*Bea POV*
3 Months na yung lumipas.
Yes. 3 months na panggugulo and pambbwisit na ang ginagawa nung Prince na iyon sa akin. Buti na lang at nakakayanan ko ang mga kalokohan ng lalaking iyon. Ewan ko nga eh, pero parang nasanay na ata ako sa kanya. At eto pa ha, parang lagi ko ng hinihintay ang mga pang gugud-time na ginagawa niya sa akin. I mean, natatawa na lang ako ngayon sa mga pinaggagawa niya. Para siyang bata na ewan. Ay! Ano ba yan! umagang umaga siya yung iniisip ko.
>.<
Ring... Ring.... Ring... Ring..
Nagriring yung phone. Si mama pala tumatawag. Sinagot ko..
"Hello ma! Kmusta po?"
"Hello anak. Mabuti naman kami. Ikaw?
"Ayos lang din mama. Buti biglaan po kayong napatawag?"
"Ah anak... medyo may problema kasi eh.."
"Ano po ma?!"
"Kasi natanggal sa trabaho yung papa mo. Medyo nagkaproblema kasi sa kumpanyang pinapasukan niya. Eh ngayon gusto ko sanang sabihin na medyo maddedelay ang allowance mo buti na lang nga at nakaadvance ang bayad mo sa renta ng dorm.. Pasensya na anak. Tiis muna.ha"
"Ah ok. yun lang po ma? Huwag po kayong mag-alala sa akin may ipon pa naman po ako."
"Buti naman nak. Sige baba ko na itong telepono. Medyo mahal na kasi yung nagagastos. Ingat ka dyan nak ha!"
"Sige po mama. Ingat din kayo ni papa."
So natanggal pala sa work si papa. Sa totoo niyan konti na lang ang ipon ko at di ko pa alam kung sasakto pa ito. Uhmmm... Teka...
"Ayun! Tama! Maghahanap muna ako ng pansamantalang trabaho. "
...............
Dali-dali akong nag-ayos upang umalis ng bahay at maghanap ng mapapasukang trabaho. Sa baba ay nakita ko si Manang Luz na nagwawalis.
"O hija, san punta mo? Sabado ngayon ah.."
"Ah maghahanap po sana ako ng mapapasukan kong trabaho kahit pansamantala lang. Natanggal po kasi si papa sa trabaho. May alam po ba kayong mapapasukan ko?"
"Aba! Sakto hija, kagagaling lang ni Kumpareng Ben dito. Nabanggit nga niya sa akin na naghahanap siya ng mga empleyado sa kabubukas niyang kapihan at cake shop. Dalhin mo lang ang resume mo at sabihin mong nirekumenda kita. Tiyak may trabaho ka na."
"Totoo po Manang Luz? Sige po salamat. Akin na po yung address."
Binigay ni Manang Luz ang address na sinasabi niyang pagmamay-ari ng kumpare niya. Pinuntahan ko ito at di ako nabigo. Pinag-start na din ako sa araw na iyon!
================================================================
Ok naman ang trabaho, naka dalawang Linggo na ako. Taga kuha ako ng order ng mga customer. Sa harap ng shop ay isang call center building kaya patok itong negosyo para sa mga call center agents na pang night shift. Kaso nga lang sagaran sa puyatan at pagod. Dagdag pa ang stress na galing sa school.. Syempre scholar ako at kailangan ko pang magmaintain ng mga grades. Halos wala pa nga akong tulog simula noong mag-umpisa ako sa trabaho. After ng klase ko ay diretso na ako sa shop, mag-oout ako ng 4am na ng umaga.
Nakaupo ako noon sa bench na nasa likod ng building namin.. Wala kaming klase sa unang subject kaya naisip kong umidlip muna dito. Mahangin kasi dito at presko dahil sa mga punong nagtataasan. Sinumpong ako ng isang weird na panaginip.....
