Nang dahil sa Chain Message....(One Shot)

75 3 0
                                    

Nang dahil sa Chain Message....

*From: 0910*******

I love my mom.....

Ipasa mo to sa 25 na katao para malaman kung mahal mo talaga ang mama mo. Kapag hindi mo to pinasa bago mag-12 ng hatinggabi, may mangyayaring masama sa mama mo.

 Sorry, mahal ko lang talaga ang mama ko..*

Sa message na to nagsimula ang lahat.

Naranasan kong magmahal.

Naranasan kong lumaban.

Naranasan kong magalit sa isang kaibigan.

Naranasan kong masaktan.

At naranasan kong magpakatanga.

Nang dahil sa chain message na yan, marami akong natutunan...

***************

“Letche!” halos maibato ko yung cellphone ko pagkabasa ko ng bwisit na chain message na yun.

Ang dami daming pagpapasahan ng ganun ako pa? Oo alam kong nagkatampuhan kami ni mama dahil hindi ko agad nalaban yung mga damit namin,(Oo ganun lang) pero kahit kailan, hindi ko sasayangin yung load ko para lang ipasa sa iba yung gantong text.

Tiningnan ko naman kung kainino galing, hmm, hindi sya nakaregister sa phone ko. Lagot ka sakin.

To: 0910*******

~HOY! Pwede ba? Kung naghahanap ka lang ng katext wag sa pamamagitan ng chain message! Okay? Tss.

*sent

Kakaimbyerna. Tinapos ko nalang tuloy yung pagsasampay ko ng mga damit namin bago ako bumalik sa bahay.

Hindi na ganong nagagalit si mama kaya naabutan ko syang nagluluto ng ulam. Hindi ko muna sya pinuntahan sa kusina dahil napagod talaga ako sa paglalaba, pagbabanlaw at pagsampay. Dumiretso muna ako sa kwarto ko at doon nagpahinga.

*brrt brrt*

Kinuha ko naman yung cellphone ko para tingnan kung sino ang nagtext, at nung nakita kong yung nagpasa ng chain message, binasa ko agad.

~ Im sorry. By the way, Im Kief.

Tss. Sabi na nga bat naghahanap lang to ng katxt eh.

At dahil wala nga rin akong katext, pinatulan ko na tong Kief na to.

Yun nga, nakatext ko sya. Sya raw si Kief Adlimo, isang 2nd year nursing student sa Saint Louis University sa Baguio. Sosyal nga e. Mukhang mayaman pa tong nakatext ko. At kaya raw sya nagpasa ng ganun dahil talagang mahal nya lang daw talaga yung mama nya.. Sabi ko naman wag syang nagpapaniwala sa mga ganun.

19 years old na sya habang ako naman ay 18 palang. Mabait naman si Kief.

Meron daw syang kapatid na babae, si Ate Rose, 4th year student na rin sa course na nursing. Nakatira sila ngayon sa bahay nila sa Baguio, yung mga magulang daw nila, nasa ibang bansa.

At dun na nga nagsimula yung pagiging mag-textmate namin.

*********

“Happy birthday Hanna!!” napangiti naman ako nung binati ako ni Coline, isa sa mga kabarkada ko.

“Salamat.:)”

“Haha. Libre mo ako mamaya ah?”-Coline

Nandito kasi kami ngayon sa Nowhere To Be Found, gumagawa kami ng letter para sa sponsor namin. Parehas kasi kaming scholar.

Nang dahil sa Chain Message....(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon