kwarto niya ng walang katok katok.
Pagpasok ko, di na siya nagulat. Ako lang naman ang pumapasok sa kwarto niya ng walang katok katok.
Nadatnan ko siyang nakaharap sa salamin niya kaya nakikita niya ko sa repleksyon nito.
"Oh! ba't andito ka? Diba dapat kasama mo mama mo? Ah! akin na! Bilis! Di talaga ako nakakalimutan ni tita no? Hihi!"
ngisi nito sabay lahad ng kamay nya sa'ken. Problema nito?"Ha? pinagsasabi mo? anong 'akin na' sinasabi mo? di kita gets?" litong tanong ko.
"Yung pasalubong kamo, akin na!" sabay lahad ng kamay niya sa'kin.
"Kapal ng mukha nito! Di naman nag abroad mama ko, nasa Manila lang siya oy!" sabay irap ko sakanya.
"Eh? Kahit na, diba? Eh ano nga yung pinunta mo dito?" tanong niya
di ako nakasagot, napabuntong hininga nalang ako at napansin niya yun.
"May problema? Sige na, sabihin mo na!" sabi niya.
"Bes! Mag aasawa na si mama!! Pano na kami ng kapatid ko? Di ko pa kaya. Pano nalang kung mag aasawa si mama tapos magkakaanak sila, di na kami papansinin nun kasi busy na siya sa anak nila! Tapos diba, sabi ko naman kasi, isa lang yung ama ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko. huhuhu!" sumbong ko sa kanya. Umiyak na rin ako.
"Haaay! Bessy, alam ko naman na mahirap yun eh! Isipin mo nga lahat ng sakripisyong binibigay sa'yo ng mama mo. Tsaka diba, ikaw na mismo ang nagsabi na 'kung may nawawala, may dumadating' malay mo, yung lalaking yun ang dumating sa buhay ng mama mo. Tsaka diba, gusto mo nang maka move on yung mama sa pagkawala ng papa mo. Tapos biglabg dumating yung lalaki, siya yung nagpapabalik ngito sa mama mo. At malay mo, sainyo din. Tsaka may tiwala ka naman sa mama mo diba? Marunong yun mamili. Baka yung napili niya ngayon, carbon copy ng papa mo. Di ngalang sa panlabas kundi sa panloob. At malay mo, masaya yung mama mo sa kanya. Diba.paboritong prinsesa mo si Sofia the First? Malay mo, ganun ang takbo ng buhay mo sa bago mong pamilya kasama mama mo at kapatid mo" payo ni Mika.
Napaisip ako bigla. Masyado na ba akong selfish? Di pa ba sapat yung saya na nabibigay namin kay mama? Masyado na ba akong selfish para magmahal ng iba ang mama ko? Siguro oras na para si mama naman ang magiging masaya.
Napabuntong hininga ulit ako at nag isip isip rin. Iniisip ko pa rin yung mga What ifs, nakakaiyak talaga. Pakshet nato T.T
Makapag paalam na nga. Hayys.
"Sige bessy! Salamat, uuwi na'ko!,Bye!" paalam ko sakanya at lumabas na ng bahay nila.
******