Chapter 1 "Umpisa"

31 0 0
                                    

Papunta na sana kami kela mami nena nang may biglang tumawag sakin "kuya Ricko! umuwi ka bilisan mo ang lola mo inatake nanaman ng hika" nagmadali akong umuwi sa bahay ngunit pag dating ko ay wala na akong nadatnan, dinala sa hospital ang aking lola :( agad akong nagtungo duon upang makita at makausap ang aking lola ngunit tulog at nasa maayos na kundisyon na ito, "ah ate edna, maraming salamat at tinawagan mo agad ako, salamat din sa pag dala mo agad kay lola sa hospital kung wala ka baka kung ano na ang nangyari sa kanya" si ate edna ay kapitbahay namin at minsan ay nagbabantay kay lola kapag walang kasama ito. "walang anuman Ricko alam mo namang tinuturing ko na rin kayong kapamilya ng lola mo" tugon niya.

Lumabas ako ng hospital para bumili ng makakain at laking gulat ko naghihintay si Ana sa may guard, "Oi Ana anong ginagawa mo dito?", "Ahh, eh kasi bigla ka nalang tumakbo at nagpaalam sa kanila kaya tinanong ko si jay kung ano nangyari kaya sinundan kita, pasensya na ha" tugon niya, "Ahhhh ganun ba? wala yun, di naman tayo close pero kung makapag alala ka naman diyan, hahaha!" tugon ko, "SORRY", ika niya, "Joke lang ikaw naman :P ano kumain ka na ba? tara samahan mo na ako kumain"

Habang kumakain kami parati kong napapansin si Ana na nakatitig sakin pero diko nalang ito pinapahalata, pero tahimik lang talaga itong si Ana parati nalang ako nag oopen ng topic.

Pagkatapos namin kumain tinanong ko siya kung gusto pa niyang sumama sa hospital para mapakilala ko naman siya sa aking lola pero tumanggi siya kaya hinatid ko nalang siya sa sakayan, "Huy salamat ha! Thank you sa pagaalala mo sa akin, kahit di pa tayo close nag worry ka agad, kaya simula ngayon friends na tayo ha?" tugon ko, "Ahh ehh sige >.< uwi na ako baka hinahanap na ako sa amin" sagot niya, "O sige ingat ka ha kita nalang tayo sa school".

itutuloy..

11AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon