Umuulan ngayon, kaya may dala dala akong payong. June kaya maulan sa Pilipinas. Hinihintay ko si Kuya sa may hallway na malapit sa Educ building kung saan sabi niya na hintayin ko siya nang makasabay akong umuwi sakanya.
Third week of classes na kaya nakakapag adjust na rin ako sa pagiging isang college student. Paminsan lang ako kung sumabay kay Kuya, pag maulan lang talaga. Kaya gaya netong malakas ang ulan ay sasabay ako sakanya. Hassle pag mag cocommute pa ako.
Kanina pa ako palinga linga at nagbabakasakaling makita si Kuya. Nanlalamig na ako dito ah! Ang tagal niya. San na ba yun? Tsk.
Palinga linga ako ng may nakita akong isang matangkad na lalakeng naka black leather na jacket, tumatakbo siyang tumawid galing sa College of Liberal Arts building patungo dito sa may hallway ng College of Education. Nang mamukhaan ko siya ay agad na kumulo ang aking ulo.
Yung asungot na naman na kabarkada ni Kuya. Nakita niya akong nakatingin sakanya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. Well, pinagtaasan ko din siya ng kilay. Kala mo ah. Nang makita ko siyang pinupunasan ang kanyang buhok ay umirap ako. Hmp!
“What’s your problem missy?” Nilapitan niya ako saka siya tumawa. Tumaas ang aking kilay. “May dalaw ka ba? Nang iirap ka na lang bigla diyan eh.” Patawa tawa niya pang sabi. What’s with this guy? Why is he laughing?
Hindi ko siya pinansin. Diretcho lamang ang aking tingin sa harap. Ilang minuto pa ay suminghap siya, nilingunan ko siya ngunit mabilis rin akong umiwas. Palingon lingon ulit ako sa paligid baka mahagilap ko na si Kuya. At ayun nga nakita ko siyang half running patungo saakin.
“Kuya! Where have you been?!” Irita kong utas.
“Sorry baby, hinintay ko munang humina ang ulan eh.” Paliwanag niya. “Bro!” Bati niya sa aking katabi sabay bro fist. Tsk mga corny.
“Baby, let’s go! Sasabay si Dame satin.” Nanlaki ang aking mga mata.
“Ano? Wala bang sasakyan yan?” Maarte kong sabi.
“Bro, ayaw yata ng kapatid mo oh!” Tawa niya sabay turo saakin. Tinignan ko lamang siya at wala nang sinabi. Ngumuso ako. Hindi kita papatulan kaya tumahimik ka!
“Grounded kasi yan.” Tatawa tawang paliwanag ni kuya. Umirap na lamang ako sa kawalan.
“Let’s go kuya!” Nauna na rin akong nag lakad sakanila. Dirediretso ang aking lakad hanggang sa makalabas ako ng hallway, hindi pa din humuhupa yung ulan. Habang papalayo ay may bigla akong naalala, oops nakalimutan ko si kuya kaya naman binalikan ko siya doon at saka pinayungan. Bahala yang isa diyan na mabasa. May jacket naman siya eh. Nakita ko naman na nakanguso pa siyang nakatingin sakin na parang nagpipigil ng tawa at saka siya sumunod.
Nang nakarating sa parking lot ay dumiretso na ko sa sasakyan ni Kuya at nag antay na patunugin nito ang auto-lock. Nang tumunog ito ay agad kong binuksan ang door ng front seat, pero pinigilan ako ni Kuya.
“Hep baby! Dun ka muna sa likod. Diyan ang Kuya Dame mo.” Naningkit pa lalo ang aking mga mata. Padabog kong binuksan ang pintuan sa likod at saka umupo.
Nahuli kong tinitignan ako ni kuya from his rear view mirror. Nakasmirk siya habang tinitignan ako. Ngumuso ako. Im pissed okay!
Buong byahe ay napakaingay nila at kung ano ano ang pinagsasabi habang ako ay inabala ang aking sarili sa pagopen ng aking Twitter account. Medyo matagal ang naging byahe dahil sa traffic at umuulan pa. Habang nagtitwitter ay may nagpop out saaking notif. Isa itong friend request sa facebook.
Tinignan ko naman yun at napairap na lang ako sa aking nakita.
Damon Xavier Lacastesantos added you. Confirm or Delete Request.

BINABASA MO ANG
To Love and Be Loved
RomantikaTo love - and be loved, That's what life's - all about.