"OMG! Excited na ako! Kita kits bukas. :)” mensaheng natanggap ko mula kay Aliyah, ang aking bestfriend.
“See you :)” reply ko sa kanyang text.
College na ako sa pasukan kaya netong nakaraang summer ay abala ako sa pag aasikaso para sa requirements na kinailangan ko para sa college. Bukas ay first day of school ko na, bilang isang college student.Nakapalumbaba ako sa aking kama habang naglalaptop. Kanina pa akong alas otso ng umaga nakalog-in sa Facebook, puro like lang aking ginawa habang binabasa ang status ng aking mga kaklase noon sa high school, dahil bukas ay pasukan na. Lahat sila ay excited, habang ako ay natatakot!
Isang katok ang narinig ko mula sa labas ng aking pintuan. Napaupo ako sa aking kama at saka lumingon sa kung sino mang tao ang kumatok.
“Baby, lumabas ka na. Kakain na.” Tawag ni kuya saakin habang hawak niya pa din ang door knob.
“Yes ya, lalabas na.” Nilingon ko ang orasan at nakitang pasada alas dose na pala. Sinikop ko ang nakalugay kong straight at itim na buhok, hinayaan ko ang side bangs at saka ginawang bun pagkatapos ay bumaba na ako.
Naupo na ako sa aking lugar, parehong nakaupo na sina Mommy at Daddy. Nag simula na rin kaming kumain. Tahimik kaming kumakain, nabasag lamang ito nung nagsalita si Mommy.
“Sash, bukas na nga pala ang iyong klase mo, ano?”
“Yes my.” Sagot ko sabay tingin sa kay mommy. “Bakit po?”
“Ah wala naman. Will you be okay tomorrow?” Nakita ko ang pag aalala niya para saakin. Of course! She still thinks I’m a little girl.
“My, I’ll be fine.” Mahinahon kong sagot. My mother is paranoid.
“Sorry, I’m just worried. You know, you’ll be in College na.” Says mom, habang nakatingin pa rin saakin. “Things will be different.”
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ni Kuya, nasa parking lot na kami ng university. Naki hitch lamang ako sakanya upang makasabay papuntang eskuwelahan kung hindi siguro ako nagising ng maaga kanina ay paniguradong mag cocommute ako, and of course I don’t like to commute early in the morning. Ang hassle nun!
Naipark na rin ni Kuya ang kanyang sasakyan at saka pinatunog ang kanyang auto-lock. Binuksan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan, bababa na sana ako kung hindi lang nagsalita si kuya.
“Baby, will you be fine? Don’t you want me to come with you? Baka mawala ka.” Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mata, I rolled my eyes.
“Kuya, of course I will be okay, and I will be fine. Paranoid kayo masyadon ni motherbels!” Naiirita kong sabi. “Sige ya, bye! See you around!” Nakababa na ko ng kanyang sasakyan pero hindi ko pa din sinasarado ang pintuan.
“Just text me if you need something, okay Baby?” Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi at saka tuluyan ko nang sinarado ang pintuan.
Kuya Yasper Nicho is already 20, and he’s just two years older than me. He’s taking up Civil Engineering, at third year na yon ngayong taon. Kuya’s always telling me that they are the coolest college in this University, yeah right! Hangin talaga nung isang yun.
I’m not familiar with this school, hindi kasi ako dito nag high school. Kaya kahit na nakapunta na ko rito para makapagenrol noon ay sigurado akong mawawala pa din ako. Ang laki kasi neto compared sa dati kong pinapasukan. Doon ako pina aral ni Dad sa isang all girls school simula kinder hanggang sa nag high school ako kaya ganun na lang kaparanoid si Mommy, samantalang si Kuya ay dito na nag aral simula Kinder.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong eskuwelahan. Ang daming tao. Hindi ako sanay.
Habang naglalakad sa hallway ay napamura ako. Shit! Nakalimutan ko ang mapa sa sasakyan ni Kuya! Mapapadali sana ang aking buhay ngayon kung may guide ako. Very nice Sash!
BINABASA MO ANG
To Love and Be Loved
RomanceTo love - and be loved, That's what life's - all about.