Si Prince daw dumaan dito sa bench at pinagmamasdan akong matulog.. Ang lapit lapit daw ng mukha niya sa akin. Tapos may naramdaman pa akong malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko. Parang totoong totoo ang napanaginipan ko. Pero baka guni-guni ko lang iyon dahil sa sobrang pagod. Naalala ko pala, may isang Linggo na din akong di inaasar nun. Baka nagsawa na din siya sa wakas. Kung ganun mabuti! Bawas yun sa mga nagbibigay ng stress sa akin.
=============================================================
“Good afternoon Sir/Mam! Welcome po.” Yan ang bati ko sa mga customers na dumarating sa shop sabay yuko.
“Good afternoon Mam..Welcome po.”
.
.
.
.
“Good afternoon S-Sir?? P-P-Prince????”
Kinusot ko ang mga mata ko dahil baka kamukha lang ni Prince ang nakita kong pumasok sa shop. Pero hindi! Siyang-siya yung pumasok.. Isang ngiti ang binigay niya sa akin saka na siya umupo sa bakanteng upuan. Ako ang naatasang kumuha ng order ni Prince. Medyo kinakabahan nga ako baka mamaya ay kung ano nanamang trip nito ngayon.
“S-Sir ano pong order niyo?” saka ko inabot ang menu. Kinuha niya naman ito agad at tinignan.
“Uhm”.... Ang tagal niyang nag-isip tsaka niya sinabing... “Wala akong mapili eh.”
-.-
“W-Wala po??? Eh ano po bang gusto niyo?” tanong ko.
“IKAW” mabilis niyang sagot.
:)
“Huh?! Ano po sir????” .Nagulat ako sa sinabi niya.
“Wala tinatanong kita kung ano yung irerecommend mo sa akin.”
“Ahhhhh..” Dapat kasi nililinaw mo Prince! “Kung ako po Sir, yung tatanungin, gusto ko po iyong Red Velvet Cake, Angel Cake tsaka Battenberg Cake.. Masarap po silang ipartner sa coffee.”
“Sige bigyan mo ako ng tig isang slice ng mga yun. Tska tig-isang buong cake na take out ng mga yun. And yung coffee ikaw na yung bahalang mamili”
“Ok po Sir.” Sagot ko.
Medyo may kamahalan din yung mga cake na sinabi ko sa kanya. And mahilig pala siya sa mga matamis dahil nagtake out pa siya. Mayaman talaga!..
........
Ang tagal ding nag-stay ni Prince sa shop. Di ko alam pero wala naman ata siyang hinihintay na dumating eh.. Minsan napatingin ako sa kanya at sakto nakatingin din siya sa akin pero agad akong nagbawi ng tingin. Medyo naconscious nga ako eh.
Iniwan ko muna sa kasama ko ang pagkuha ng mga order ng customers, pagkabalik ko buti naman at umalis na siya.. Pero naiwan niya sa mesa yung mga cake na itatake-out niya dapat. Hahabulin ko sana para maibigay sa kanya kaso wala na ang sasakyan niya sa labas.
May binigay sa akin yung kapalit ko na kumukuha ng order noong nagCR ako. Isang papel na pinapabigay daw ni Sir pogi na si Prince ang tinutukoy..
Binasa ko ang nakasulat sa papel. Ang sabi niya:
“YAN NA YUNG TOTOONG PEACE OFFERING KO SAYO.
BATI NA TAYO HA?
ALAGAAN MO ANG SARILI MO. ;) “
Hala! Natatouch naman daw ako sa kanya. Pilyo siya pero may pagkasweet ha. Unti-unti na ngang nawawala yung pagkainis ko sa kanya eh.
%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%
=Please try to leave comments and reviews. They will be highly appreciated. Thanks!
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE
RomanceSi Bea ay isang probinsyanang nakakuha ng scholarship sa isang sikat at kilalang school sa Manila. Simple ngunit matalino at maganda. Si Prince ang campus crush ng school. Taglay niya ang lahat ng mga katangiang hinahanap ng isang babae sa lalaki b...